White lady

9 0 0
                                    

Ako si Jake. Nakatira kami sa liblib na barrio. Noong bata pa lang ako mahilig na ko maglaro ng tagu-taguan kasama ang mga kaibigan kong sina Apple, Kenneth, at Paulo. Mag-aalas sais na noon nang gabi. Sabi ng mga kabaranggay namin wag na daw kami gumala-gala kasi daw may nagpapakita daw na white lady sa may daan sa tabi ng puno ng balete. Iniiwasan namin ang puno na yun kasi nga takot na takot kami baka kasi bigla namin makita yung sinasabi nilang white lady. Ang taya nun si Paulo. Dali-dali kaming nagtago ni Apple. Nakita ko si Apple nagtago sa may waiting shed na malapit sa puno ng balete, si Kenneth sa likod ng bahay nila, at ako naman ay nagtago sa loob ng bahay namin. Habang nagtatago tanaw na tanaw ko si Apple sa may waiting shed at si Paulo na naghahanap samin. Tapos nagulat na lang ako bigla na may katabi si Apple na babaeng naka-white tapos nakalutang. Takot na takot ako nun. Hindi ako makagalaw at nanginginig buong katawan ko. Ang ginawa ko na lang sa mga oras na yun ay ipikit ang aking mata. At pagdilat ko wala na yung white lady. Ang naunang nahuli ni Paulo ay si Apple, tapos si Kenneth, at ang huli ay ako. Pagkatapos nun, kinwento ko sa kanila yung nakita ko at sabay sabay na kaming nagsipagtakbuhan pauwi ng bahay. Sinabi ko sa sarili ko na di na ko maglalaro ng tagu-taguan kapag malapit na dumilim.

Pinoy Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon