Sarah's P.O.V
Hi everyone! My name is Sarah Nicole Smith. Half Filipina and half American. Im 16 years of age and a 4th year highschool student in Colorful Academy.
Anyways, first day of school ngayon. And kasalukuyan akong lumalakad ngayon sa hallway ng school papunta sa bulletin board para malaman kung ano ang section ko at kung saang room ako.
By the way, if your asking about my lovelife.. well, im MARRIED. De joke lang! Haha. Tawa kayo!
So ang status ko is... Physicaly SINGLE, Mentally TAKEN and Emotionaly BROKEN. Haha. Syempre di na kasali yung broken noh! Happy kaya ako! Kahit NBSB ako, super happy pa din ako coz IM FREEE~~ LET IT GO~ LET IT GOO~
Sige, pull ko to! Singer ako eh, bakit ba? Syempre joke lang ulit yun. Di ako singer pero dancer ako. De joke lang ulit. Ang totoo niyan Joker ako. Hilig ko kasi magjoke kahit ni isa di naman nakakatawa (-.- )"
Nandito na ko ngayon sa bulletin board.
*Hanap* Hanap* Hanap* YUN OH*
|8. Srah Nicole Smith- 4-A r.48|
Section A ako. Yun yung parang section 1 tapos room #48. Bat ba ako napupunta sa section A? Di naman ako matalino. Ginawa lng naman siguro nila yun dahil may share kami dito sa school nato. Eh ano naman ngayon? Gusto ko maranasan maging section B. Wierd ba? Eh, kasi naman ang yayabang ng mga classmates ko. Porket nasa section A na sila, pwede na silang mang-away ng iba? Psh.
Kaya wala akong kaibigan dito eh. Oo, LONER ako dito. Pano ba naman kasi, di ko pinapansin ang mga taong lumalapit sakin. Puro kasi mga kaklase ko. Yung ibang section naman nahihiya, natatakot or baka isipin ng iba na FC sila kung lalapit sila sakin.
Ang totoo niyan, gusto ko magkaroon ng kaibigan. Kaya lang, baka iwan lang nila ako katulad nung nangyari sa amin ng Bestfriend ko. Aish. Ayaw ko ng pag-usapan yun. Malalaman niyo na lang yan nextime.
Pumunta nako sa room #48. Pagpasok ko, hinanap ko agad yung upuan sa pinakalikod dun sa sulok. Buti naman at wala pang umu-upo dun.
Umupo nako dun at inilagay ko ang kamay ko sa desk at pinatong yung ulo ko. Ayoko makita ang mga mukhang palaka na mga kaklase ko.
"Hi miss!" rinig kong sabi ng isang lalake.
*Poke*
Naramdaman kong may kumalabit sakin. Kaya naman ini-angat ko ang ulo ko. At nasa harap ko ngayon ang isang lalake.
"Oh?" tanong ko.
"Ano pangalan mo Miss?" tanong niya.
"Sarah" sabi ko.
Ganyan ako makipag-usap dito. Isang tanong isang sagot.
"Woah. You know what? I have a feeling na Sarah ang name na makakatuluyan ko." sabi niya sabay kindat. EEW.
"So?" sabi ko.
"So it means na tayong dalawa ang magkakatuluyan" sabi niya.
Spell ASSUMING. Di ko nga kilala to tapos siya makalatuluyan ko? Psh. Sa pagkaka-alam ko playboy to.
"Go away" sabi ko.
"Saan ako pupunta? Sa puso mo?" sabi niya.
"Go to hell" sabi ko at umub-ob ulit sa desk.
"Gosh. Nireject niya si Kevin!" rinig kong sabi ng isa kong kaklase. Psh.
Di ko na sila pinakinggan pa. Mga walang maggawa sa buhay. Landian at Chismisan lang nalalaman.
BINABASA MO ANG
Ten Wishes
Teen Fiction"I have ten wishes. At dapat mong gawin lahat yan kung gusto mong gawin ko ang gusto mo."