Sabi ng Lola ko, ang mga duwende daw ay may iba't ibang kulay. At sa kulay daw nila mo malalaman kung mabait ba o masama ang isang duwende. Ang pangakaraniwang kulay ng mga duwende ay puti at ang itim. Ang puti ang pinaniniwalaang mabait at ang itim ang pinaniniwalaang masama.
Si Lenlen, anim na taong gulang, ay mahilig maglaro kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Joey at Potpot. Pagkatapos ng kanilang klase dumiretso ang magkakaibigan sa bakanteng lote kung saan nila nakasanayang maglaro. Naisipan nilang magkakaibigan na maglaro ng tagu-taguan. Ang taya sa magkaka-ibigan ay si Potpot. Nagsimula ng magbilang si Potpot at dali-daling tumakbo at nagtago sina Lenlen at Joey.
Potpot POV
Pagkabilang kong sampu nakatago na kayo isa, dalawa, tatlo...
Si Joey nagtago sa lumang water truck sa may bakanteng lote at si Lenlen naman nagtago sa likod ng isang puno na nandun din sa bakanteng lote.
Pagkatapos magbilang ni Potpot, dali-dali niya hinanap ang dalawa. Kaagad nahuli ni Potpot si Joey.
Bang! Save!
At sa di malamang dahilan di niya mahanap-hanap si Lenlen kahit na nilibot na niya ang buong bakanteng lote. At dahil dun tinulungan na ni Joey si Potpot sa paghahanap kay Lenlen Paulit-ulit na sumisigaw ang magkaibigan na magpakita na si Lenlen.
"Lenlen, Lenlen magpakita ka na!" sigaw ng dalawa.
Sa pag-aakalang umuwi na si Lenlen, umuwi na din sila kasi palubog na din ang araw.
Lenlen POV
"Ang tagal naman ni Potpot, kanina pa ko naiinip dito." sabi ni Lenlen
Habang nagtatago si Lenlen sa likod ng puno, may nakita siya na maliit na nilalang na may matulis na tainga at di pangkaraniwang pananamit.
Ang duwendeng nakita ni Lenlen ay itim. Ibig sabihin ito ay isang masamang duwende. Siya ay batang duwende na lalaki na gustong magkaroon ng kaibigan kasi nag-iisang anak lang siya ng kanyang magulang na duwende. Siya lang ang ag-iisang batang duwede sa kanilang lugar.
Napakilala ang duwendre kay Lenlen.
"Kamusta! Ako nga pala si Dende, ako ay isang prinsipe ng duwede na nakatira sa puno na yan." sabi ng duwede.
"Ahh, ganun ba. Ako nga pala si Lenlen. Naglalaro lang kami ng tagu-taguan ng mga kaibigan ko. Wag ka masyado maingay baka makita nila ako. Shhh!" tugon naman ni Lenlen.
Dahil sa gustong-gusto talaga ni Dende na maging kaibigan niya si Lenlen, inanyayahan niya ito na pumunta sa kanilang kaharian na nasa loob ng puno.
Nang una nagdalawang-isip si Lenlen na sumama, pero sa pagpupumilit ng duwende napilit niya rin si Lenlen na sumama sa kanya.
"Lenlen sumama ka na maraming pagkain sa kaharian namin at marami dun na ginto. Mapapasayo yun kapag sumama ka sakin." sambit ng duwende.
Dahil curious din si Lenlen sa itsura ng kaharian ni Dende kaya napasama na din siya.
"Hawakan mo lang kamay ko at hawakan mo ang puno para makapasok ka." sabi ni Dende.
Ginawa ni Lenlen ang sabi ng munting duwende at nakapasok na sila sa kahirian niya.
Nabighani si Lenlen sa itsura ng kaharian ng Duwende. Kahit saan ka kasi tumingin gawa lahat sa ginto ang makikita mo.
"Ano? maganda ba?" sabi ni Dende.
"Oo, napakaganda!" tugon ni Lenlen
Sa loob ng kaharian naglaro lang sila ng buong araw hanggang sa mapagod na sila. At biglang pumasok sa isip ni Lenlen na baka hinahanap na siya ng kanyang magulang. Kaya nagpa-alam siya kay Dende na gusto na niya umuwi.
"Dende, pasensya na ha kailanganko na umuwi baka kasi hinahanap na ako ng mga magulang ko e." sabi ni Lenlen
Mababakas sa mukha ni Dende ang pagkalungkot dahil kailangan na umalis ni Lenlen. Pero dahil ayaw niya 'to na umalis. May naisip na paraan si Dende para di na makakaalis kailan man si Lenlen.
"Papakainin ko si Lenlen ng pagkaing duwende para di na siya makalik sa mundo ng mga tao haha." sabi ni Dende sa kanyang isipan.
"Lenlen ba't di ka muna kumain bago ka umalis. Tiyak ko na gutom na gutom ka na sapagkat maghapon tayo naglaro." sabi ni Dende.
Biglang kumulo ang tiyan ni Lenlen.
"Ay oo, nga mukhang gutom na nga ako." tugon ni Lenlen.
Inasistihan ng duwende si Lenlen sa kanilang dining area at inutusan niya ang kanyang mga alipin na ihanda ang kakain nilang dalawa. Habang inilalapag ng mga aliping duwende ang mga pagkain, biglang naalala ni Lenlen ang binlin ng kanyang Lola na wag na wag siya na kakain ng pagkain na galing sa mga duwende. Kasi sabi niya kapag kinain niya yun di na siya makakabalik sa mundo ng tao kahit kailan.
"Den, di na pala ako kakain. Sa bahay na lang ako kakain." sabi ni Lenlen.
"Dito ka na kumain, naghanda na ang pagkain e." sabi ni Denden.
"Dun na lang. Siguradong hinahanap na ko nina mama at papa e. Sorry talaga Den" sabi ulit ni Lenlen.
Dahil sa ayaw talaga ni Lenlen na dun kumain. Bigla na nagalit ang batang duwende at dun na lumitaw ang totoo niyang ugali.
"Alam mo Lenlen, di na kita hahayaang lumabas dito sa kaharian ko. Ikaw bahala kesyo kumain ka o hindi. Kahit na anong gawin mo di kita hahayaang makatakas. Magiging aliping kaibigan kita habang buhay HAHAHA!" pagalit at paghalak na sabi ni Denden.
"Hayaan mo na ko Den, maawa ka naman sa akin. Baka nag-aalala na mga magulang ko." Paghahagulgol na sabi ni Lenlen.
"Kahit anong sabihin mo di na mababago isipan ko." sabi ni Dende
Pinahuli ni Dende si Lenlen sa kanyang mga alipin at kinulong siya sa kulungan sa kanyang kaharian. Umiyak ng umiyak si Lenlen at nagsisisi siya na sumama pa siya sa Duwende.
Ang tanging nagawa na lang niya sa mga oras na yun ay pumikit at magdasal na makabalik siya sa mundo ng tao. Pagkadilat ng mata niya nasilayan niya ang lugar na kung saan siya nagtago. Dahil sa takot at gabi na din nun, tumakbo siya pauwi ng kanilang bahay. Kinwento niya lahat ang mga nangyari sa kanyang magulang at mga kapatid. Niisa sa kanila walang naniniwala sa kanya. Pagkakain ko ng hapunan, nakatulog na kaagad ako dahil sa dami ng nangyari sa araw na yun.
Masasabi niya sa sarili niya na di lang basta panaginip at guni-guni lang ang mga nakita niya. Magpapatunay na totoo lahat ng nangyari ay ang bracelet na binigay ng duwende sa kanya na may nakasulat na BFF o Best Friend Forever.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Pinoy Horror Stories
HorrorAng iyong mababasa ay galing sa malikot na imahinasyon ko. Nakakatakot, nakakakilabot, nakakapanindig-balahibo! Wag babasahin ng mag-isa lang baka hindi mo alam na katabi mo na pala siya, nagbabasa.