Chapter 9

275 7 0
                                    

Isang linggo ang nakalipas mula ng maglayas si Sizzy. Naging normal naman ang lahat sa loob ng mansion. Madalas na wala si Vinson dahil inaasikaso ang mga negosyo nito. Wala na rin itong pakialam kahit matulog siya sa tabi nito o hindi. At dahil nga naiilang siya rito ay kay Sizzy na lamang siya tumatabi sa pagtulog. Kung minsan ay nagpapahatid si Sizzy sa bago nilang bahay para makipaglaro sa mga kapatid niya.

Kung minsan naman ay sumasama siya kay Sizzy sa pagbisita sa pamilya niya at dumadalaw rin siya sa mga kaibigan niya.

Nang makarating siya sa bahay nila ay sinabihan siya ng nanny ni Sizzy na tumawag raw si Vinson at sinabing hintayin na lang raw nila ito dahil susunduin sila.

Alas otso na ng makarating si Vinson. Naghapunan na rin sila dahil naghanda ng adobong manok ang nanay niya para sakanila. Alas nuwebe nang magpaalam na sila na uuwi na. Ngunit ayaw sumama ni Sizzy. Sa bahay raw muna ito ng nanay niya mamamalagi. Masyado kasi itong naaliw sa mga kapatid niya lalo na kay Lexa.

"Ang galing kasi mag-alaga ni Nanay kaya pati si Sizzy ay ayaw nang umalis rito sa amin kuya Vinson." Sabi ni Bane kay Vinson. Alam na nilang lahat na ikinasal na ang ate nila kay Vinson.

"Hindi ako kokontra sa sinabi mong iyan. Kaya napalaki kayong maayos dahil magaling talagang mag-alaga si Nanay." Sabi ni Vinson. Nasa sala na sila at nagkikwentuhan matapos maghapunan.

"Kaya nga nang malaman ko ang ginawa ng anak ko para kay Sizzy ay hindi na ako kumontra dahil naunaawaan ko naman ang anak ko. Minsan na rin akong nalagay sa ganyang sitwasyon noong magdesisyon akong kupkupin ko ang mga batang ito." Binalingan ng nanay nila ang tatlong bata.

"Mabuti na lang po at nagmana sa kabutihan ninyo si Denise. Kung iba siguro ang napakasalan ko ay hindi ko sigurado kong nasa mabuting kamay ang pamangkin ko kapag wala ako sa bahay." Nakangiting inakbayan ni Vinson si Denise. Ilang araw na silang hindi nag-uusap nito kaya hindi na siya nagtaka kung bakit sa nanny ito tumawag at hindi sakanya. Ngunit nabigla siya kung bakit umakbay ito sakanya sa harap ng nanay niya ngayon.

Nakikipagbati na kaya ito sakanya? Tiningnan niya ang asawa habang masayang nakikipagkwentuhan sa nanay niya.

"Daddy. Dito po muna ako ng ilang araw kay nanay Mildred." Biglang singit ni Sizzy sa usapan.

"Hindi pwede Sizzy, maaabala natin si Nanay kasi may tindahan silang binabantayan dito." Sabi ni Vinson.

"Sasamahan naman po ako ni Nanny rito." Sabi ni Sizzy.

Binalingan ni Denise si Vinson.

"Kung gusto mo sasamahan ko siya. Dito rin muna ako sa amin para mabantayan ko siya."

"No. Kapag ginawa mo iyon ay wala na akong kasama sa bahay." Sabi ni Vinson at binalingan naman nito ang kanyang pamangkin.

"Sige, pwede kang magstay dito. But only for a week. Your two nannys will be staying here also." Hindi lang si Sizzy ang natuwa sa sinabing iyon ni Vinson ngunit pati ang tatlong bata.

"Ok lang ho ba iyon sa inyo Nay?" tanong ni Vinson sa nanay ni Denise.

"Walang problema iyon sa akin Hijo. Maaari mong iwanan si Sizzy rito kahit kailan mo gusto. Mabuti nga iyon at nang maturuan naming mamuhay ng simple itong batang ito. Marunong na rin ngang kumain ng gulay." Sabi nito.

"Mabuti naman po kung ganoon. Bukas po ay ipapahatid ko po ang ilan sa mga gamit niya." Binalingan muli ni Vinson ang pamangkin.

"Be good ok? 'Wag kang magpapasaway rito at baka madala silang ipaiwan ka rito ulit."

"I'll behave here daddy." Nakangiting sabi ng bata.

"Saan mo gustong tumabi? Sa akin o kay Bane?" sabi ni Lexa.

"Shunga! Kahit sino'ng piliin niya sa atin ay parehas niya tayong makakatabi dahil magkatabi lang tayo sa higaan." Sabi ni Bane.

"Tatabi ako kay nanay ate Lexa." Sabi ni Sizzy.

"Nay. Kayo na po muna ang bahala kay Sizzy. Mauna na ho kami." Bago silang dalawa umalis ay pinagbilinan nila ang isa sa nannys ni Sizzy tungkol sa bata. Naiwan na kasi ito kasama si Sizzy. Ang isa naman ay naiwan sa mansiyon at siyang magdadala nang gamit ni Sizzy bukas.

Nang makauwi sila sa mansiyon ay dumiretso siya sa kwarto niya noong hindi pa sila kasal ni Vinson. Wala rin kasi si Sizzy kaya hindi siya sa kwarto ng bata tumuloy. Naghilamos na siya at nagbihis na ng pantulog. Naghahanda na siyang matulog nang may kumatok sa pintuan ng kwartong ginagamit niya.

Tumayo siya para buksan kung sino iyon.

"Pwede ba ako rito?" parang matatawa siya sa itsura ni Vinson nang mabuksan niya ito sa labas ng pinto ng kwarto. May hawak kasi itong unan na parang batang makikisleep over sa kwarto ng mga magulang.

"Bakit? Ano nanaman ang naisipan mo at tatabi ka nanaman sa akin? Wag mong sabihing.." hindi niya na itinuloy ang kung anong sasabihin niya dahil alam niyang kapag iyon ang topic nila ay nag aaway lang sila. Ito kasi ang lagi nilang pagtalunan ang paggawa nila ng magiging kapatid ni Sizzy.

"Hindi na ako mag-iinsist sa hinihiling ni Sizzy na kapatid tutal masaya na siya sa mga kapatid mo."Sabi ni Vinson. Yakap yakap nito ang dalang unan.

Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok ito. Nauna na siya patungo sa kama para kusang magsara na niyon si Vinson.

"Kung hindi ka na mag-iinsist na gumawa tayo ng kapatid ni Sizzy bakit ka pa naparito?" sabi nita naupo na sa kama.

"Natatakot akong mag-isa sa kwarto." Seryosong sabi nito at agad sumunod sa kama at naupo na rin sa kabilang gilid ng kama.

Natawa si Denise sa sinabing iyon ni Vinson.

"Nahawa kana sa pamangkin mo. 'Yang katawan mong iyan natatakot ka pa?"

Nahiga na si Vinson na tila wala lang ang sinabi niya. Hula naman ni Denise ay kunwari lang na Vinson ang rason nitong natatakot.

Ang mga lalaki talaga, para-paraan! Naisip niya.

What Makes a Man (Denise) T2FIL Series Book 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon