Larawan (10-20-17)

7 0 0
                                    

Nagising ako nang maaga,
Sapagkat alam kong laging trapik sa Maynila.

Ika-10 pala ng Agosto ngayon.
Ramdam ko ang sakit sa aking emosyon.
At tila ba't ramdam din ito ng panahon.

"Ngumiti ka."
Paalala ko sa aking sarili.
"Magpakatatag ka dahil kung hindi, talo ka."

Tiningnan ko ang isang larawan.
Larawan nang dalawang nagmamahalan.
Ikaw at ako, nagmamahalan sa isang larawan.
Bakas ang saya sa mata at maging sa ngiti ay masisilayan.

"Mahal na mahal kita, peksman."

Everyday PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon