4. After the kiss

11 0 0
                                    




Pagkagising namin kinabukasan, parang may nagbago sa amin hindi ko nga lang alam kung ano.

Laking gulat ko nung pauwe na kami, Bigla syang tumingin sa akin at sabay sabing.

"Ingat ka Marie,Text mo ko pag nakauwe kana ah".

Napatango na lang ako sa kanya. At nung nakasakay na ako sa bus may bigla akong natanggap na message.

From:+63 955 4892 366

Hi marie, si Meme to nakauwe na ako. ingat ka ahh? text mo ko pag nakauwe kana. (Do not Reply)

To: GC.Meme

Hi, yup nasa bus na ako. Matulog kana kulang ka pa sa tulog eh.

From:+63 909 4733 911

Hehe, sige. basta text mo ko ah?


So naging madalas na yung pagtetext namin sa paglipas ng araw pero ndi pa ulit kami nagkikita. Parang nahihiya ako sa kanya na ewan. Parang hindi ko pa alam kung pano ko siya haharapin. Dumating ang araw na kailangan na namin ipasa yung mag requirements namin. So no choice ako kundi magkikita talaga kami.

Ginawa ko ang abot sa makakaya kong iwasan siya kaya maaga kami nagpunta ni Jo sa school para magpasa. Pero magkatext pa rin kami. Sinabi ko na nasa school na kami at naipasa na namin lahat ng requirements. At sinabi ko rin na aalis na kami.

Ng biglang pagliko namin ni jo para sana bumili ng inumin sa tindahan nakasalubong namin siya,


"Saan kayo pupunta?" tanong niya sa amin habang nakangiti sa akin.

Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya. kaya si Jo ang sumagot.

"Bibili lang kami ng inumin ni Albert hindi kasi siya makaalis sa loob may pinapagawa sa kanya si Ma'am Abarintos eh." Sagot naman ni Jo "Magpasa ka na dun dalian mo. baka hindi na tanggapin ni mam yan" dagdag niya pa.

"Sige pasa muna ako." ng nakatingin sa akin. at nilagpasan na kami.

Napatingin sa akin si jo sabay sabing. "Bhe bat parang tingin ng tingin sayo si Meme."

"Ah? ewan ko dun. wag mo na lang pansinin bhe hehehe" sagot ko naman sa kanya.

Pagkatapos namin magpasa ng requirements. Kasama na namin si Meme hindi nga lang namin kasama si Albert kasi may ginagawa pa siya sa school.

"San tayo?" tanong ni jo.

"Gusto ko ng shawarma rice" sagot ko.

"Tara sa SM pala ahh" sagot ni Jo. "Sama ka Meme?" tanong nya.

"Tara."sagot naman nito.

Kaya tatlo kaming nagpunta sa Sm at kumain ng Shawarma rice. At hindi nagustuhan ni Meme yun.

"Grabe paborito ko ang shawarma pero bat pag may rice parang hindi feels kainin" komento niya.

"Luhh, payborit kaya namin ni jo yun ang sarap kaya" sabay tawa sa itsura niya.

Hindi na lang ulit siya nagkomento. At pagtapos namin kumain eh. Umuwe na kami.

Nang nakauwe na ako sa bahay, At nakahiga na. Nagulat ako ng biglang tumatawag siya.

GC.Meme Calling...

"Oy, Bakit?"tanong ko.

"Wala lang, namimiss na kita ehh" sagot naman niya.

"Luhh, nakakahiwalay lang natin eh." sagot ko naman.

"Kelan ka ulit pupuntang gapo?" tanong niya.

"Uhmm, sa Monday na ulit. May Graduation praktis kami ehh" sagot ko.

"Ahh ganun ba hindi pala tayo magkikita." malungkot niyang sagot.

Hindi kasi kami sabay makakagraduate, hindi niya pa kasi nakukuha yung last na OJT actually nakuha niya pero hindi siya nagpasa ng mga requirements ayun INC ang hinayupak.

"Haha, ayos lang yan. hindi mo naman ako namimiss ehh."biro ko.

"Luhh, kakasabi ko nga lang eh."siya.

"weh? baka naman tinitrip mo lang ako" sagot ko."patunayan mo nga?" dagdag ko pa.

"Paano?" sagot niya?

"Ewan ko, pagisipan mo ahh. " sagot ko.

"Paano pag napatunayan ko?" tanong niya.

"edi napatunayan mo nga" pabirong sagot ko.

"haha sige, matutulog ka na ba?"tanong niya.

"hmm, oo hindi pa ata ako nakakabawi sa mga puyat natin nung mga nakaraan eh." sagot ko.

"sige na pala, goodnight ahh? tulog ka mahimbing. Bukas na lang..."siya

"sige, ikaw rin. Goodnight!"sagot ko.

"I adabsshfjbh"sabi niya.

"Ano?"sagot ko.

"Ah, wala sige na. off mo na yung tawag hehe"sagot niya.

"Sige, bukas na lang ahh".sagot ko sabay off ng tawag at natulog na nga ako.

Nang kinabukasan paggising ko. May nareceived akong message sa kanya.

From:GC.Meme

Goodmorning Marie!, online ka ba?

To:GC.Meme

Goodmorning, kakagising ko lang eh. bakit?

GC.Meme Calling...

"Oyy bakit?tanong ko.

"wala tanghali na" sagot nya habang tumatawa.

"Luhh, maaga ka lang nagising"sagot ko.

"magonline ka ha?"sabi niya sabay off ng tawag,

Okkkk.. anong meron???


------------------------------------------------------------

No DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon