Part 12

26 0 0
                                    

Naglakad sya papunta saken

At napapikit ako ng bigla syang tumagos saken.

Pumunta sya sa may pinto palabas. 

"EVOOOO!!!!!!!" Tawag ko sa kanya.

Pero di nya ako pinansin...

Tumakbo ako papunta sa may pinto.

Pero. Ugh. Bakit? Parang. Parang may harang. Shiz.

Lumakad na palayo si Evo. Habang dahan dahang nagsasara ang pinto.

"Evo!!!! Tulungan mo ako!!!!!!! Evo!!!!!!!!! Gusto ko pang mabuhay!!!!!!!" Sigaw ko.

Pilit ko syang tinatawag. Pilit ko syang pinapabalik. Nagmamaka-awa akong bumalik ang taong pumatay saken. 

"Walang magagawa ang pagmamakaawa't paghingi mo ng tulong" Sabi ng isang boses babae.

Lumingon ako sakanya. Ngunit paglingon ko wala na ako sa harap ng pinto na palabas sa lumang bahay. Para kaming nasa isang kwarto.

Isang kwarto na puro itim lang ang makikita mo. 

Nasa harap ko ang isang babae. Nakaputi sya. Wasak wasak ang damit. Punong puno sya ng dugo sa katawan.

Naaaninag ko yung kwintas nya. 

Yun yung kwintas na nakuha ni Via sa damuhan.

"Ikaw ba si Coleine?"

Dahan-dahan syang tumango.

"Tulungan mo kong maka-alis dito Coleine. Gusto ko pang mabuhay!"

Pagmamaka-awa ko sa kanya.

"Patay kana din Lalen. Wala ka ng magagawa kundi tanggapin yun." Mahinahon nyang sagot.

"Hindi! Hindi pwede! Tulungan mo ako Coleine. Ayokong makulong dito."

Matagal nya akong tinitigan bago nya ako sagutin

"Isa lang ang paraan"

May paraan. May paraan pa para maka-alis ako dito. Para mabuhay ako.

"Anong paraan?"

Lumingon sya sa gilid nya. Meroon doong malaking salamin.

"Huh?! Pano?"

"Salamin ang tanging paraan. Salamin ang paraan para maka-alis ka dito. Para makanakaw ka ng katawan."

~~~~~~~~~~~~~~~~



Cut munaaaaa :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Barkada Trip [Ft. Chicser & Chcsrfcs] (Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon