8. Tayo na lang ulit

17 0 0
                                    




"Pwede ba tayong magusap at magkita ngayon?".

"Pwede ba tayong magusap at magkita ngayon?".

"Pwede ba tayong magusap at magkita ngayon?".

Nagpaulit ulit sa isip ko ang mga katagang tinuran niya, kaya naman hindi agad ako nakasagot. Bumalik lang ulit ako sa diwa ko ng magsalita siya ulit. "Nandyan ka pa ba?" tanong niya.

"Ah, Oo. Matutulog na kasi ako. Kaya hindi na ako pwedeng lumabas ngayon."Sagot ko naman sa kanya.

"Sandali lang naman. Please? Nandito na ako sa tapat ng bahay niyo" Sagot naman niya.

"Huh? Kala ko ba nakila Earl ka? Paanong nasa tapat ka na ng bahay namin ngayon? Nagugulumihanan kong sagot.

"Iniwan ko na si Earl, Lasing na rin kasi siya eh. Sige na makipag usap ka na sa akin." pamimilit niya.

"Matutulog na ako. Next time na tayo magusap." Pagtanggi ko sa kanya.

"Hindi ako aalis dito sa tapat ng bahay niyo at babatuhin ko ang bubung niyo pag hindi ka nakipagusap sa akin." Pagbabanta niya.

Ano ba kasi ang kailangan sa akin ng lalaking to at kailangang makausap niya ako ngayong gabi? Bakit ba ako kinakabahan? Makikipagusap lang naman siya diba? Bahala na nga wala naman akong choice malalagot pa ako pag nagising sila Kuya pag binato niya yung bubung namin. Kaya pumayag na lang ako. Pero bago yun tinext ko muna si Emerson.

To:GC.Meme

Mar, nakauwe na ako. Matutulog na rin ako ha? Medyo tinamaan kasi ako sa ininom namin. Matulog kana rin ha? Goodnight. Sweetdreams have a wonderfulnight.

Sorry Emerson kung magsisinungaling ako sayo ngayon. Sasabihin ko rin naman to. Pero hindi sa ngayon. Nakokonsensya ako. Pero wala naman akong magawa. Makikipagusap lang naman siya. Kailangan ko lang makinig at pwede na akong umuwe agad. Kaya nama Paglabas ko ng bahay namin. Nakita ko agad siya na nakatayo sa may poste. Nang makita niya ako. Ngitian niya ako.

Pinakatitigan ko siya. Halos 6 na buwan rin kaming hindi nagkita. Kasabay ng pagiging MIA ko sa barkada ang pagmomove on ko. Dahil nga iisa lang ang circle of friends namin. Ako na ang umiwas. Good thing may dahilan akong thesis. Kaya naman hindi sila nagkita.

Wala paring nagbago sa kanya. Bukod sa namayat ng konti. Matangkad, maputi, yung ngiti niyang nakahumaling sa akin ewan ko ba may something sa ngiti niya na nagustuhan ko. Yung mapupungay niyang mga mata. yung labi niyang mapula. O my God. Tama na nga maguusap kayo Elena wag kung anu ano inisip mo. Kaya naman nagbaba na ako ng tingin.

"Love what you see?"Tanong niya na nakapagpataas ng kilay ko. Napangisi ako sa sinabi niya.

"Tss, ang yabang mo parin. Ano bang gusto mong sabihin sa sa akin?" Sagot ko.

Naging mapungay ulit yung mga mata niya. Ano ba yung nakikita ko sa mata niya na parang natutuwa siyang makita at makausap ako.

"Atat na atat ka lang na iwan ako?"Sagot naman niya.

"Common spill it. Believe me I've no time for this."Mataray kong sagot pero sa loob loob ko kabadong kabado na ako. Ano ba hindi na lang sabihin eh. Sana hindi niya mahalatang kinakabahan ako.

Umupo siya sa may gilid ng bahay namin, May parang tambayan kasi dun dahil dating may tindahan ngunit nakasara na dahil walang umaasikaso.

"Namiss kita babz" sagot niya.

Nagulat naman ako at nanlaki ang mata dahil sa sagot niya. Napatango na lang ako para hindi niya makita ang reaction at umupo rin sa medyo malayo sa kanya. Hindi ako nagsalita kaya naman nagpatuloy siya.

No DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon