PROLOGUE
Ito ang isa sa mga pinaka importante sa isang story.Dahil ito ang unang mababasa nilang part at kung baga manghahatak sa kanila para basahin ang whole story.
Hearty Tip # 1 :
Hindi naman sa lahat ng oras laging unang ginagawa ang prologue.Dahil ako pinakahuli kong ginagawa iyon kasabay ng epilogue.Nasa sa iyo kung uunahin mo dahil pwedeng magbago yan kapag nagsusulat kana,mas may maiisip kang bago o mas babagay.
Hearty Tip # 2 :
Minsan quotations o famous sayings ang ginagamit para sa prologue.Always remember na lagyan lagi ng credits kung sino ang nagmamay-ari sa ginamit na quotation/saying.
Kung mga quotations/sayings rin naman ang gagamitin,piliin mo yung babagay talaga sa story mo.Hindi dahil maganda yung meaning ay ilalagay mo na agad,i-angkop mo dapat sa story mo kung mag coconnect ba sila.
Hearty Tip #3 :
Yung length o haba nito dapat sakto lang.Baka kulang nalang ikwento mo na yung buong story.Mas ok kung hindi na siya ganun kahaba kasi para mas may kapanapanabik na feeling.
Hearty Tip #4 :
Kung hindi mo pa trip isulat ang prologue,hayaan mo muna.Wag mong pilitin dahil sa huli uulitin at uulitin mo parin dahil hindi ka satisfied.Kusa rin darating sayo yung point na gustong gusto mong gumawa ng prologue.
QUESTIONS? Comment below ^^