Kapre

8 0 0
                                    

Ako si Mario, di ko tunay na pangalan. Nakatira ako sa Pangasinan. Nag-aaral ako sa Central Luzon State University dito sa Cabanatuan, Nueva Ecija at ang kinuha kong kurso ay Bachelor of Veterinary Medicine. Dito ako pumasok kasi sabi nila nag-eexcel daw ang school na 'to sa kursong vet med at alumni kasi ang mga magulang ko sa unibersidad na to.

Bago pa lang ako pumasok dito sa Unibersidad na 'to, marami na akong naririnig na marami daw elemento na nagaparandam dito. Sa totoo lang di talaga ako naniniwala sa mga kanila kasi never ko pa naman naka-experience.

Ang mga ka-dormmates ko pala sina Jonathan, Kevin, Leo, Jason, at Franko,  di nila tunay na pangalan. Sila ay nasa 2nd year and third year na. Vet med din course nila. Madali ko sila naka-close. Minsan nagpapaturo ako sa kanila kapag meron akong di naiintindihan na topic. Madali sila pakisamahan.

Kahit 1st year pa lang ako, marami na kaming ginagawa na school papers and sobra ko na dami nirereview kasi sa daming mga quiz and exams. Kaya minsan hating gabi na ko nakakatutulog. One time bigla akong nagising, mag-aalas dos pa lang siguro nun. Nakapwesto ako sa ibabaw ng double deck at sa side ko yung pintuan papasok at palabas ng dorm. Nabigla na lang ako na may biglang lumusot na malaking tao na kulay itim. Sa tangkad niya yung ulo niya konti na lang tatama na sa kisame. Sa mga oras na yun nagpanggap ako na natutulog. Di ko alam gagawin nun at sobrang nanginging katawqn ko. Sinisilip ko siya kung ano ginagawa niya. Pa-ikot ikot lang siya nun sa loob ng dorm. At pagkalipas ng ilang minuto umalis na din siya. Nang umaga na, dali dali kong kinwento sa kanila ang nangyari. Bigla na lang silang natawa.  Sanay na daw kasi sila na sa tuwing madaling araw pumapasok yung Kapre. Binigyan pa nga nilang palayaw ang Kapre, tinatawag nila itong Itim. Mabait daw yung Kapre. Kaya mula noon hanggang 12 midnight na lang ako nagrereview at di na ko nagpapa-umaga. Kapag kailangan ko talaga magreview hanggang umaga, pumupunta na lang ako sa mga fastfood restaurant na bukas bente-kwatro oras.

Minsan kapag magigising ako ng madaling araw binabalewala ko na lang kasi nasanay na din ako. Nang minsan nga nahuli niya ko  na nakatingin sa kanya e. Pero parang wala lang sa kanya Nagpatuloy lang na ganun ang nangyayari. Ngayon graduate na ako. Buti naka-survive ako sa haunted dorm ko na yun.

Pinoy Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon