Ulo
Nasa mga hapon nayun nung nagising ako sa napaka-himbing kung tulog. Yung panaginip na para bang ayaw mo nang magising muna kasi napaka-ganda lang talaga. Yung tipong, mas gusto mo yung nangyayari sa panaginip mo kesa totoong buhay?
Pero, nakagising nung feel na feel ko na ang init talaga. Pinagpapawisan na talaga ako dahil sa init. Hindi kasi kami ganyanan ka yaman kaya electric fan lang ang ginagamit namin.
Papalakasan ko pa sana yung electric fan..
Pagbukas ko sa mata ko ang unang nakita ko ay yung bobong naming. Tinignan ko muna ito ng ilang segundo tapos tumingin na ako sa kanan ko.
Imbis sa kahoy na pader yung makikita ko ay isang ulo na nakalutaw yung dumapot saking mga mata.
Nagtitigan kami nung ulo na yun.
Humarap ito saakin at ningitian ng parang kakainin na talaga ako.
Yung mga mata nito ay ang laki. Yung bibig din niya ay ang laki na abo't hanggang tenga niya sa pag ngiti. Yung tenga niya ay matulis.
Ou, nakatingin ito saakin na sobrang lapit. Para bang 4 to 5 inches lang yung layo. Nasabi kung lumulutang na ulo kasi di ko nakita yung katawan. Basta, boung ulo lang ang nakita ko.
Di ko alam kung anung gagawin saakin nung nakita ko, basta ang ginawa ko eh, kumaripas ako ng takbo palabas ng bahay.
Tinawag ko yung pinsan ko para tignan ulit yung nakita ko pero sabi niya wala daw siyang nakita. Pag balik ko din ay wala na talaga. Simula nun ay di na ako natutulog sa sala namin ng mag isa.
Pero dun sa bahay parin kami nakatira hanggang ngayun.
BINABASA MO ANG
sindak
HorrorMaraming mga bagay sa mundong ito na hindi natin nakikita. Mga bagay-bagay na akala natin ay wala pero meron pala at hindi lang natin alam. Ngunit marami rin ang pagkakataong nagpaparamdam ang mga ito sa atin. Bakit nga ba sila nagpaparamdam? Dahil...