2009
Siyam na taong gulang pa lamang ako nung nangyari ito saakin. Isang pangyayaring hinding hindi ko makakalimutan.
Nasa 10:30 na ng gabi iyon, bukas pa ang lahat ng mga ilaw sa loob ng bahay. Kaming lahat ay nasa sala habang nanunuod ng aming paboritong pinoy big brother at nagtatawanan. May nakita akong isang maayos na balloon sa ilalim ng upuan ng aking ama at ito'y kinuha ko at nilagay sa ilalim ng aking damit. Nagpapanggap na buntis sa harapan ng aking pamilya. Habang kaming lahat ay may ginagawa, bigla akong inutusan ng aking ama. "Nak, Patayin mo nga yung ilaw sa itaas kasi sayang yung koryente wala namang tao." Kaya ako naman ay sumunod.
Ngunit habang papalapit na ako sa hagdan, may nakita nalang akong puting aninong nakalutaw papunta sa itaas namin. Isang puting anino na pinapaligiran ng maitim na usok. Hindi ako makagalaw sa takot, kaya't ang ginawa ko ay sinundan ko nalang ito sa aking mga mata habang umaakyat at iniisip na baka guni-guni ko lamang iyon. Ngunit ako'y nagkamali sapagkat nung nasa itaas na ang aninong nakalutang ay biglang namatay ang ilaw at ang anino naman ay nawala kasabay ng pagpatay ng ilaw. Sa mga oras na yon, doon na ako sigurado na hinding hindi iyon kung guni-guni ko lamang.
Nakita ako ng aking ama na nakatitig lamang sa hagdan at sinita niya ako. "Nak, ano pa ba ang ginagawa mo?" Kaya agad-agad akong nakatingin sa aking ama at napakunot ng noo. "Papatayin mo ba yung ilaw o hindi?" At dahil don, mas kumunot ang aking noo at tinignan ulit ang ilaw ng itaas namin.
Laking gulat ko nalang sapagkat ang ilaw na nakita kong namatay talaga ay ulit bumukas. At dahil doon, ang aking nakakatanda na kapatid nalang ang pumatay ng ilaw sapagkat ako'y nagsimulang namutla at umiyak na.
Simula nung pangyayaring iyon, hinding hindi na talaga ako natutulog sa itaas namin ng magisa.
BINABASA MO ANG
sindak
HorrorMaraming mga bagay sa mundong ito na hindi natin nakikita. Mga bagay-bagay na akala natin ay wala pero meron pala at hindi lang natin alam. Ngunit marami rin ang pagkakataong nagpaparamdam ang mga ito sa atin. Bakit nga ba sila nagpaparamdam? Dahil...