Plot & Setting
Siyempre meron ka ng prologue pero ready kana ba sa pagsulat ng kwento mo? Minsan kasi kapag sisimulan na natin bigla tayong mapapatigil at mag-iisip kung maganda kaya ang kalalabasan nito. Here are some tips of Hearty on how to plan for your story.
Hearty Tip #1 :
For me kasi, habang lumilipas ang panahon ay mas nakakapag-isip tayo ng mga pwede o posibleng maging pagbabago sa takbo ng story natin.Pero always write the best! Kung ano ang sa tingin mong mas sakto at mas angkop sa story,yun yung ilagay mo.Wag pabigla-bigla sa pagpapalit ng scene.
EXAMPLE:
Naglalakad kami ni Xander at wala kaming imikan.Marami akong gustong sabihin pero ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa amin.Nakasalubong namin ang ibang grupo at nakisuntukan siya.
Taray no? Yung ang ayos naman sa una pero laglag panga sa huli.Wag naman ganun ha? Laging isipin kung ano ang mas magandang scene sa mga situation na ganun.Hindi yung alam nating galit yung charater tapos bigla nalang makikisuntakan on the spot! Think muna.
Hearty Tips #2 :
Mag focus ka kung paano ka aabot sa ending.Kung ano ang mga gagawin mo para makarating ka doon.Parang nasa amazing race ka lang.Maraming obstacles na para bang yun yung mga magiging twist sa kalagitnaan ng story mo.At as usual,pagkatapos ng mga paghihirap darating din sa wakas o finish line.Nasa sa iyo lang kung paano at sa anong paraan mo gustong mapunta doon.
Bilang author ng isang kwento,lalo mong mas paganahin ang isip mo kung paano ma-excite ang mga readers mo.Wag sulat ng sulat,isipin kung may sense.
Hearty Tip #3 :
Sa settings naman,be resourceful.Much better kung maghahanap ka muna ng mga totoong lugar.Nandyan naman si Google para tulungan ka.Kesa sa manghula ka ng mga lugar at bigla mo nalang makalimutan.Kaya kung hahanap ka,mas madali nalang.Try mong isulat or ilagay sa notes sa cellphone mo para hindi mawala sa isip mo.
Kung ang character mo naman ay magta-travel kunwari,mag search ka din ng instruction kung paano makapunta sa lugar na iyon.Hindi naman siguro lumilipad at nagte-teleport ang mga character mo. Mas magandang tignan kung alam mo kung paano i-insert ang sarili mo sa character mo,gawin mo siyang isang totoong tao.Bigyan mo siya ng buhay kapag nagsusulat ka.
Hearty Tips #4 :
Bigyan ng konting ka-echosan ang mga bawat linya.Wag gawing dry ang mga eksena.
EXAMPLE #1 :
Pagbaba ko sa bus nakita ko agad siya at niyakap.
Oh tapos? Ang tamlay ng linya no?
Example #2 :
Maingay sa terminal ng bus pero rinig ko parin ang pagtawag niya sa pangalan ko.Bakas sa kanyang mukha ang pananabik at saya na makita ako ulit.Sa paglapit namin sa isa’t-isa hindi ko mapigilan na mapayakap sa kanya.
Mas ok basahin diba? Puno ng laman yung mga linya.
QUESTIONS? COMMENT BELOW.