Chapter Two

62 1 0
                                    

Chapter Two

*Khaira's P.O.V*

Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko. Ano bang nangyari?

Ng ma clear ko na yung nakikita ko. Napadilat ako ng wala sa oras. ASAN AKO?! Ang naaalala ko lang eh nasa may corridors ako at...at kausap ko si...si..Kazer.

Ah! Darn, naaalala ko nanaman yun at mabilis nanamang kumabog yung puso ko.

"Gising ka na pala, okay ka lang?" bigla nalang ako napaupo galing sa kakahiga ko. At dahan dahan tiningnan yung nagsalita. Bigla bumilis ang tibok ng puso ko. Binantayan niya ako?

Iniisip ko pa lang yun parang nakaturbo todamax na motor yung puso ko sa kakatibok.

"A-anong g-ginagawa mo d-dito? A-asan ba ako? A-anong nangyari?" bigla kong nauutal na sabi sakanya. Boba mo talaga Khai! Mukha namang clinic ang naroroonan mo ah?

"B-binabantayan ka...kasi!! Yang... Uhmm, ano.. Nasa clinic tayo! Oo, nasa clinic tayo bigla bigla ka kasing nahimatay kanina. May sakit ka ba?"  sabi niya sabay hinawakan ang noo ko. Waaaah!!! Baka bigla nanaman akong mahimatay sa tuwa nito. I mean sa kilig

Bakit ang init? Naka-aircon naman dito ah? Urshh! Hoy! Khai! Sumagot ka sa tanong ni Kazer!!

"U-uhm.. W-wala n-naman akong s-sakit.. Uhmm, s-salamat pala sa pag hatid mo sakin dito...at sa pagb-babantay.." bigla akong yumuko baka kasi makita niya yung namumulang pisngi ko sa kilig.

Hindi kasi ako makapaniwalang binantayan niya ako at nag-isip na dalhin ako sa clinic.

"May sakit ka yata eh? Ba't ka namumula?" nabigla ako sa sinabi niya. OMG nakita niya yung mukha ko. Pero may narealize ako, manhid din pala 'to siya. So hindi niya talaga malalamang crush ko siya. Hays.

"W-wala nga eh." sabi ko sabay namang pumasok yung assistant nurse sa clinic. Wrong cue ka nurse!!

"Oh? Gising ka na pala Miss de Guzman, kamusta namang yung pakiramdam mo?" sabi niya sabay ngiti. Ngumiti naman ako dito

"Okay lang po ako. P-pwde na po ba ak--kami l-lumabas??" nagdadalawa kong isip koung AKO or KAMI yung sasabihin ko. Ang lakas parin ng tibok ng puso ko. Hindi pa pala ako okay

"Oo naman. Ang sweet ng boyfriend mo ah? Binantayan ka talaga. At infairness! Ang pogi" sabi ng nurse sabay nag giggle. Namula ako bigla sa sinabi niya. B-boyfriend? Waaah! Di ko na 'to carry!! Sa sobra kong pamumula at kilig lumabas ako ng clinic. Dire-diretso at sa pag labas ko dun ko nilabas yung kilig ko.

"KYAAAAAAA!!!!!!!!!!" sigaw ko. Di ko na kasi nakayanan. Wala na akong pakealam kung sino man ang makakita sakin at sabihan ako ng weirdo, freak at baliw. Basta ako kinikilig ako!!

*Kazer's P.O.V*

"W-wala nga eh." sabi niya sabay namang pumasok yung panira ng moment na nurse. Kaya napatingin ako dito. Sa nurse

"Oh? Gising ka na pala Miss de Guzman, kamusta namang yung pakiramdam mo?"

tanong ng nurse kay Khaira. Tiningnan ko ng patago si Khaira, ngumiti ito sa nurse. Ang ganda niya talaga pag ngumingiti.

"Okay lang po ako. P-pwde na po ba ak--kami l-lumabas??" nag-aalanganin na sabi ni Khaira. Nakinig lang ako sa pangyayari. Yumuko lang ako ng konti.

"Oo naman. Ang sweet ng boyfriend mo ah? Binantayan ka talaga. At infairness! Ang pogi" sabi nung nurse tsaka nag giggle siya yun bang parang nakilig? Pero say whut?! Nagulat na din ako sa sinabi ng nurse kaya napatingin ako dito. Hindi ako galit. Kahit pambakla 'to pero...kinilig na rin ako sa sinabi niya.

Nakita ko nalang na nagmamadaling lumabas si Khaira. Asan ba yun pupunta? Ayaw niya kayang tinatawag akong boyfriend niya? Basted na ba yun? Naaaah! Don't loose hope Kazer.

Tiningnan ko yung nurse at tumayo susundan ko si Khaira, nakikita ko siyang nakatayo lang dun sa labas ng clinic. Nakita ko siya through the transparent glass. Binagalan ko ang pagopen ng pintuan

"KYAAAAAAA!!!!!!!!!!" nagulat ako nung sumigaw bigla si Khaira. Akala ko nga nasaktan na siya. Pero napangiti ako nung tumatalon ito yun bang parang ang saya saya niya?

"Kyaaaaaaaaa!!! Hindi ko na talaga na kaya!! Waaaah!!" sabi niya.. Teka? Baka may sakit talaga sakanya? Kaya minabuti ko ng lumabas at nilapitan siya.

"Anong di mo na kaya Khai? Anong nangyari sayo? May masakit ba sayo?" sabi ko ng malapitan ko na siya. Natigilan siya at parang yung nagulat siya ng husto.

"W-wala naman." sabi niya. Nauutal nanaman siya.

"Sure ka?" nagaalala kong sabi sakanya. Grabe! Ako na siguro ang pinakamaalalahaning tao!

"O-oo. Salam---" natigilang siya sa sasabihin niya ng may sumigaw sa pangalan ko.

"KAZER!!!" and by that time nakita kong lumayo na siya..

Naglalakad na siya palayo saakin.

Lumayo na si Khaira. Sana malapitan ko pa siya..

Teka?! Malalapitan ko pa siya! Palagi kaya kami nagkikita..

Because I'm always doing it on purpose na magkita lang kami..

Same place...Same time...Same reason...Same excuse.

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon