Chapter 1: Breakup

4.5K 125 26
                                    


Nagpipigil lang ako ng luha ng makausap ko siya. It hurts so bad. Gusto ko ng lamunin nalang ako ng lupa.




" Let's end this relationship. I'm sorry, Avery.." sabi ni Uly habang ako naman si tanga umiiyak. Sama talaga neto.






Siguro sa 5 months naming relationship. Mga 20 times kami nagbreak, ganun katoxic ang relationship namin.




Well, I'm proud to say that I never cheated on him. Baka siya madaming girls hehe hirap talaga pag varsity player ang boyfriend. Daming lamang dagat na nakapaligid. Pero wala eh. Wala naman akong laban kay Desiree. Mahal niya pa yun eh.




Ayan kasi tayo eh, iniyakan lang ni ex, binalikan na agad. Iiwan na yung loyal. I don't know why I'm always "MALAS" when it comes to love.



Hehe lahat nalang iniiwan ako.  Naglalakad siya palayo sakin. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, pati langit umiyak. Hay Lord, bakit ngayon pa? Wala po akong payong :(




Wala namang oppa na lalapit sakin dito para payungan ako kase alam niyo yun. Nagcut lang ako ng classes.



Di ko na siya hinabol. Bukod sa masakit na ang paa ko, di din naman ako sardinas para ipagpilitan sarili ko. I know that he still loves Desiree. Panakip butas lang naman ako eh. Ako kasi yung nandyan nung nasasaktan siya. Tss.




Avery, dear self. Bakit ba ang uto uto mo? Bakit ba? Hahayaan mo nalang lagi na ganun? Kanino ka ba nagmana? Panget ba ko?




Kasalukuyang nakaupo ako sa bench sa park ng school namin. Buti walang tao.




Nagcut pa ko ng classes dahil sabi niya emergency daw. Yun pala makikipagbreak lang. Sana tinext niya nalang ako. Para di na ko nabasa ng ulan at nagmukhang baliw dito.




" LORD BAKIIIIT PO? LORD BAKIT GANUN. LORD KUNG DI PO SIYA PARA SAKIN. KUNIN NIYO NALANG PO SIYA... LORD PENGE NAMAN NG MATINONG BOYFRIEND DYAN. YUNG DI AKO IIWAN. AANTAYIN KO YAN LORD. " I shouted. Natatawa nalang ako na naiiyak sa ginagawa ko ngayon. Buti nalang wala ganung tao. Kase nasa mga room sila eh hehe. Pero kung makikita ako ni Imee ngayon, baka binigwasan na ko nun. Malamang sa malamang kailangan ko namaman ng neozep mamaya at biogesic.





Nagulat ako nung may lumapit sakin at pinayungan ako.





" Lord, kakahiling ko lang ah. Ambilis naman po ahehehe.. "





He gave me a "what's wrong with you" stare " Stupid. Why are you skipping your classes, miss? Is it because of that guy? You're crazy. " sabay hatak niya sakin. Lord naman eh.. sabi ko boyfriend. Hindi kaaway. Huhu, hinawakan niya ang kamay ko at nagholding hands kami--- ay hindi. Hinatak hatak niya ko.





Nagpupumiglas naman ako " Hoy hoy, san mo ko dadalhin? I hate you. Nasaktan na nga ako kanina eh. Tapos sinasaktan mo nanaman ako ngayon? Ganyan kayong mga lalaki. Porket ang gwapo mo, ginaganyan mo na ko. Sinasaktan mo na ko.. "




He smirked " Detention. Tss. Ang ingay mo. "




Whaaaat? ANO?! DETENTION? LAGOT KA AVERY SA MOMMY MO LAGOT KA TALAGA. EH SINO BA KASE TONG KANINA PA HUMAHATAK SAKIN?





" SINO KA BA? " pagtataray ko. Omg sakit sakit na ng ulo ko tas dagdagan pa ng lokong to. Sa sobrang pagpupumiglas ko, nahulog pagkakahawak niya sa payong.





Ayan Avery. Nandamay ka pa talaga. Parehas na kaming basa ng ulan. Hays bakit ba kase ang layo pa ng building kung nasan ang detention. Halatang naiinis na siya sakin. Dedma sayo, hatak hatakin mo ko dyan eh.




The Backup Plan [DonKiss]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon