Chapter 3

10 1 0
                                    


Akasha's PoV

Pinunasan ko ang luha sa pisnge ko nang makita kong may pumasok na kawal sa loob ng selda na kinalulugaran ko. Napadaing ako nang walang pasabing hilahin nya lang ako patayo sa pagkakalugmok ko sa sahig at saka ako inilabas sa kulungan.

"Ano ba nasasaktan ako! Ako ang prinsesa!" pilit akong nagpupumiglas pero hindi nya ako pinapansin.

"Hindi na ngayon, Akasha." nilingon ko ang babaeng nakatayo sa harapan ko. 

"Anong sinasabi mo?" huminga ako ng malalim nang makita kong inilabas ako ng kawal sa piitan at ngayon ay nakaharap ako sa mga taong ang tingin ay hinuhusgahan ako.  Hindi na sya ang kapatid ko.

Nilingon ko si Mira.  Ang kapatid kong kasundo sa lahat ng bagay. Ngunit ngayon ay hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya. 

Nginisian nya lang ako saka ko narinig ang pagtikhim ng Punong konseho sa tabi ni Mira. Saka nito itinaas ang balumbon at dahan dahang binuksan.

"Dahil sa pagtatangkang pagpatay ng babaeng nasa harapan nyo sa itinakdang maging reyna ay pinapatawan siya ng parusa. Kahit na may natitira pang araw sa pamamalagi ng dating prinsesa dito sa palasyo ay ipapatapos na siya sa Asturias kasabay ng mga aliping ipadadala doon." parang bulang naglaho ang katahimikan at kanya kanyang ingay ang mga tao na nanonood.  

Naluluha akong tumingin sa Punong konseho. Lalapit na sana ako nang harangan ako ng dalawang kawal na nasa tabi o.

"S-sandali.. Nagkakamali kayo."

Hindi ako pinansin ng Punong konseho at itinuloy nya ang pagbabasa sa balumbon.

"Kamatayan ang kaparusahan sa sino mang lalapit at makikipag usap sa babaeng iyan." turo niya sa akin. "At wala ng kinalaman pa ang kahariang ito sa kung ano mang mangyayari sa iyo sa Asturias. Nasa sa iyo na lamang kung mananatili kang matatag at mabubuhay sa lugar na iyon." at saka siya umalis.

Kanya kanyang lait sa akin ang mga taong dating humahanga sa akin. Dapat pa nga ba akong mabuhay?

----------------------

"Anak.." napalingon ako sa tumawag sa akin. At tama nga ako ng naisip si Nanay Marcel nga. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya kahit na nahihirapan ako dahil katulad ng mga ibang tao na naririto sa gubat ay nakagapos din ang mga kamay at paa ko.

"Nanay, bakit ka naririto? Umalis ka na baka may makakita sa iyo." taboy ko sa kanya kahit na gustong gusto ko na syang yakapin. Natatakot akong baka patayin siya katulad ng sinabi kanina ng Punong konseho.

Umiling lang sya sa akin saka nya hinawakan ang mukha ko .

"Nais mang mangealam ng Mahal na Reyna ay wala syang magawa sapagkat pare parehong nais ng mga konseho at ng kapatid mo na umalis ka na. Kung kaya't ito lamang ang magagawa niya, ang ipadala ako dito sayo ng lihim." sunod sunod na tumulo ang luha ko saka ko hinawakan ang mga kamay ni nanay na nakahawak sa pisnge ko kahit na nakagapos ako. 

"Nagpapasalamat pa din ako na hindi siya galit sa akin at hindi siya naniniwalang pinagtangkaan kong patayin ang kapatid ko." sagot ko kay nanay. Umiling lang sya sa akin saka niya tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa pisnge ko.

Itinapat nya ang kanang kamay niya  sa harap ko at saka may lumabas na bilog doon na kulay lila at sa loob nun ay mayroong umiikot na kulay ginto.

"Ipinapabigay ito ng iyong ina bago ka umalis." hahawakan ko na sana iyon nang lumipad ito at umikot sa itaas ng aking ulo saka siya bumaba sa tapat ng kaliwang braso ko at dumikit doon. 

Tinignan ko si Nanay Marcel, naluluhang nakatingin lang siya sa akin. 

"Naniniwala siyang totoo ka sa iyong sarili at hindi mo magagawa iyon sa iyong kapatid. Alam ng iyong ina na hindi mo magagawang manakit ng kapwa. Kung kaya't ibinabalik niya na ang bagay na para sayo talaga." at saka niya tinignan ang bagay na dumikit sa braso ko.

"A-ano pong ibig mong sabihin? Ibinabalik? Ano?" naguguluhan akong tumingin sa kanya pero nginitian nya lang ako.

"Nanay Marcel naman. Sumagot ka. Bakit niya ito ibinabalik sa akin?" 

"Aalis na! Magsihanda na kayo!" sigaw ng kawal na namumuno para sa pag-alis namin papuntang Asturias.

"Nanay.. sagutin nyo po ako." pagmamakaawa ko sa kanya. 

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko saka ako tinignan ng matiim.

"Huwag kang mabuhay para sa sarili mo, mabuhay ka para sa ibang tao." at saka niya ako nginitian. 

"T-teka! Ano pong sinasabi mo? Nanay!" nagsisimula ng maglakad ang mga taong katulad ko'y ipadadala din sa Asturias sa mga karwaheng magdadala sa amin sa patutunguhan.

"Sige na anak. Lagi mong tandaan ang mga itinuro ko sa iyo. Mahal na mahal kita." 

"H-hindi!" hinabol ko si nanay pero napatigil ako nang maramdamang kong nakatali ako. 

"Nanay!" 

"Binibini!" napapitlag ako nang maramdaman koong may tumatapik sa akin. 

"Nananaginip ka ata." sambit sa akin ng katabi kong babae. Hindi ko  lang siya pinansin at saka ko tinignan ang buwan.

Malapit na kami sa kaharian ng Asturias.

Ang kaharian na simula ngayon ay titirhan ko na. 

-------------

Ang balumbon po pala ay yung scroll. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The fifth elementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon