Sabi nila mayroong apat na yugto ng buhay.
Ito ay ang pagtatanim, pagdidilig o pag-aalaga, pag-aani, at ang pagmamahal sa iyong mga inani.
Sa tingin mo, nasa ano'ng yugto ka na?
Ako?
Hindi pa man ako nakakapagtanim, napaka-miserable na ng buhay ko.
Bakit gano'n ang buhay?
Bakit hindi na lang masaya? Bakit kailangang mahirap?
Ang daming taong sumusuko. Ang daming naliligaw ng landas dahil sa paghihirap.
Buti na lang wala pa ako doon. Hindi pa naman ako sumusuko. Buti na lang at hindi ko naiisipang sumuko.
*boog*
Nagulat ako sa malakas na kalabog sa pintuan ko.
"HOY PSYCHO BUKSAN MO ITONG PINTO!"
Huminga ako ng malalim at walang ganang lumakad papunta sa pinto para pagbuksan.
Nang mabuksan ko ito ay tumambad sa akin ang gusot at pulang-pulang mukha ng pinsan ko. Antok ko siyang tiningnan.
"TINGNAN MO ANG GINAWA MO SA UNIFORM KO. TINGNAN MO!"
Nakita ko ang kaunting mantsa sa manggas dahil sa pagkakaplantsa dito. Naramdaman ko ang pagpilantik ng kamay ko na parang gustong lapatan ang mukha nitong kaharap ko.
"Konti lang naman 'yung mantsa ah. At tsaka, hindi naman makikita 'yung dumi kasi nasa ilalim."
"ANONG KAUNTI?! ALAM MO BANG WALA NI ISANG DUMING PINADIKIT ANG MAMA KO DITO. SINADYA MO BANG DUMIHAN ITO?!"
"Pasensya na. May sira na rin kasi ang plantsa. Maniwala ka. Hindi ko sinasadya."
"Ano bang nangyayari dito at napakaingay ninyo?!"
Iniharap ng maarte kong pinsan na akala mo naman eh si Paul Cabral ang tumahi ng kaniyang uniform kay Tyang na siyang nanay ng bruhildang 'to na nagkataong kumupkop sa akin. Wait. 'Yun ba talaga ang term? Kumupkop? Hindi pala. Ang nagbigay ng maliit na espasyo sa bahay nila at pinatira.
Nanlaki ang mata ni Tyang sa nakita niyang mantsa sa uniform ng anak niya.
"KAHIT KAILAN NAPAKAPALPAK MO TALAGA!!"
Dahil isa lang itong normal na eksena, hinayaan ko siyang sugurin, hampasin at sabunutan ako. Sanay na ako sa mabibigat na kamay ni Tyang kaya kahit papaano hindi na masakit.
Pagkatapos noon, ay umalis na sila na parang walang nangyari.
Haay. Buti na lang talaga may respeto pa rin ako sa pamilyang 'yan kun'di matagal na silang naging abo. De charot.
Katulad ng sinabi ko kanina, nakikitira lang ako dito. Kaya kahit alipustahin at utus-utusan ako ng pamilyang ito, hindi ko magawang manlaban at magreklamo, dahil nga nakikitira lang naman ako.
Bata pa lang, ulila na ako. Naging mahirap ang buhay ko pagkatapos mamatay ni mama, wala akong ibang pwedeng mapupuntahan kun'di dito sa tyahin ko. Aba kung alam ko lang na magiging ganito ang buhay ko dito eh di sana tinanggap ko na lang 'yung alok ng kakilala kong babaeng nagsasayaw sa pole sa isang club.
Biro lang. Sa edad kong disi-otso, mahirap talagang humanap ng tabaho dito sa Pilipinas kaya subukan ko man ng ilang beses, wala talaga eh.
Isa pa, kung magkakatrabaho man ako, baka hindi ko na maayos ang pag-aaral ko. Bugbog na nga ako dito sa bahay, bugbog na sa school, bugbog pa sa trabaho. Baka mamatay ako ng puro hirap na lang.
BINABASA MO ANG
GAYblin (ViceRylle)
FanficPaano kung ang tagabantay o ang Goblin ay hindi kasing-tigas at kasingtuwid ni Gong Yoo? Inspired by the famous K-Drama's Goblin.