Unveiling Four

9 2 0
                                    

Chino Colodin's POV


"Ang plano ay, madikitan mo nyan yung Head" paliwanag nung babae. Binigyan nya ako ng isang maliit na chip, para syang maliit na device na hindi ko malaman kung para saan.


"Pano ko naman malalaman na yun yung head ng chua eh nakamaskara sya?" sagot ko, nandito kame sa may tagong parte ng pentagon at pinapanood ang nangyayare sa loob.


Ang Pentagon - kung sa Pilipinas ang capital ay Manila, dito sa amin ang capital ay ang Pentagon. Dito ang kadalasang tagpuan ng mga makapangyarihan, matataas at makoneksyong tao sa syudad. Dito din nagaganap ang iba't ibang klase ng transaksyon; malake, maliit, may kwenta o walang kwenta. Hawak ito ngayon ng mga Chua dahil sila ang nakaupo sa pinaka-unang pwesto, samakatwid ang may karapatang mag may ari ng pentagon ay ang pinakamalakas na Clan.


"He's 153 cm tall, he has a bulky body, he has a scar near his left neck and most impotantly, he wears a black & white devils leather mask" sabi nito habang nakatingin sa tablet nya.


"Got it" sabi ko, lalabas sana ako ng kotse ng pigilan niya ako.


"Why? You'll give me a goodluck kiss? I would gladly accept---" diko pa natatapos yung sasabihin ko ay nagsalita na sya.


"Pano mo ilalagay sakanya yang chip?" tanong niya. Napaisip naman ako.


"Babanggain ko sya" simpleng sabi ko.


"Aaiisshh! I can't believe you serve the heir of our second highest clan! With a bird brain of yours I wonder why did he has such a trust in you!" inis na sabi nito, aba! grabeng pang iinsulto naman ata ang sinabi ng babaeng ito. Pumasok muli ako ng kotse at nilock ang lahat ng pinto, nag pipindot sya doon sa tablet nya at na-unlock ulit ang mga pinto.


"Miss---"


"Sa tingin mo ba madali kang makakalapit sa head ng Chua? Baka nakakalimutan mo kung ano ang posisyon niya?" nakakalokong sabi niya. Napaisip naman ulit ako at tumango.


"Oo nga no?" mahinang sabi ko.


"Use your connection" suggestion niya habang may kinakalikot ulit sa tablet nya.


"Huh?" tanong ko.


"Aaaaaiiisshh!!" inis na sabi niya at ginulo ang buhok niya which I find cute.


"Diba nasa iisang organisasyon lang ang Chua at Alderfere. Sa tingin ko madali mong malalapitan ang head kapag pinakilala mo ang sarili mo-- what I mean, kapag pinaalam mo kung kaninong clan ka nabibilang" paliwanag niya at tinuro ang dibdib niya kung nasaan ang puso niya. Una ay naguluhan pa ako pero may naalala ako.


"Wait-- pano mong nalaman na nasa kaliwang dibdib namin ang tattoo symbol ng Alderfere?" tanong ko, nagkibit balikat lang sya.

Unveiling MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon