Aesha P.O.V.
"I love you too Sky".
.
.
.
.
"pero di ko alam kung dapat pa ba akong magtiwala sayo dahil nasaktan na ako sayo noon". Gusto ko mang balikan ka kaagad ay ayokong madaliin ang lahat.
"pero bakit?" tanong nya ng may pagtataka sa mga sinabi ko.
"Sobrang sakit nung iniwan mo ako, panindigan mo ang desisyon na ginawa mo. Mahal kita Sky pero sa tingin ko ay di na dapat kita mahalin". Sky ayokong madaliin ang lahat yan ang bulong ko sa aking isipan.
Lumuhod sya sa aking harapan at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Aesha please comeback to me, mahal na mahal kita at miss na miss" Kitang kita ko ang mga luha sa kanyang mata, at parang sinasabe sa aking isipan na tanggapin ko ulit sya. Pasensya na Sky pero kung tatanggapin ulit kita ng ganong kabilis ay baka masaktan na naman ako.
"Sky pasensya na, labis akong nasaktan, at natatakot na ako na maiwan ng walang dahilan". Kailangan kong magpakatatag sa ganitong oras.
Tumayo sya at pinunasan nya ang sarili nyang mga luha. Ngumiti sya ng napakapait at dinudurog nito ang puso ko. Ayoko sa ganitong paraan ay tanggapin ulit kita gusto ko ay gawin mo yung mga bagay na ginawa mo noon.
Sky P.O.V.
"Mahal kita Aesha. Kung di mo ako matatanggap ay gagawin ko ang lahat". Gusto ko ay akin ka, dahil mahal kita. Kailangan kita.
"Ikaw ang bahala, basta ang akin ay natatakot na akong masaktan ulit". Kita ko sa mukha nya na kahit nakikita nya na akong nasasaktan at mahina ay wala syang pakialam.
"Ang akin lang ay hayaan mo akong gawin ang lahat para sayo ulit". Di ko sya susukuan kahit anong mangyari. Kahit ayaw nya na sa akin.
"Ikaw ang bahala, Aalis na ako dahil tapos na naman ang ipinunta ko dito." Tumalikod na sya at naglakad palabas ng kwarto.
Gustuhin ko man syang pigilan pero kailangan ko sya ngayong pakawalan pansamantala. Kailangan kong mag-isip kung paano sya babalik sa akin kahit ayaw nya na. Di ko man maibalik ang dati sana ay maibalik ko kahit konting pagtingin nya. Mahal nya pa ako, pero takot na sya at tatanggalin ko ang takot na yon sa puso nya.
Aesha P.O.V.
Lumabas na akong kwarto bago pa pumatak ang mga luha. Bago pa bumigay ang nanlalambot kong tuhod tuwing nakikita kong nasasaktan sya. At mahina ako pagmahina sya. Mahal ko sya pero sana ay isipin nya na di tama ang ginawa nya, Oo nagsisisi sya pero di pa din tama ang mga ginawa nya noon. Matagal akong nag-isip noon na kung sakaling makita ko sya ay di ko sya kakausapin tungkol sa aming nakaraan maliban na lang kung ungkatin nya. At nangyari nga at gusto nya pang magkabalikan pa kami. Ang gusto ko ay pagsikapan nya ang isang tulad ko. Para naman makita nya ang halaga ko. Kung mahal nya ako dapat ay pahahalagan nya ako.
Umuwi ako sa bahay at agad na nagkulong sa kwarto. Tumawag na lang ako sa eskwelahan na napapayag kong magbigay ang kompanya nina Sky. Natuwa sila sa balita, Samantalang akoy di ko alam ang mararamdaman dahil sa mga naganap.
Sky P.O.V.
Isang araw na ang nakakalipas mula noong pumunta si Aesha dito. Gusto ko ulit syang makita. Tumawag ako sa eskwelahan upang ipaalam ang pagbisita ko sa kanila. Agad silang nagsabi na masaya sila kung bibisita ako doon. Ngayon ay patungo ako sa eskwelahan. Gusto kong makita kung papaano magturo si Aesha, Gusto kong makita ang mga naabot nya.
Mag-isa lamang akong bibisita sa eskwelahan at pinili ko na lang sumakay sa motor papunta. Habang palapit ako ng palapit sa eskwelahan ay iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon nya pag nakita nya ulit ako. Siguro ay wala syang pakialam dahil wala na lang naman ako sa kanya.
Aesha P.O.V.
Nabalitaan ko na bibisita si Sky. Di namin alam kung madami ba sila. Kaya inayusan lahat ng parte ng eskwelahan, pero tuloy pa den ang klase upang ipakita na sa magandang eskwelahan mapupunta ang donasyon.
"Ms. Cruz tutal ay ikaw naman ay nakausap na ni Mr. Montereal ay mabuting ikaw na din ang mag asikaso sa kanya". Sabi sa akin ng aming principal habang ako ay naglilinis ng aking table sa faculty room. Napabuntong hininga na lang ako at tumango upang ipaalam ang pagpayag ko.
Iniisip ko na kagagawan nya ito. Pero wala akong magagawa ,hindi ako pedeng umangal sa utos ng nasa itaas. Agad kong tinapos ang linisin at gawain sa faculty room pagkatapos ay pumunta ako sa gate ng school. Ang sabi ng gwardya ay 5 minuto na lang ay nandito na daw ang mga bisita ng eskwelahan.
Iniisip ko kung ilan sila, dahil sa ganda ng eskwelahan ngayon. Alam kong inaayusan ang eskwelahan tuwing may bisita pero ngayong pagkakataon ay masasabi kong parang may special treatment sa kompanya nina Sky.
Lumipas ang oras ay may natanaw akong itim na motor, Lumiko ito sa parking lot ng school.
"Ma'am Cruz nandyan na daw po ang bisita" sabi sa akin ng gwardya na kasama ko sa pag-iintay kina Sky.
"Ah manong guard wala po akong natatanaw na kahit anong sasakyan" sabi ko pa dito.
"ah ma'am nag text po sa akin principal na nadyan na daw po sa labas ng eskwelahan" pagkasabi ng gwardya ay agad akong lumingon sa labas at nakita kong naglalakad ang isang lalaki mula sa parking lot ng school. May takip ang ilong at bibig nito ng itim na face mask.
"Ma'am Cruz, sigurado daw po ang principal na nandito na daw po ang bisita" di ko na pinansin ang gwardya at sinenyasan ko na lamang ito.
"Manong buksan nyo na ang gate, nanjan na ang bisita natin" may taklob man ang kalahati ng kanyang mukha ay kilala ko ang mga mata nya. Alam ko kung paano sya tumitig sa akin, at nakita ko ang pananabik at lungkot sa mga mata nya habang nakatingin sa mata nya.
Alam ko na nakatira pa din sya sa dilim. Gusto ko man na bigyan ng liwanag ulit sya ay hindi ngayon. Mag intay sya at magsikap upang makuha nya ulit ako. Gusto ko ay akin ulit sya at sa kanya ako ng wala ng iisipin. Ayoko ng maiwan.
Manatili ka muna Sky sa dilim. At balang araw ay babalik ako sayo pag sigurado na ako sa ating dalawa.
YOU ARE READING
Living in the Dark
Short Story"So when you start living in the dark?" "Since the day I make mistakes" I was so goddamn bastard to broke the heart of the only loved me and gave her honesty to me. Now, I'm living in the dark to not forget everything but to take as punishment to wh...