6.Kayo na ba?

8 0 0
                                    

Nakakatuwa na sa araw araw nadadagdagan yung read. Kahit paisa isa lang. It means a lot kaya minsan nakakagana magupdate. nakakainspire lalo. Hindi ko alam kung ito ba talaga pangarap ko. Pero gusto ko lang ishare sa inyo kung ano yung nasa isip ko. Yun lang. Happy Reading!

Happy 31 reads :D

--------------------------------------------------------------------

Pagkalipas ng isang oras, ito na nga nasa school na ako. Hindi pa nagsisimula ng praktis at magisa palang ako dito sa quadriangle. Bago to sa akin kasi hello, lagi kaya akong late. Natawa na lang ako sa sarili kong naisip.

Kaya naman habang naghihintay sa mga kaibigan ko, tinext ko na muna si Emerson.

To: GC.Meme

Oy, dito na ako sa school magisa palang ako. hehe

Pagkasend ko ng text tumitingin lang ako sa paligid ng mamataan ko na paparating na si Joanna at Albert. Mukhang pinagkaisahan nila akong dalawa. Bumabawe sa mga late ko nung nakaraan.

"Hi bhe, aga mo ngayon ah" nangingiti ngiti pa siya habang binabati ako at umupo sa tabi ko. Hala anong meron?

"Oy dre, anong meron dun sa status ni Meme?" tanong naman ni Albert sa akin.

"Ah, yun ba? Ewan ko dun. Ano nakain niya." sagot ko naman sa kanya. Kunware wala akong pakealam.

"Sus, lagot ka trending ka sa Block A. Diba inaasar asar nila si Elaine kay Meme. Isa kang Third Party! Hadlang ka sa kanila" Pangaasar pa niya.

Sa totoo lang yun talaga ang bumabagabag sa akin eh. Pano matagal na nila inaasar yung dalawa. Pero diba? Hindi naman siguro maggaganun si Meme kung may masasaktan siya? Tanong ko sa sarili ko. Nginitian ko na lang sila sabay sabing. "Tanong niyo si Meme, siya naman nagpost non eh."

Makalipas pa ang mga ilang minuto. Dumating na rin si Ate Sang at Ate Mace. At ganun rin ang bungad nila sa akin.

"Ay antaray ni madam oh, Lumalovelife."Pangaasar ni Ate Maceh Sa akin.

"Oo nga, madam may pagpost na ganun. Kayo na ba?"Sigunda naman ni ate Sang.

"Luh, sila. Ewan ko dun ah. Tanong niyo siya.Hehe" Sagot ko na lang sa kanila.

Ilang sandali pa. Pinapila na kami sa likod dahil magsisimula na nga ang praktis namin. Pagdating namin dun. Andun na yung mga Block A. Kaya biglang bumulong sa akin si Ate Maceh. "Madam, hanap ka ni Elaine. Haha" pangaasar niya sa akin. Hindi ko na lang pinansin.

"Ay andito na ang mangaagaw." Sabi bi Gerico isang block A. Tinawag niya pa si Elaine. "Elaine andito na si Elena."

"Oy, Grabe kayo. bhe wag ka maniwala sa kanila. Nagjojoke lang mga yan"sabi naman ni Elaine.

"Naku kung alam mo lang Elena. Nasaktan talaga si Elaine dun sa Picture at may pacaption pa si Mayor."Pangaasar naman ni Joseph isang block A rin.

"Hoy magtigil nga kayo jan"Sagot naman ni Elaine.

Nang nasa pila na kami napunta ako sa puro Block A, kasi alphabetical arrangement. Kaya lalo pa nila akong inasar.

"Bhe, Ok ka lang jan?"tanong ni Jo.

"Bhe jan na lang ako please?" kunwareng natatakot namang sagot ko.

Nagtawanan na lang kami. Nang makita nila si Meme sa na nakaupo dun sa mga bench lalo pa lumakas ang asaran.

"Ay anjan na si superman oh. Sinong pinapanood niya sa inyong dalawa?" Asar naman ni Jilian.

No DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon