Guro Kaakbay sa Pagbabago

7 0 0
                                    

Mula ulo hanggang paa, taglay mo ang awra ng isang guro.
Mga kagamitang iyong dala para sa pagtuturo.
Boses mong minsa'y malakasan, minsan nama'y mahina.
At ang puso mong busilak at mapagkumbaba.

Isa sa klase ang patakbong pumasok sa silid-aralan,
Sinigaw ang katagang, "Nariyan na si Titser! Dali! Magsiayos na kayo nang inyong upuan!"
Nagkandaugaga ang klase sa iyong pagdating,
Na tila ba'y isang halimaw ang darating.

Sa pagbigkas mo ng iyong kaalaman,
Pagbabago ang hatid nito sa aming buhay at kaisipan.
Mga bagong termino at salita na iyong tinuturo,
Pati narin mga karanasan bago ka naging isang ganap na guro.

Everyday PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon