Chappy 3
"Flat is justice."
"My dear, Flat is never justice." -ika ni ostrich.
"You need them, to use as... Uhm, how do I put this... "emergency guns"." -dugtong pa niya.
"I do not want to have this kind of conversation right now." -sabi ko
"Me neither."
2 seconds later...
"Beffy... Uh, there's something on your nose."
"Ito ang nangyayari kapag nag-e-english ako eh." Tumalikod na ako at pumunta ng washroom habang ginagamit ang aking kamay bilang pangtakip para sa aking "bumeberdeng" ilong.
"Wait!! Sh-Should I come?" Mabilis na paghablot niya ng kamay ko.
"Hindi, 'wag na." Sabi ko nang parang ngongo. --At dahil naman nakatakip pa ang aking ilong. Bumitaw na siya sa akin at tumuloy na ako sa paglakad.
Hay nako, ang rami nang nangyari sa mga nakaraang araw, hindi ko pa alam kung saan ako magsisimula...
Hmmm...
Basta puro tungkol kay Keira iyon na nagpapakita sa akin ng iba't-ibang bagay. (Oy hindi yung ano niya ahh) Nakalimutan ko nga lang ang lahat. Thanks, brain.
Si Mr. Pogi... Di ko pa rin alam yung pangalan niya.
Speak of the devil. He's here... --Kaso kailangan ko na talagang mag-washroom.
"Chicken lady!!!"
"Wait lang muna, Mr. Tabachoy! Cr muna ako!"
"It's Choi!!!"
Oo nga, bakit naman hindi ko pa mabigkas ang pangalan niya ng maayos? Choi nga! Ano ba yan, Leigh! Magiging apilyedo mo 'yan, hindi mo pa masabi ng maigi!
Hmmm...
Leigh Geda Choi
Wahohohohoyy!!! Bagay ahhhh...
Kaso kapag tinanggal natin ang Geda... Magiging...
Leigh Choi
PARANG "LECHON" PAKINGGAN! ANO BA 'YON!!!
--Ito ang mga nasa-isip ko habang hinuhugasan ang dugo na nahulog sa aking ilong...
Pagkalabas ko ng washroom, si reyna ng mga ostrich ang biglang lumabas.
"Beffy!"
"Stalk..y!"
"Am I?"
"Ay hindi! Si Mr. Trash can." Tinuro ko ang basurahan.
"Ahahaha! Very funny!! Mwahahaha!" Parang ostrich na trying-hard lumipad. "Oh hey! Look! It's your crush!! Now's the time!!! Use your emergency guns!!! *wave wave* Yoohooo--" "Hush.!" Habang nakahawak sa kanyang ulo gamit ang aking kamay, nakatakip naman ang kanyang bibig gamit ang aking isa ko pang kama--Ew. May laway.
"You missed your chance.!"
"Usong maghintay kasi ehh. Napaka-excited mo kasi masiyado... May date ba?"
"...Yes. Kinda. With daddy."
"Ah okay."
"Bye, beffy!"
"Bye."
Tumigil siya at lumingon sa akin ng matagal. Parang hinihintay niya ang bubuga sa aking bunganga.
BINABASA MO ANG
Frenemy [ON HIATUS]
Ficção AdolescenteNoong nakaraan, hindi gaanong kalayong-layo pa, mayroong dalawang magkakaibigan na parang aso't pusa kapag mag-usap. Isang bunso sa pamilyang may katamtamang kayamanan, ay si Leigh Geda, "pusa" sa storya. Nasimulaan niya ang pasukan ng banggaan ang...