Ito yung mga personal tips ko kapag nag-uumpisa akong mag-sulat at kung ano ang mga ginagawa ko habang nagsusulat.
· Place
Humanap ng lugar kung saan ka makakapag-sulat ng komportable.
Yung alam mong walang mang-iistobo sayo at makakapag-isip ka ng maayos.
· Music
For example,gumagawa ka ng romance na story.Try to play mellow music.Yung nasasabayan ang mood mo sa pag-susulat at kung ano yung sinusulat mo.Dahil maraming kanta na babagay sa story na gagawin mo.
My suggestions (LOVE SONGS)
1. Forevermore – Jed Madela
2. It will Rain – Bruno Mars
3. Walang Iba– Ezra Band
4. You and Me –Lifehouse
5. Just the Way You Are – Bruno Mars
· Snacks
I eat chocolates or TOPPO kapag nag-susulat.Parang energizer ko yun! Mag-isip ng pagkain na gusto mo talaga para makatulong sa pag-iisip mo.NO JUNK FOODS!
· Time
Alam natin na hindi sa lahat ng oras ay lagi tayong nakakaisip ng maisusulat.Madalas ay tinatamad tayo o wala sa mood.Pero dapat mag-set ng oras o araw kung saan na magsusulat lang tayo.
· Cellphones/Gadgets
Avoid using gadgets dahil nakaka-distract iyon kapag nagsusulat lalo na kapag nakikipag-text ka.Nahahati yung atensyon mo at nawawala yung focus sa talagang ginagawa.
· Read
Before writing be sure na may binasa ka na kahit sa mga magazine lang o mga dyaryo.Para mas maging active ang isip mo at ma-refresh.Makakakuha kapa ng mga iba’t ibang ideya at impormasyon.
QUESTIONS? COMMENT BELOW.