5: A N N E

69 6 0
                                    

*BALIKTANAW*

Sa gitna ng mataas na sikat ng araw ay malayang naglalakad lakad ang lalaking diretso ang ekspresyon sa mukha kasabay ng maraming taong kapwa rin niya naglalakad, habang nasa parehas na bulsa ang dalawa nitong mga kamay. Sa tulong ng itim na sumbrero ay walang nakakapansin sa kaniya.

Habang abala sa pagtingin sa mga mata ng mga tao ay may hindi inaasahang nakabunggo sa kaniya.

"Napakahirap sigurong maging isang Grim Reaper. Parang isang musmos na walang muwang."

Halata ang gulat sa  mukha ng Grim Reaper sa pagsulpot niyon.

"Kamusta, Goblin."

Sa pagiging seryoso ay biglang nagbago ang ekspresyon ng Goblin sa... isang wirdo at... malanding ngiti na malaking ikinataka ng Grim Reaper pero hindi na niya lang ito pinansin bagkus ay nagsimulang humakbang palayo sa kausap.

"Wala ka raw tirahan?"

Pahabol ng Goblin.

"...I've seen you a lot of times."

Lumingon ang Grim Reaper sa Goblin at ikinataka ang sinabi.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Muli ay hinarap na niya ulit ang Goblin.

"Heller! Goblin ako. Opkors, I must know."

Sabi ng Goblin habang umiirap ang kaniyang mga mata at may malambot na boses.

"*nagboses lalaki* Uhh... ibig kong sabihin... kilala kita Grim Reaper."

"Talaga? Kung ganoon... pakihanap ng paki ko."

Pagkatapos noon ay nawala ng tuluyan ang Grim Reaper.

Dismayado naman ang naging reaksyon ng Goblin.

G R I M  R E A P E R

Ano ba'ng problema ng Goblin na 'yon? Tss. Kalokohan niya.

Habang naglalakad ako ay biglang sumulpot ang isang petite na babae sa tabihan ko.

"Pinuno?" Wika ko.

"Sino pa nga ba."

Hinarangan niya ako kaya napahinto ako sa paglalakad.

May inabot siyang isang papel na nakarolyo.

"Buksan mo."

Utos niya. Ano naman kaya ito?

Nakakatanggap kaming mga Grim Reaper nito kapag may mahalagang misyon o utos sa nakakataas ang dapat naming magawa at kapag hindi namin napagtagumpayan, may kaakibat itong parusa na paniguradong hindi namin gugustuhin.

Binuksan ko ang papel at binasa ang nakasaad doon. Naguluhan naman ako pagkatapos mabasa iyon.

"T-teka. Ako ba talaga ang dapat gumawa nito?"

"Malinaw pa sa sikat ng araw na ikaw ang Grim Reaper na dapat gumawa ng misyon."

Iba ang kutob ko dito.

"Pinapaalalahanan kita, may parusang nakalaan kapag hindi mo nagawa 'yan. Kaya gawin mo at pagtagumpayan mo."

Wika ni Pinuno.

"Naguguluhan ako. Bakit kailangan pang obserbahan at bantayan ang Goblin? Hindi ba mas makapangyarihan ang Goblin kesa sa mga katulad nating Grim Reaper? Anong.. anong ibig sabihin nito? Paano 'yung isa ko pang trabaho?"

GAYblin (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon