Sarah's P.O.V
After 123456789 years... nakarating na rin kami sa clinic. Huwaaaaahhh!! Sa lahat ng ayaw ko ay yung gagamutin ang sugat ko!! Napa-atras ako kaya lang nasa likod ko si Aldric at hinawakan niya ko sa braso ko.
"Oh? Aatras? Nandito ka na eh! Ang hina mo!" sabi niya.
"Tumahimik ka nga diyan! Ikaw nga to ang dahilan ng pagkalaglag ko sa puno eh!" sabi ko.
"Aish. Kasalan ko ba kung gwapo ako para titigan ng maigi kaya ka nalaglag?"
Ang yabang niya talaga to the highest level! Di ko mareach!
"Ang yabang mo talaga! Tinignan ko lang ng maigi ang mukha mo dahil akala ko UNGGOY" sabi ko.
Aish. Oo na gwapo siya pero, di naman siya yung type ko noh! Remember? Im MENTALLY TAKEN!
"Aba! Nagsalita ang hindi unggoy! Ikaw nga tong unggoy eh! Umaakyat sa puno!" sabi niya.
"Eh, kung umakyat sa puno unggoy agad? Di ba pwedeng tumingin ka muna sa salamin para malaman mo na ikaw talaga ang unggoy?!" sabi ko.
Nakaka-asar na to eh! Una, tinawag akong mangkukulam. Pangalawa, tinawag akong unggoy?! HELLO?! Maganda ang angkan namin! HONESTO!
"Hoy! hindi nga ako unggoy diba?! Ako ang PINAKAGWAPO AT PINAKAHOT dito sa Academy! Kaya hindi ako unggoy! Mas unggoy ka!" sabi niya.
"Wag ka ngang magyabang diyan! Hindi lahat ng tao dito sa campus, gusto ka! Ang iba ayaw sayo at isa na ko dun!" sabi ko.
"Excuse me lang ha? Pero magpapagamot ba talaga kayo o magsisigawan diyan?" sabi ng Nurse dito sa clinic.
Yan tuloy napagalitan pa kami. Si Aldric kasi eh! Ayaw ko ngang magpagamot ehhh!! >.<
"Sorry po. Magppagamot na po siya" sabi ni Aldric at hinila ako papunta sa upuan.
Inupo niya ko dun sa upuan at parang meron siyang desk. Parang armchair yung dating pero iba siya sa armchair. Basta, parang ganun.
Kinuha niya ang braso ko at pinatong sa desk. Habang yung nurse namn naghahanda ng ipanggagamot sakin. T_T
"Aldric! Ayokong magpagamot! Please! Maawa ka! Gagawin ko lahat, wag mo lang ako ipagamot!" sabi ko sa kanya habang hinahawakan ang damit niya.
Nagsmirk naman siya. -_-?
"Be mine at hindi na gagamutin yang sugat mo" sabi niya.
Napabitaw naman ako sa damit niya. LIKE, DUH! AYAW KO!
"Sige, wag na na lang" sabi ko.
"Haha. Hindi naman yan masakit eh! Natatakot ka ba?" sabi niya.
Tinignan ko siya ng masam.
"Obvious ba?" sarcastic kong sabi.
Tsup
O.o
"Hoy! Ano ka ba?! Pati ba naman sugat ko, tsa-tsansingan mo?! Napaka-manyak mo talaga!" sabi ko sabay hampas sakanya.
Pano ba naman kasi, hinalikan niya yung sugat ko. EEW. x_x
"Sorry for intterupting you two. Pero gagamutin ko na ang sugat mo Miss" sabi niya at lumapit sakin na may hawak na cotton na may betadine.
HUWAAAAAH!!!! HUHUHUHU!!! NATATAKOT NA TALAGA AKO!!
"WHAAAAAAA!!! LUMAYO KANG ASWANG KAA!!!!" sigaw ko sa Nurse at siguro naasar siya dun dahil tinawag ko siyang aswang. Kasi naman eh >.<

BINABASA MO ANG
Ten Wishes
Genç Kurgu"I have ten wishes. At dapat mong gawin lahat yan kung gusto mong gawin ko ang gusto mo."