Boy Bestfriend? or Boyfriend?

21 0 1
                                    

                     Chapter 1

Ysabel's POV

*MALL*

"Rod! Tingnan mo to dali!" pagtawag ko kay Rod.

May nakita kasi akong mahabang pila sa may sinehan. Kaya tinawag ko siya para may kasama ako.

"Oh bat mo 'ko tinawag? Ano nanaman ang nakita mo?!" pagalit niyang sinabi sakin.

Aba. Ibang klase din tong lalaking to.

"Tingnan mo yun oh! Ang haba ng pila dun! Tara tingnan natin. Pleaseeee?" Pagmamakaawa ko kay Rod.

"Osha. Sige na nga :/"

Ng makarating na kami don......

"Wahhhh! Bespren tingnan mo oh! Diba yun yung sa concert ni taylor swift? Rod! Grabe!" sinabi ko to habang nakahawak ako sa bag niya.

"Magtigil ka nga jan Ysa. Poster lang yan. Libre kasi kaya madaming napila. Oa oa nito." Biglaan niya lang inalis yung kamay ko sa bag niya.

"Ayy. Sorry naman." sinabi ko habang nakanuot yung noo ko.

Kaasar din tong si Rod eh. Hay nako ako'y nagugutom na. Kaya yayakagin ko si Rod kumain.

"Uhm. Rod, nagugutom na ako :( Kain na tayo." Pagyaya ko sa kanya.

Halatang gutom na din naman siya. Hahaha. Munshunga eh.

"Oo nga. Tara na kumain. San mo gusto?" tanong niya sakin.

"Pwedeng sa Mcdo?"

"Okayyy :))"

Nasa mcdo na kami.......

"Uhm. Ysa, ikaw nalang pumila ah." Utos sakin ni Rod.

Lanyang to. Ako pa talaga ang inutusan :3

"Okay sige." Sagot ko sa kanya.

Habang nakapila ako may biglang tumawag sakin na nasa likod ko lang naman. Kasi nga diba nasa pila ako.

"Ysa"

Tumingin ako sa likod.

"Oh Jeydie, ikaw pala yan. Sino kasama mo?" tanong ko sa kanya.

"Kasama ko si Angela. Ikaw sino kasama mo?"

"Angela? Yung girlfriend mo? Si Rod lang kasama ko." Sabi ko sa kanya.

Si Angela Mateo ay girlfriend ni Jeydie. OMG! 2 years na pala silang nagsasama :))

"Oo yung girlfriend ko. So asan na si Rod?" tanong niya.

"Nandon siya sa 2nd table. Btw, sumabay na kayo samen. Tsaka asan si Angela?" tanong ko kay jeydie.

Grabe. Ibang iba na si Jeydie ngayon. Ano kayang pinapakain ni Tita at ni Angela don? Malamang pagkain. Gege. Ang gwapo niya. At syempre wala ng mas gagwapo pa sa bespren kong si Rod.

"Ah osige. Sabay kami sa inyo. Tinext ko na si Angela na dun siya umupo sa 2nd table" sagot niya sa akin.

"Oorder lang ako. Ako na kasi eh" sabi ko sa kanya.

"Uhm. Miss yung BFF Burger Bundle nalang tsaka drinks" yung inorder ko sa miss na yun.

"530 po Maam. Saang table po kayo?" tanong nung miss na yun.

530! Tapos wala pang dagdag si Rod. Di bale mayaman naman kaming dalwa. Hahahaha.

"Eto yung bayad miss. Sa 2nd table kami." sabi ko.

"Okay maam. Pakihintay nalang po dun."

"Sige" reply ko sa kanya.

Umalis na ako sa pila at pumunta kay Rod. Ay grabe din itong si Rod. Bakit nakanap siya?!

"Hoy Rod!" pagsigaw ko sa kanya habang paupo ako.

"Oh anjan kana pala. Antagal mo naman!" pagsigaw pa niya sakin.

Tangna netong lalaking to. Parang ang ikli ng pila eh no. Letse!

"Eh ang haba kaya ng pila! Nakita ko nga pala si Jeydie sasabay sila satin kumain." sabi ko sa kanya.

Biglang dumating yung waiter.

"Maam, Sir, here's your order."

"Thanks" sabi namin ni Rod.

Ng biglang dumating yung dalwa....

"Hi guys!" sabi ni Angela.

Grr! bat ganon na itsura niya?! Madami na siya pimples!

"Hi. tara kain. Upo na kayo" sabi ni Rod sa dalwa.

Umupo na yung dalwa. Magkatabi kami ni Rod at yung dalwa magkatabi den.

*nakatapos na kaming kumain after an hour*

"Oh guys! babye na :)" Pagpapaalam ni Angela.

"Osige bye. Uwi na kami." sabi ko

Nakasakay na kami ni Rod sa kotse. At nagpapatugtog nung Timber.

"Ilipat mo nga yan Rod. Napapasayaw ako eh." sabi ko

Tawa ng tawa si Rod. Nasapian na ang bespren ko :)

"Oh Ysa nandito ka na. Matulog kana agad. Alam kong pagod ka."

Magpapaalam na din sana ako bigla niya akong kiniss sa pisngi. Namula nanaman ako. Kinikilig ako tuwing ganon siya. Maygawd.

"R-rod?"

"Bakit?" Tanong niya.

"Ah osige bye na den. Ingat ka ah."

Bigla nalang ako pumasok at tatakbo agad sa taas papuntang kwarto ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Boy Bestfriend? or Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon