Chapter 1

22 1 0
                                    


Sky P.O.V.

Maaga akong nagising ngayong araw pero walang dahilan at araw araw paulit-ulit na lang. Papasok sa trabaho. Pipirma ng dokumento. Pupunta sa mga meeting at gagawa ng business deal. Mahirap mabuhay ng walang dahilan. Nabubuhay ako para sa sarili ko pero mas maganda siguro kung mabubuhay ako ng may dahilan yung may taong nanjan lang sa tabi ko at matutuwa sa aking mga naabot sa buhay.

Habang nag dadrive ako papasok sa sa opisina ay nakakita ako ng dalawang estudyante magkasunod na naglalakad patungo sa eskwelahan. Ang babae ay may dalang payong na tila humahabol sa lalaki na walang pakialam kung mabasa man sya ng ulan. Nakakatawang isipin na sa simpleng araw-araw na pangyayare ay naalala ko sya.

Aesha P.O.V.

Habang papunta ako sa eskwelahan na aking pinagtuturuan ay natanaw ko ang lugar kung saan kami unang nagkita. Tanaw ko mula sa pwesto ko ang dalawang estudyante . Di ko alam kung sinasadya o hindi pero naalala ko sya. Napangiti na lamang ako ng mapait.

Malakas ang ulan at tila sinadya. Sana ay makita ko na ulit sya dahil namimiss ko na sya. Daretso ako sa paglalakad papasok ng eskwelahan. Madaming bumabati sa akin dahil isa akong guro.

Pagpasok ko ng faculty room ay bumungad sa akin ang Principal ng eskwelahan.

"Ms. Cruz, Ikaw ang inaasahan at napili para pumunta sa isang pribadong kompanya upang humingi ng donasyon sa kanila"

"Kelan po ba ito Ma'am?"

:"Bukas na ito at wag ka na munang magturo ngayong mga araw meron ka namang kapalit ngayong araw"

"Sige po". Wala naman akong magagawa kung ako ang napili nila dahil unang trabaho ko ito.

Sky P.O.V.

Bago ako pumasok sa aking opisina ay lumipat sa ang secretary.

"Sir may meeting po kayo sa isang guro galing sa isang Catholic School"

"Kelan at anong oras?". Di ko mapapalampas ang hindi pagbibigay ng donasyon kung para ito sa simbahan. Ito na din ang paraan ko ng  pasasalamat sa may gawa ng lahat.

"Sir bukas na po ng 8:30, Saan nyo po gusto maganap ang meeting?"

"Gusto ko ay dito na natin ganapin sa aking opisina at ako mismo ang maghahanda ng lahat" nakangiti kong sambit sabay upo na sa aking swivel chair.

Fast forward (meeting day 8:30 am)

Ako na ang naghanda ng lahat dahil nalaman ko na sya pala ang pinadala ng eskwelahan. Natupad nya ang pangarap nya maging guro. Niluto ko ang mga paborito nyang pagkain at pinahanda dito sa opisina. Di ko na pinaayusan ng magarbo dahil baka magmukhang children's party ang maganap at di na maging meeting.

Aesha P.O.V.

Kinakabahan ako na masaya dahil sa aming pagkikita. Kinakabahan dahil baka may ibang na sya at masaya dahil alam kong makikita ko na sya.

"Ma'am , 5 minutes na lang po, siguro po ay pede na po kayong umakyat para sa meeting.

Nginitian ko na lamang ang babeng lumapit sa akin

"Sige po"

Pasakay na ako sa elevator ng bigla itong bumukas. Bumungad sa akin ang lalaking minahal ko noon. Matatangos na ilong, mapupulang labi at mapupungay na mata. Wala sa kanyang bago bukod sa magarang amerikanang suot nya.

"Ahm-- ehehe- tara na sa itaas" yaya nya sa akin.

Pumasok ako ng dahan dahan habang nakayuko.

"Opo, Sir?" Naiilang ako sa kanya dahil ang Pormal ng kanyang dating at ganito ang reaksyon ko. Namumula ang aking mukha at di makalingon sa kaliwat kanan at nakayuko lamang ako.

Sky P.O.V.

Habang pataas ay sinusulyapan ko sya. Nakayuko lamang sya at di ko makita ang kanyang mukha dahil sa haba ng buhok nya at bangs. Siguro ay kausapin ko na muna sya.

"Aesha?" tawag ko sa kanya.

Lumingon sya sa akin, at napansin ko na sobrang pula ng kanyang mukha.

"Bakit Si- Sk- Sir Sky?" di ko maintindihan ang gusto nyang sabihin pero sa palagay ko ay nalilito sya kung sir o sky ang itatawag sa akin.

"Sky na lang para namang di tayo magkakilala" sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Sige po" pagkasabi nya ay biglang bumukas ang elevator at lumabas na kame patungo sa aking opisina.

Aesha P.O.V.

Pinagbuksan nya ako ng pintuan ng kanyang opisina. Katulad dati ay napaka gentleman nya, Boyfriend material talaga ang lalaking ito hindi ako nagsisi na minahal ko sya. Natulala ako saglit ng bigla syang pumitik sa aking harapan.

"Ba-bakit?" tanong ko.

"Pumasok ka na at mamaya ay libre mo akong titigan kung gusto mo" nginitian nya ako at pakiramdam ko ay natutunaw ako.

Pagpasok ko ay napansin ko na pinaghandaan nya ang aking pagdating. Lahat ng Pagkain na paborito ko ay nakahayin.

"Pinaghandaan mo ba ang meeting na ito?" tanong ko sa kanya

"Oo para sayo" nagulat ako sa daretsong sagot nya.

"at napirmahan ko na ang mga dokumento ,gusto kong magdonate sa inyong eskwelahan" at mas lalo ko ito ng ikinagulat.

"Kung ganon ay dapat na akong umuwi dahil tapos na ako dito" sabi ko at nagpanggap na akong pauwi.

"Wag muna sayang ang handa ko" Mukhang pinaghandaan nya at sayang yung pagkain

"sige dito muna ako para kumain ha" ^_^

Habang ako ay kukain ay tumingin sya sa akin ng napakalalim na parang may iniisip.Kaya't tinanung ko sya.

"Bakit?"

"Kamusta? namiss kita, alam mo ba sobrang lungkot ko ng nawala ka, di ko alam kung saan ako humugot ng lakas para mabuhay mag-isa. Oo iniwan kita noon, pero nagsisisi na ako gusto kong bumalik ka na sa akin. Gusto kong bumalik sayo, gusto kong magkabalikan tayo, paulit-ulit ko itong hinihiling sa may gawa ng lahat, at sa tingin ko ay dininig yon dahil ito ka sa harap ko nandito. Kumakain ka sa harapan ko, kumakain ka ng luto ko. Aaminin ko naging gago ako sayo noon pero sana pagbigyan mo pa sana ulit ako, mahal na mahal kita Aesha. Gagawin ko ang lahat maayos ko lang ang lahat sa ating dalawa." Na shookt na sa mga sinabe nya.

Bumabagsak ang mga luha sa kanyang mata. Binitiwan ko ang pinggan at uminom ng tubig. Nag isip ako at di ko alam kung gaano katagal.

"Mahal na mahal din kita at kung seryoso kang bumalik, sana ay gawen mo nga ang lahat dahil baka sa huli ay umasa ako. Ito na ang huling pagkakataon mo." sabi ko sa kanya.

"I was living in the dark for many years Love" sabi pa nya.

"So when you start living in the dark?"

"Since the day I make mistakes, Since the day I left you alone. I Love you Aesha."

"I love you too Sky."

Living in the DarkWhere stories live. Discover now