Glimpse

127 10 3
                                    

General P.o.V:

"Ano po'ng nangyari sa matsing?"

Masiglang pagtatanong ng batang lalaki.

"Dahil nga nilagyan ni Pagong ng tinik ang puno ng saging niya, nasaktan si Matsing. Gumanti si Matsing kay Pagong. Sabi niya..."

Pinalaki niya ang boses na tila ginagaya ang karakter ng kinekwento niya.

"...ihahagis kita sa tubig Pagong! Inihagis niya si Pagong pero punagtawanan lamang siya ni Pagong dahil doon naman talaga siya nakatira."

"Belat Matsing!!!"

Nakangiti niyang tinapos ang kwento at natuwa sa reaksyon ng mga bata.

"Dito nga kayo."

Pinalapit niya ang mga bata malapit sa kaniya.

"May sasabihin ako sa inyo mga bata ah. Palagi kayong susunod sa mga magulang niyo. At dapat mamahalin niyo sila palagi. At!! Mag-aaral kayong mabuti. Malinaw ba 'yon?"

"Opooooo!!!"

Mahaba at masiglang pagsunod ng mga bata.

"Aalis na po ba talaga  kayo Daddy Vice?"

Tanong ng medyo matabang bata na si Russ.

"Baby, say Mommy Vice. Mo-mmy."

Pagtatama ni Vice kay Russ na kandong niya.

"Da-ddy."

Wala ng nagawa si Vice dahil mas gusto talaga siyang tawagin ng mga batang 'daddy'.

"Oo, aalis na ako. Kaya, ipromise niyo sa akin na magpapakabait kayo."

Kahit halata sa mga bata ang lungkot ay tumango sila bilang pagsunod.

"Ikaw Buern, mamaya may dalang pasalubong na laruang kotse ang kuya mo. Ano'ng dapat sabihin?"

"Yehey!!!"

Paghiyaw sa tuwa ni Buern kaya natawa naman si Vice.

"Magpasalamat ka sa kuya mo, ok?"

Tumango naman si Buern.

"At ikaw Matt, magkakaroon ka ng bagong puppy mamaya. Aalagaan mo siya palagi ah."

"Opo!"

"Archie, pupuntahan ka ng nakaaway mo kahapon, humingi ka ng tawad sa kaniya at 'wag ka ng makikipag-away ulit. Ok ba?"

"Hmm!"

Mariing tumango si Archie bilang pagsunod.

Lumingon naman siya sa batang kandong niya.

"At ikaw Russ, 'yung batang makakasalubong mo mamaya, tulungan mo siyang bumangon at sabihin mo na mag-iingat siya sa susunod. Ok?"

Tinaas niya ang hinlalaki at ngumiti sa bata. Tumango naman ng nakangiti si Russ.

"Coleen, huwag ka ng magiging pasaway at palagi ka ng makikinig sa mga magulang at mga kapatid mo. Sundin mo ang iuutos ng nanay at tatay mo. Magagawa mo ba 'yon?"

Mahinahong pagsasabi niya kay Coleen habang hinahaplos ang mahabang buhok ng bata.

Bahagyang ngumiti si Coleen at tumango kay Vice.

"Bernard, halika nga."

Lumapit si Bernard at binuhat niya ito para kumandong sa kabilang hita nito. Iniikot ni Bernard ang kaniyang braso sa leeg ni Vice.

GAYblin (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon