Chapter 4: Nerd's Secret

438 8 4
                                    

Kasalukuyan akong nandito sa Principal's Office para kuhanin yung uniforms ko. Nasa likod ko yung iba pang transferees.

Ibinigay naman ng staff ang isang set ng regular uniform, isang p.e uniform at C.A.T Uniform.

Lumabas na ako pagkatapos at uuwi na sana nung tinawag ako ni Michael.

"Scarlet!" Hinihingal niyang tawag sa'kin.

"Bakit?" Tanong ko at may binigay naman siyang folder.

"Ayan na yung listahan." Tinignan ko naman ito at nakita ang mga listahan ng bawat section.

"Thanks."

"Anong gagawin mo nga pala dyan?"

"Hahanapin ko lang kung anong section ung mga kakilala ko."

"Wala 'yun. Pauwi ka na ba?"

"Oo. Sabay ka? Same subdivision lang tayo diba?"

"Yup, di nga kita nakikita don."

"Ah, kakalipat ko lang kasi."

Nagsimula na kaming naglakad at nagkwento naman siya tungkol sa sarili niya.

Bigla namang may nagsalita sa gilid.

"Tignan mo nga naman, may nakasama na ang nerd."

Tinignan ko naman si nerd este michael, nakita ko tong lumunok binaling ko naman ulit ang atensyon ko sa mga lalaki na naglalakad papunta sa'min.

"Mukhang nakalimot ka na ata, Mike." Sabi nung isa na nakakulay blue na shirt. Sinundan naman nung naka-red shirt.

"Alam mo naman na ikaw lang ang magaling sa ating lima."

Teka, power rangers' fanatics ata tong mga to?

"Sasabihin na ba namin sa kasama mo ang-" Hindi natuloy sasabihin nung naka-yellow dahil nagsalita agad si Michael.

"Pumapayag na ako." Ano bang sinasabi ng mga 'to? Anong sikreto mo, Michael?

"Doon pa din. 7pm." Umalis na rin sila pagkatapos.

"Tara na scarlet."

"H-ha? Okay." Tahimik naman kami hanggang sa nakarating sa subdivision.

Hinarap ko naman siya, "Magiingat ka mamaya"


Nagbuntong hininga naman siya napansin kong umaliwalas na rin ang mukha niya.

"Salamat, hindi na kita maihahatid hanggang sa inyo. Ingat."

"Hahaha. Okay lang ano ka ba, sige byee!" Paalam ko sa kanya at nagsimulang maglakad, tinignan ko uli siya at kumaway. Kumaway siya pabalik at tumalikod na rin.

Nakakacurious yang pagkatao mo. Hindi lang pala ako ang may sikreto.

Sumalampak ako sa higaan habang iniisip ang mga nangyari ngayong araw na 'to.

Walang nangyaring maganda. Agad akong umupo nung may naalala at tinignan ang folder na.

"Ayan na yung listahan."

I'll make his life miserableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon