LINGGO.
Isang pangkaraniwang araw sa pangkaraniwang lugar. Hindi ko akalain na ito ang araw na talagang mamalasin ako ng sobra. Nasa loob ako ng National Book Store at hinahanap ang librong matagal ko ng gustong basahin. Nasaan ba 'yon?
"AAAAHH! Ano 'to?!" may isang nakabibinging sigaw ng isang babae mula sa labas. "Sabi mo pupunta ka lang sa hospital para dalawin ang mommy mo kaya hindi ka makakapunta sa date natin! Tapos makikita kita sa mall na may kasamang iba! Sino siya?!" Grabe naman ang boses na 'yon, ang lakas. Parang sa kaibigan ko lang. (~_~)
"Ano 'yon?" tanong ng isang babae sa kaibigan niya na nasa kaliwa ko.
"May away yata sa labas.." sagot ng kasama niyang babae.
"Tara tingnan natin!"
Sinundan ko lang sila ng tingin habang nagmamadali silang lumabas ng store. Yung totoo? Talaga bang may balak silang makialam sa kaguluhan sa labas? Bakit hindi na lang sila makialam sa sarili nilang probleme? (-__-;)
Lumipat ako ng pwesto at nakita ko na ang librong hinahanap ko. Buti na lang nakita ko na! Dumiretso na ako sa counter para magbayad since lahat sila nasa labas at nanonood sa pag-aaway nung dalawang kung sino man 'yon. Pagkatapos ko rito saan ako pupunta? Salon? Hmm.
Lumabas ako ng book store at nakita ang bestfriend ko na si Michie na umiiyak sa harap ng isang matangkad na lalaki na may katabing isang magandang babae.
HAAAA? ! (@_@;) Ano'ng ginagawa niya dito? Siya yung sumisigaw kanina pa?!
"Ang kapal mo! Ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo! Taksil ka! Sigaw ng kaibigan kong si Michie sa harap ng lalaking hindi ko kilala.
Napa-nganga ako nang makumpirma ko na siya nga iyon.
"Who the f*ck are you talking to?" tanong ng lalaki.
Nagmura siya! Kanino kayang anak 'to? Hindi ba nila tinuruan ng good manners ang anak nila? Fuuu. Ang ayoko talaga sa tao yung basta na lang kung makapag-mura. Naiinis ako sa kanila !!o(>__<)o!!
"TOP, do you know her?" tiningnan niya si Michie mula ulo hanggang paa.
"Hell no," the guy answered coldly.
"Ano? Ngayon naman nagkakaila ka? Sabi mo ako lang! Ibinigay ko sayo ang lahat! Hindi pa ba sapat ang mga nakuha mo sa'kin? humihikbi na sabi ni Michie
Napa-singhap ang lahat ng tao na nakikinig sa kanila.
"Ano raw? Ang sama ng taong 'yan," komento ng babae.
"Oo nga, sayang ang gwapo pa naman niya," komento ng kaibigan nung babae
Nagkaroon ng ilang pagsang-ayon ang iba pang nanonood tungkol sa kung gaano kasama ang lalaking 'yon para lokohin si Michie... kung gano siya katangkad, kakisig at kagwapo. Nagkaroon din ng tanong kung artista daw ba yung lalaki o model ng bench. (-__-;)
"You're really asking for it woman, stop it!"
"Bakit ka ba ganyan sa'kin? iyak ni Michie. "Dahil ba sa kanya?!" turo niya sa katabing babae nung lalaki. "Dahil ba sa kanya kaya iniiwasan mo na ako Honey?"
"F*ck off".
Napakasama ng ugali ng lalaking 'yon! Kumukulo ang dugo ko! Mabilis akong pumunta sa harap nung lalaki at dinuro ko siya.
Hoy! lalaking akala mo kung sino! Ikaw na nga itong nanloko ikaw pa may ganang sabihin yan sa kaibigan ko! sigaw ko.
"Sam? Sammy?! namumutla na tawag sa'kin ni Michie. Halatang nagulat siya.
BINABASA MO ANG
Talk Back And You're Dead! First Half
CasualeAll parts of this story is not mine. All credits goes to Alesana Marie.