Sky's POV
"Saan tayong parte ng paaralan pupunta Sky?" Tanong nya habang nakatingin sa dinadaanan.
"Gusto ko lamang makasama ka. At gusto ko din makita ang paaralan, hindi naman masamang dahilan diba?" Gusto lang kitang makasama, yun lang ang hangad ko.
"Sige puntahan muna natin ang field ng school dahil sariwa ang hangin don" suhestyon nya.
Patuloy lang kame sa paglalakad. Paminsan minsan ay sumusulyap ako sa kanya na minsan ay nahuhuli nya ang pagtingin ko.
"Pagliko natin ay field na, di ito kalakihan pero malamig ang simoy ng hangin dahil sa punong nakapaligid dito" sabi nya.
Pagliko namen ay nakita ko ang fiels. Walang kalat, parang kay sarap mahiga sa damuhan nito sa ilalim ng lilom ng mga puno.
"Gusto ko ay mahiga tayo don sa ilalim ng puno" sabi ko sa kanya.
"Pero baka makita ng mga estudyante at gayahin nila" tutol naman nya.
"Ano ka ba hihiga lang tayong dalawa doon, at isa pa nasa likod tayo ng paaralan at di nila tayo kita"
Aesha's POV
"Ano ka ba hihiga lang tayong dalawa doon, at isa pa nasa likod tayo ng paaralan at di nila tayo kita"
Hinila ko na sya papuntang ilalim ng puno. Wala syang imik habang daredaretso kaming naglalakad. Pagharap ko sa kanya ay nakatulala pa din sya. Sinampal k sya ng mahina at napabungisngis naman ako dahil natulala sya sa simpleng paghila ko ng kamay nya.
"Mahiga ka na" pagkasabi ko non ay sumandal ako sa puno at naupo. Pero nagulat ako dahil hindi sya sumandal sa puno. Ginawa nyang unan ang aking mga hita ,pinikit ang kanyang mata.
"Ang sarap mahiga sa field" sabi nya habang nakapikit.
"Oo masarap talaga" tumingin ako sa paligid dahil baka may mga nakatingin.
"Nahihiya ka pa din ba tulad ng dati?" Tanong nya habang nakatitig na sa akin.
"Ano ba ako dati?"inosenteng tanong ko.
"Mahal kita dati, Mahal pa din kita ngayon. Walang pagbabago" nag iwas ako ng tingin sa kanya at itinuro ko ang langit.
"Ang ganda ng panahon noh?"gusto kong ibahin ang usapan. Kinikilig ako sa mga sinasabe nya at baka di ko kayanin.
"Oo nga ,namumula pa ang iyong mukha ganon ba talaga ang epekto ko sayo" mahina ko syang nasampal dahil sa mga linyahan nya.
Sky's POV
"Gusto mo bang ipakilala kita sa mga estudyante ko?" Suhestyon nya. Mukhang magandang ideya nga iyon.
"Sige ang gusto ko ay yung paborito mong mga estudyante ang makilala ko"
Tumayo na ako ang inalalayan syang makatayo. Habang papunta kami sa silid aralan ng mga paborito nyang estudyante ay binabati kami ng mga bati.
"Good Afternoon po Ma'am Cruz at Sir"
"Ma'am Cruz bagay po kayo , Sir magandang tanghali po"
"Ma'am Cruz ,asawa nyo po?"
"Sir, ingatan nyo po si Ma'am Cruz"
Kabilaan ang pagbati nila at pagpuri. Di ko lang alam kay Aesha kung pagpuri nga ba. Dahil pinandidilitan nya ang mga bata tuwing may babati sa aming dalawa.
"Wag mo na lang pansinin ang mga iyon, makukulit talaga sila" sabi nya.
"Okay lang, magandang bagay naman ang sinasabe nila hahaha" tiningnan nya lang ako ng masama at napangiti naman ako.
"Nasa eskwelahan tayo at bawal ang PDA, alam mo yan" strict teacher pala to -_-
Patuloy lang kame sa paglalakad ng marating na namen ang room.
"Nandito na tayo" kumatok sya sa pinto ng room at lumabas dito ang isang guro.
"Ay ma'am ,bakit po?" bati nya
"ay Hi Sir nanjan po pala kayo"at tanong nya sa akin.
"Ipapakilala ko sya sa mga estudyante ko sir, pede ba?"
"Ay sige lang ma'am tutal eh nagsusulat lang sila at mga inaantok na"
"Tara pasok" aya sa akin ni Aesha at pumasok na kame sa room.
"Good Afternoon Teachers, Good afternoon visitors, have a nice day" sabay sabay na bati ng mga bata.
"Ay sir ako nga po pala si Sir Andal" pakilala nya"
"Nice to meet you" bati ko sa kanya.
Bumaling naman si Sir Andal sa klase.
"Oh mga bata nandito si Ma'am Cruz para ipakilala sa inyo ang ating bisita at para makilala din kayo" tumingin sya kay Aesha na may pagbibigay ng sinyales na sya naman ang magsalita.
"Kamusta kayo?" Sabi ni Aesha.
"Okay lang po" sagot naman ng nga bata.
"Sya si Mr. Sky Montereal. Syabyung bisita naten na nagdonate dito sa eskwelahan naten" pakilala at paliwanag nya.
"Hi po sir ,Maraming salamat po!" Sabay sabay na pasasalamat nila.
"Walang anuman" nakangiti kong bati sa kanila
May isang estudyanteng nagtaas ng kamay.
"Jane, may gusto ka bang sabihin?"Tawag at tanong ni Sir Andal sa batang nagtaas ng kamay.
"Opo sir, Sir Sky bagay po kayo ni Ma'am Cruz" pagkasabi ni Jane nun ay sabay sabay silang sumigaw.
"Ayieh si Ma'am may lovelife na"
"Ma'am may forever na po ba"
"Ayiiiieeeehhh si Ma'am may ibig"
"Ay nako Sky pagpasensyahan mo na ang mga bat" baling sa akin ni Aesha.
"Tumigil kayo! Hahahaha magkaibigan lang kame ni Sir Sky tyaka walang forever" sabi naman nya sa mga bata.
"Sir Andal alis na kame" sabi nya naman kay Sir.
"Ah mabilis lang ba kayo" tanong naman ni Sir.
"Oo hehe, wala din naman kame gagawin tyaka na iistorbo namen klase mo". Singit ko
"Magpaalam na kayo kay Sir at Ma'am" sabi naman ni Sir Andal.
"Goodbye Sir Sky, Goodbye Ma'am Cruz" sabay sabay na paalam nila.
"Babye mga bata" paalam ko at lumabas na kame.
Aesha's POV
"Di ko na sila paborito" sabi ko kay Sky.
"Bakit naman" tanong nya
"Syempre akala nila ay may lovelife na ako gawa mo" pero partly parang gusto ko din na may lovelife na ako at si Sky yon.
"Paborito ko nga sila"
"Baliw ka sila palang naman ang kilala mo"
"Pero ayaw mo ba non, may lovelife ka? May boyfriend ka na at ako yon?" Seryosong tanong nya.
"Alam mo Sky, itigil mo na yan pakiusap lang.. Ikaw lang din ang mahihirapan sa huli ikaw lang masasaktan, matagal na nangyare yon eh"
Wag mo please itigil yan Sky tatanggapin ulit kita pangako, ayoko mang pahirapan ka pero kelangan mong paghirapan. Tiisin mo muna ang sakit ,pagtinanggap na ulit kita ay mawawala lahat ng paghihirap at sakit na dinanas natin noon...
YOU ARE READING
Living in the Dark
Short Story"So when you start living in the dark?" "Since the day I make mistakes" I was so goddamn bastard to broke the heart of the only loved me and gave her honesty to me. Now, I'm living in the dark to not forget everything but to take as punishment to wh...