Chapter 3

255 11 0
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pwede ba ngumiti ka naman. Kasal ito hindi libing." Pabulong na sabi ni Vinson sa kanyang bride na hindi pinapahalata sa mga bisita na nag-uusap sila dahil nasa harap sila ng mga tao. May ilang mga kaibigan rin at empleyado si Vinson na dumalo upang mapaniwala nila si Sizzy na totoong kasal nga iyon. Silang dalawa lamang ang nakakaalam na peke lamang iyon ang binayaran ni Vinson na nagkasal sa kanila.

"Bakit mo 'ko hinalikan? Alam mo ba'ng first kiss ko yung kinuha mo?" pabulong rin na sabi ni Denise na pilit ngumingiti sa photographer nila.

"Swerte ko pala kung ganun. Well, Hindi na mahalaga iyon. Nakakita ka na ba ng kinasal na hindi naghalikan sa kasal?" sagot ni Vinson.

"Eh kasi, ilang taon ko'ng iningatan ang halik na iyon, nanakawin mo lang." reklamo niya.

"Don't worry, mamaya pagkatapos ng kasal, isasauli ko yung halik mo." Sabay ngumiti ulit si Vinson sa gawi ng photographer.

"Di bale. Gwapo naman ang first kiss ko." Bulong ulit ni Denise habang nakangiti sa camera.

"Talaga? Nagagwapohan ka sa asawa mo?" abot tenga ang ngiti ni Vinson.

"Asawa?" Kanina pagdating ni Denise sa venue ay iba ang ngiti nito. Na parang totoong ikinakasal nga sila. Maging sa pag-asikaso ng kasal ay parang excited pa ito. Inisip na lang niyang palabas lang ito ng binata na ngayon ay mister na niya....pagsamantala.

Mas magaan ang aura nito ngayon. Gusto na lamang niyang isiping magaling umarte ito na ikinakasal nga sila kesa isipin niyang tinitotoo nito ang kanilang pag-iisang dibdib.

"Oo. Asawa na kita. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa natin dito sa harap?" hinapit nito ang beywang niya at muling nagpose. Parang totoo nga para rito ang kasal na iyon.

"Pictorial?" parang hindi sigurado si Denise sa isinagot niya sa asawa.

"The judge just announced us as husband and wife, you're mine Denise." Tumingin ito diretso sa mata niya.

"Ulol. Hindi naman iyon totoo. Paano na iyung halik ko?"

"Sabi ko ibabalik ko di'ba? Pag uwi natin ihanda mo ang lips mo dahil sobra pa ang isasauli ko." Ngumiti ito ng nakakaloko.

"Bakit mo naman sosobrahan?" parang kinabahan siya sa mga titig nito. Parang gusto niyang pagsisihan ang araw na ito.

"Bilang pasasalamat sa pagpapakasal mo sa akin. Kita mo ang saya ni Sizzy." Patuloy sila sa pag-uusap habang sinusunod ang mga poses na ipinapagawa ng photographer sa kanila sa harap.

"Dagdagan mo na lang ako ng bayad para dun. Kahit wag mo nang isauli." Ngumiti na rin si Denise sa photographer.

Kasalukuyan siyang nag aayos ng sarili. Sinusuklay niya ang kanyang lampas balikat na buhok. Inilugay niya kasi ito mula sa pagkakayos kanina sa kanilang kasal.

Natigil ang kanyang pag-iisip nang may marinig siyang marahang katok sa pinto ng kwartong inuukupa niya.

Si Vinson ang nabungaran niyang nakatayo roon. Nakapagpalit na ito ng ordinaryong polo. Nahiya naman siya na hindi ito papasukin kaya nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto.

"Pasok ka. Ano iyang dala mo?" napansin niya ang hawak nitong itim na paper bag.

Naupo sa sofa si Vinson at tinapik ang gilid nito at pinaupo siya. Sumunod naman siya.

Napansin ni Denise na nakainom ito.

Bago ito nagsalita ay ngumiti ito sakanya. Kumunot naman ang noo niya.

"This is my gift to my wife." Iniabot nito ang itim na paper bag sakanya.

"Nag abala ka pa, peke lang naman ang kasal natin." napapailing na sabi niya nang abutin ang hawak nito.

"Masama ba ang loob mo na pineke ko ang kasal?"may halong malisya ang ngiting ipinakita ni Vinson.

"At bakit naman sasama ang loob ko sa pekeng kasal na iyon? Trabaho ang sadya ko rito ano."

"Well..."kibit balikat na lamang ni Vinson , as he simply prank on seducing her.

"Huh! Mukha ba akong manyak? Saiyo na iyang katawan mo noh." Inilapag niya sa center table ang paper bag.

"Buksan mo muna iyong gift ko."

"Ano ba kasi ito?"muli niyang dinampot ang munting regalo nito.

Napangiwi siya ng mabuksang mga nightees ang mga iyon.

"Pag susuotin mo ako nito?"

"It's still our honeymoon tonight right?" seryosong tumingin sakanya si Vinson. Hindi niya mapigilan ang kabang nararamdaman niya.

"Uh!oh! wala sa usapan ito alam mo iyan. Sizzy is not even here para magkunwari pa rin tayong kasal tonight." Lihim siyang napalunok ng laway matapos magsalita.

Humalakhak ang binata saka tumayo at linapitan siya.

"I'm just trippin' on you. Ang cute mo'ng tingnan kapag namumula." Sabay hinalikan siya sa labi nito. Dampi lang iyon ngunit bigla siya napaatras.

"Uy! Kanina ka pa! Nakakarami ka na ah! Dapat ay kanina ka pa tinamaan sa akin." Napapansin niyang hindi umoobra kay Vinson ang pagiging amasona niya.

"Ang sabi ko ibabalik ko ang mg halik na iyon. I just did." Kitang kitang maligaya si Vinson ng araw na iyon na tila totoong kasal nga ang nangyari kanina.

"Tse! Kapag nakuha ko ang bayad ko, mayaman na ako." inirapan niya ito.

Konting tiis lang! naisip niya. Iyon na lamang ang dapat niyang isipin upang makaiwas siya sa kamandag nito. Ang inakala niyang madaling trabaho ay tila magiging mahirap kapag nasa paligid si Vinson. Nakakainlove ang bawat titig nito, at kapag naririnig niyang magsalita ay tila nahehele siya sa tinig nito. At ngayon lang ay nag effort pa ito para mapatawa siya.

Mabilis na napalapit sa kanya ang loob ng bata mula noong pinakilala siya ni Vinson sa batang si Sizzy. Ayon kay Vinson noong araw na una siyang tumungtong sa mansiyon ay sinubukan na nitong ipakilala isa isa sa bata ang girlfriends niya, ngunit ni isa ay walang nagustuhan si Sizzy. Pulos matataray raw kasi ang girlfriends niya at walang amor sa mga bata. Idagdag pang takot rin sa responsibilidad ang mga socialite na girlfriends nito kaya hindi nagdalawang isip si Vinzon na talikuran ang mga ito.

Isa rin sakanyang dahilan ng pag-imbita niya sa kanyang mga empleyado sa kanyang kunwaring kasal ay upang makarating na rin sa mga babaeng naghahanap sakanya sa opisina na may asawa na siya. May mga nakakadate kasi siya na nagiging desperado na at pumupunta talaga sa opisina upang landiin siya, kahit mahigpit niyang ipinagbabawal na abalahain siya kapag oras ng trabahao.

. Kaya rin lumakas ang loob ni Vinson na pakasalan si Denise ay dahil sa motherly characteristic na taglay nito. Nagagawa raw kasi niyang magmahal ng mga batang hindi niya kaanu ano.

��*;�� 

What Makes a Man (Denise) T2FIL Series Book 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon