"Hi Crush!" ang katagang kinakatakutan ng mga torpe at mga naglilihim ng tingin.
Masarap maging silent lover at nagtatago ng lihim na pagtingin. Kasi nakikita mong masaya sila pero di nga lang sa piling nating mga naglilihim.
Sapagkat masakit sa part natin na hindi niya man lang 'to alam. Yung mga nararamdaman natin sakanila. Ang mas masakit namang isipin eh yung "Wala ng chance" yan yung masakit.
OA na kung OA pero masasabi mo din yan pag napamahal na saiyo yung taong yun.
Ako po si Khaira de Guzman, nandito ako ngayon sa parte ng skwelahan na walang humpay kaka-stalk at tingin sa crush kong walang malay.
Napapangiti ako pag ngumingiti siya, pero nawawala ito nung nakikita kong hindi pala ako yung nagpapasaya sakanya. Torpe ba tawag saakin? Di naman ata nababagay ang torpe na term saakin eh.
Napahinto siya nung may kumalabit sakanyang babae at may binigay na isang sulat, ngumiti siya at inabot ito. Napangiti ako sakanya, ito ang nakaka-turn on sakanya. Ang bait at hindi snob.
Nawala ulit ang ngiti ko nung naalala kong, hindi pala ako yung ningitian niya. Grabe! Nab-broken hearted ako pag may iba siyang babaeng kasama.
Naduduwag kasi ako pag nagc-cross yung landas namin. Nakikilig nga ako ng patago at sinasabunutan yung sarili ko pag ngumingiti at nahahaplos yung braso niya sa uniporme ko.
*KRIIIIIING*
*sighs* bell na, it means di ko nanaman siya makikita for two hours. Oo, ganyan ako kaadik. Kung mamimiss ko sya ng dalawang oras lang eh ano pa kaya pag nagsi-uwian na ang lahat?
Lumakad na ako papunta ng classroom.
OMG. Nakikita ko siya. Hindi ko siya mmatingnan man lang sa mga mata niya. Nakakahiya kasing tingnan siya. Waaaah!
5steps. 4. 3 OMG!
2
1
"Hello!" napatalon ako ng may kumalabit saakin. Nanlaki ang mga mata ko at namilipit sa kilig. Kinalabit niya ako!!
"H-hi" sabi ko ng nahihiya. Eh kung nung una eh simpleng ngiti niya lang naiihi na ako sa kilig. Pero ngayon bumabati na ito saakin! OMG.
"Diba ikaw si Khaira?" sabi niyang nakangiti. Waaah! Bumibilis ng bumibilis yung takbo ng aking puso. Any minute eh, tatakbo na ito. Wag! Minomoment ko pa siyang kinaka---teka!? Kilala niya ako?! OMG. Nakakakilig todamax
"O-oo. A-ako nga." sabi ko. Nauutal akong kausap siya. Nahihiya kasi ako, first time niya akong kausapin ng ganito.
"Ah. Nice meeting you. Ako pala si Kazer Smith." sabi niya sabay inalok ang palad niya. Hindi ko magalaw ang sarili ko. Mismong crush ko nagpakilala na saakin. Pero sa bilis ng kabog ng puso ko hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
Bigla nalang akong nahimatay.
*Kazer's P.O.V*
Bago ako pumasok ng classroom namin, pumunta muna ako ng CR. Pero nadatnan ko siya.
Tama ako, sa ganitong oras ko talaga siya matatagpuan, same place. Nakita ko lang siyang nakayuko. Ano kayang iniisip niya? Ako kaya? Hays.
Hala! Eto na, ilang hakbang nalang...Noon nginingitian ko lang siya. Ano bang gagawin ko? Ahhh!! Bahala na nga lang si batman.
"Hello!" nagulat nalang ako sa ginawa ko. Kinalibit ko rin kasi ito at kitang kita mo sa mukha niyang gulat din, ang ganda niya paring magulat. Nakuu!! Parang di niya ako papansinin.. >_<
"H-hi" nagulat nalang ako nung nagsalita ito. Ambading man sabihin pero kinilig ako. Ano pa ba ang sasabihin ko? Amm...
"Diba ikaw si Khaira?" ang bobo-bobo mo Kazer!! Bakit yun sinabi mo? Teka, malay natin. Waaah
"O-oo. A-ako nga" bakit ba siya nauutal? Napangiti nalang ako ng patago sa isip ko pero mabilis itong nawala ng maisip kong. Malabong mangyari iyon.
"Ah. Nice meeting you. Ako pala si Kazer Smith." bobo ka sa pinakabobo ng lahat ng bobo sa buong mundo! Ang bobo mo talaga Kazer!!! Pero, nginitian ko nalang siya, please sumagot ka
Tiningnan ko lang ito pero parang biglang namutla yung pinkish lips niya. Oo, pinkish yung labi niya. Napalaki nalang yung mga mata ko ng nahimatay siya.
"Khaira? KHAIRA!!" sigaw ko dito sabay salo sakanya. M-may sakit ba siya? Kaya mabilis ko 'tong binuhat pang bridal style at dinala sa clinic.
Ang wrong timing mo naman Kazer.
Hinatid ko ito sa clinic. Mabilis akong naglakad kasi ang raming nakatitig baka akalain nilang inano ko pa siya.
Madali naman akong napunta sa clinic.
"Oh? Anong nangyari kay Miss de Guzman?" sabi nnung isang nurse na nagbabantay ata 'to sa clinic.
"Bigla po siyang nahimatay.." sabi ko na may halong nakakabahan. Ano ba kasi nangyari sa kanya? Baka may sakit siya? Aish
"Oh ijo, ilagay mo nalang siya dun sa clinic beds, lumiko ka lang dyan at may kwarto kang makikita." sabi niya tumango nalang ako at dumiretso na doon.
Hiniga ko ito sa kamaa ng dahan dahan. Hindi ko pa siya nalapag sa kama nakatitig lang ako sa mala-anghel niyang mukha. Ang ganda niya, inosente na inosente siyang tingnan.
Nabigla ako nung may biglang bumukas ng pinto. Napalaki yung mata ko kaya bigla ko itong nabitawan.
"Ay! Sorry ijo. Naabala kita. Hehehe! Sge aalis nalang muna ako hihihi" sabi niya sabay mlumabas ng kwarto. Namula ako bigla. Akala niya siguro hinalikan ko si Khaira..
Hanggang akla lang ba talaga yun?
![](https://img.wattpad.com/cover/15781621-288-k59697.jpg)
BINABASA MO ANG
Hi Crush!
RomanceHi Crush! Mga katagang di natin kayang sabihin pag natotorpe't naduduwag na tayo. Di nating kayang ipakita kasi pinapangunahan natin ang ating mga sarili sa, baka ma-FRIENDZONE niya ako. Di natin pwedeng sabihin dahil posibleng mamamatay o sobra an...