Unveiling Three

9 2 0
                                    

Clayih Schleiden's POV



Blanko ang isip ko habang nag dadrive, hindi ko alam kung saan ako pupunta at hindi ko na din alam ang lugar na tinatahak ko pero nakalagay sa gps ko ay nasa syudad parin naman ako.




Hininto ko ang motor sa isang madilim na kalsada, bihira din ang mga dumadaan. Tumingin tingin ako sa paligid bago nahiga sa motor ko, wala akong pakelam kung naka dress ako, may doble naman akong short, so why bother?




Sariwa ang hangin dito at sadyang nakakarelax, nakakatulong din mag-isip at pakalmahin ang utak kong kung ano ano na ang gustong gawin dahil sa nangyare kanina.




Ngayon alam niyo na kung bakit hindi pwedeng magsama kame ng nanay ko sa isang lugar. Bigla namang umuga yung motor kaya napadilat ako.


"Hoy bata" mayabang na sabi ng isang lalakeng nasa 30's. Umupo ako at tinitigan lang ito.



"Delikado dito, bakit nandito ka?" dagdag nito, napangisi ako sakanya.



"Hindi mo ba alam na lahat ng lugar dito ay delikado?" sabi ko.


"Anong pinagsasabi mo?" naguguluhang sabi nito at mukhang wala syang alam. Is this a new strategy?



"Hindi mo alam? Bakit ka nandito?" tanong ko. Mukhang lalo naman syang naguluhan. Woaaa mukhang naligaw lang sya dito.



"Nandito ako para sana umakyat ng bundok" inosenteng sabi nito, inalisa ko ang katotohanan sa sinasabi niya. Napangisi ako.



"Pfftt---" hindi ko mapigilan ang matawa, para namang hindi niya ito nagustuhan.



"Hoy bata, baka hindi mo kilala kung sino ako. Isa akong prominenteng tao na hindi mo dapat tinatawanan" nangungutyang sabi nito.



"Woa, baka naman ako ang hindi mo kilala. Gagawin ko ang gusto ko at wala kang pakelam doon" pinaglapit ko ng isang hakbang ang pwesto namin.


"Bata, ang mabuti pa umuwi kana sainyo dahil isang tawag ko lang--" hininto niya ang sasabihin at dinutdot ang balikat ko.



"Kayang kaya kong, ipapatay ka" may diin at seryoso ang mga binibitawan niyang salita habang tinutulak ang balikat ko. Napabuntong hininga ako at napatingin sa taas para pakalmahin ang sarili.


"I see. Depending on how you expose your bared face, it seems like you've gone to a very wrong place. Mister just a piece of advice---" seryosong sabi ko at huminto sa pang huling linya, lumapit ako lalo at bumulong.



"Don't ever wander to places like this, it's dangerous" huling sabi ko at tinalikuran sya ngunit hinila niya ako pabalik.


*slaaaap* bumaling ang pisngi ko at natanggal ang maskarang tanging dahilan ko para hindi pumatay.



"Wala kang galang!" sigaw nito, tinignan ko ito deretso sa mata. Rumehistro naman ang takot sa mata niya.



"You know why I turn my back? It means a chance, to give you another chance to live your prominent life. It means to run, run as far as you can. And it just means to delayed your death" marahang sabi ko at diniinan yung huling salita.




"Sa-sa tingin mo ba-ba nata-tatak-ot ako?" nanginginig na sabi nito.




"Then, I'll make you" nakangising sabi ko at sinakal siya tsaka sinandal sa kotse niyang nakaparada sa harap.



Unveiling MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon