Part 7 [Spirit of the glass]

23 0 0
                                    

"Spirit of the glass lalaki kaba?"  Agad ko ng sinimulan.... Wala eh, gusto ko ng matapos toh.

Gumalaw yung glass. Tumapat sa "NO" Totoo ba yung nakikita namin? :O

Gumalaw yung glass. Nagka-tinginan kami. Nakita ko sa mga mata nila ang gulat. Totoo nga.

Biglang tinanggal ni Cheska yung kamay nya sa glass "Ayoko na. Ayoko na!" Umiiyak na sya.

Lahat kami nakakaramdam ng takot.

"Love andito lang ako. Wag kana matakot." Pilit na pinapatahan ni Ver si Cheska.

"Bes tahan na. Mas lalo tayong mapapahamak kung di naten toh itutuloy." Mahinahon na sabi ni Khea.

"Sige na. Tapusin na naten toh." Nagpunas na ng luha si Cheska.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Evo's Pov

Tinuloy na ulit namin ang pag-Ouija. Nakita kong sobrang takot si Cheska. Gusto ko syang kunin kay Ver. Ako. Ako dapat ang nasa tabi ni Cheska sa mga minutong yun.

"Spirit of the glass anong pangalan mo?" Tanong ni Via.

Gumalaw uli yung glass.

"C"

"O"

"L"

"E"

"I"

"N"

"E"

"Coleine?"

"Coleine??"

"COLEINE!?"

Namatay bigla yung ilaw... "Aaaaah!!!!" Nagsigawan yung mga girls.

"Yung ilaw! Yung ilaaaaw!!!!" Sigaw ni Lalen.

*************************************

MIKA's Pov

Nang bumukas na uli yung ilaw.... Nakita namin si Jann. Nakahilata sa sahig.

"Jann" Agad lumapit si cav sa kanya.

"Oy jann! Tumayo ka nga! :3 Di mo kami maloloko." Sabi ni Khea.

"Hoy! Kasi naman eh! Ginagaya mo pa si Khea! Stand up Jann!" Sabi ni Y/N

Hindi gumagalaw si Jann.

Lumapit na kaming lahat.

Hinawakan ni Cheska si Jann sa may balikat ng biglang.

"LUMAYO KA SAKEN! LUMAYO KA SAKEN!!!!"

Tinuturo nya si Cheska....

Nanlilisik ang mga mata nya....

Puno ng galit.....

At takot.....

"LAYUAN MO AKO!!!!" Iba ang boses nya....

Bigla na lang ulit syang nawalan ng malay. Nilapitan siya ni Cheska.

"Jann!!!!! Jannnn!!!!!!!"

"UMALIS NA KAYO! MAG-INGAT KA!" Hinawakan nya si Cheska sa braso. Saka ulit sya nawalan ng malay....

Nakaka-takot si Jann. This time totoo na yun...

*****************************

Lalen's POV

Hindi ako maka-tulog. Iniisip ko pa rin yung mga nangyari kanina. Akala ko nagloloko din si Jann. Pero ng makita ko ang mga mata nya. Di mo aakalaing si Jann yun. Iba ang boses nya. Yung boses nya. Yun yung lalong nagpapa-isip saken. Pamilyar. Pero hanggang ngayon di ko matandaan kung sino ba yun? Ugh. Sino nga ba yun? :3

"Oh bes, anong ginagawa mo dito sa kusina?" Lumabas si Cheska sa kwarto.

Nginitian ko sya.

"Iniisip ko kasi yung nangyari kanina. Bes, parang narinig ko na yung boses nya somewhere." Tugon ko.

"Baka naman guni guni mo lang yun?" -Cheska

"Hindi ko alam bes. Baka nga. Pero ang gulo." Sagot ko.

"Hay nako! Matulog na tayo! Dagdag pagod lang yan..."


~~~

Barkada Trip [Ft. Chicser & Chcsrfcs] (Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon