Unveiling Two

9 1 0
                                    

Clayih Schleiden's POV


"Goodmorning!" bati ko kay kuya ng maabutan ko syang kumakain sa kusina. Nakaupo sya sa may pinaka gitna ng lamesa kaya naman pumwesto ako sa may kanan niya.


"Morning" bati naman niya at nagpatuloy sa pagkain.



"Kata may plano kaba mamayang dinner?" tanong niya.


"Wala naman kuya" sagot ko.


"Good. Uuwi sila papa mamaya and they wish to have a family dinner" sabi niya, napahinto ako sa pagkain at binaba yung kubyertos.


"Sorry kuya, naalala ko pala na magkikita kame ni Lackey" palusot ko.


"Come on little sis, until now iniiwasan mo parin si mama?" sabi niya.



"Magkikita nga kame ni Lackey mamaya kuya" pagpipilit ko.


"Hhhmm, kaya pala sabi kanina ni Lackey na dito din sya magdi-dinner ngayon?" nakangising sabi niya.


"What?! She did?" gulat kong tanong.



"Little sis, I'm always one step ahead you know. I also know that Lackey would be your first excuse, that's why I called her earlier and invited her to come over" paliwanag niya habang nakangiting tagumpay, tumayo siya at lumabas.


"Your such an *ss kuya!" inis na sigaw ko at pinalo yung lamesa.


Bugnot na bugnot akong nakahiga sa kama ko at nakatingin sa kisame -,- Bwisit na bwisit talaga ako kay kuya! Alam niya namang hindi pwedeng magsama kame sa iisang lugar ni mama tapos pilit niya parin kameng pinagsasama!



Si Jiana Schleiden ang dahilan kung bakit nabubuhay ako sa ganitong klaseng mundo.


Flashback (8 years old Clayih)


9:00 pm

Naglalakad sa isang iskinita ang isang batang babae at naghahanap ng pwede pagtulugan. Marungis at di kaaya-aya ang amoy nito dahil sa tagal na nitong hindi nakakaligo.


Umupo ito sa isang tabi at isinubsob ang mukha sa pagitan ng tuhod tsaka nagsimulang umiyak.


"Mama, Papa, na-nasaan na po ba ka-kayo? Ba-kit niyo po-o ako ini-wan? Sabi niyo po ma-mahal na maha-l niyo a-ko? P-pe-pero bat wala po kayo sa ta-tabi ko? Bakit pi-pinabayaan ni-niyo po ak-akong mag-isa?" umiiyak na sabi ng bata.


"Hi baby girl" narinig niyang wika ng isang babae. Nag-angat ng tingin ang bata. Isang nakangiting babae ang bumungad sakanya. Nakasuot ito ng malaking summer hat na black at naka shades.


"Hi baby girl" ulit na tawag nito.


Unveiling MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon