CHAPTER 3 : Keith Meet the Queen

107 3 0
                                    

update ~ update pag may time hihi.

dedicated to you as i promised :*

 sa wattpaders group sa FB :D

Comment | Vote | Follow

============

Chapter 3.

Keith Angelo Madrigal sa picture --->

Habang nasa library.

“uyy  Keith bakit parang kanina pa semana santa yang mukha mo?” tanong ni Clifford kasi parang pinagsukluban ng langit at lupa ang mukha nya ngayon.

“I really hate that girl” sambit nya habang nagsusulat

“who is she?” taking tanong ulit ni Clifford

“parang di mo kilala dude syempre yung Queenverly na yun” iritadong sabi ni Keith

“bakit? Parang araw araw ka namang badtrip dyan kay Queenverly? At araw araw ka na ding nakasimangot  dahil sa kanya. Sige ka tatanda ka agad ng maaga nyan” tukso ni Clifford sa kanya

“hindi ko gusto mga ginagawa nya. Tinatrato nya ang kahit sino sa school na to na parang sya ang reyna. Aba nasarapan sya! Queen lang ang pangalan nya pero hindi ang estado nya” sabi naman ni Keith

“as far as I know wala pa naman syang ginagawang hindi maganda sayo ah, eh bakit parang puputok na butse mo dyan?” natatawang sabi ni Clifford

Tinignan nya si Clifford ng masama.

“wag nya ng subukang gawan ako ng mga kalokohan nya. Hindi nya ako kilala , baka di nya magustuhan ang gagawin ko sa kanya” sabi naman nya

“talagang hindi ka nya kilala dude. HAHA hindi nga siguro nun alam na nag-eexist ka sa school na to! Dahil napakasikat sya. Ikaw ordinaryong estudyante lang dito sa SU. At isa pa isa na sya sa may-ari nitong school” tumatawang sabi sa kanya ni Clifford

“oyy pamangkin lang sya ng may-ari nitong school noh! Kaya wag sya mangarap na igagalang din sya ng mga tao dito” sabi naman nya

“ganun na din yun dude. Song ang dinadala nyang apelyido, at saka don’t tell me di ka nagagandahan sa kanya? Ang ganda nya kaya” sabi naman ni Clifford na parang nangangarap

 

“eh sayo? Ok lang utus-utusan ka nya ng ganun? Eh kung utusan ka nga nya kanina daig mo pa ang janitor at pinagbitbit ka pa ng trashcan para lang maka-pang api sya ng tao” sabi nya dito patay na patay kasi sa Queenverly na yun eh ang maldita naman.

“Mr. Jimenez and Mr. Madrigal baka nakakalimutan nyong nasa library kayo?” tanong ng masungit na librarian na si Ms. Vargas

Ma Boy! (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon