Wala ka nang babalikan (10-20-17)

8 0 0
                                    

Nakatingin ako sa kawalan.
Maraming tumatakbo sa aking isipan.
Saan ba ako nagkulang at ako'y kaniyang iniwan?

Dahan-dahang lumabas sa mga mata ang luhang puno ng hinanakit at kalungkutan.
Tumayo na ako.
At naglakad palayo sa lugar kung saan lagi kaming nagtatagpo.

"Paalam, hiling ko'y sana makalimutan agad kita."
Pinabagong araw ang sasalubong sa akin kinabukasan.
Araw na alam kong isasampal sa akin ng realidad na wala na siya at kahit kailan 'di niya na ako babalikan.

Everyday PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon