Patok na Patok! (05-26-11)

118 2 0
                                    

-Nakakatawang isiping its been a year mula nung nagawa ko 'tong sanaysay na 'to. (^_^)v

Marahil maituturing ko itong isa sa naging pinakamagandang bunga ng boredom na patuloy kong nararanasan sa mga oras na 'to; sa buong bakasyon na nagdaan.

Nalalapit na ang pasukan! Marahil karamihan sa atin ay natutuwa, dahil sa wakas ay makikita na muli natin ang mga kaibigan at kamag-aral na namiss natin. Yung mga upuan, mga silid-aralan, ang mga propesor, at ang mga sandamakmak na mga gawain sa paaralan. Pero kung ako ang tatanungin, isa sa pinakanamimiss ko hanggang sa oras na ito ay ang PATOK. Tama ka nga, namimiss ko nang sumakay sa mga makukulay, maingay, humaharurot, at 'tila biyaheng impyerno na pagpapatakbo ng mga tsuper ng jeep na iyon. Patok ang tawag nila dito. Isang termino sa mga bagong pampasaherong jeep, pakyawan palagi sa pasahero; kaya patok. Nakakaengganyong sumakay sa ganitong klase ng jeep, kumpara dun sa mga jeep na napakaboring, tahimik lang sa loob ng sasakyan, mabagal magpatakbo ang tsuper, at walang SOUNDTRIP! HIndi tulad sa patok, hindi lang music ang maririnig mo, kundi mga musikang patok na patok, usong uso sa panahon ngayon. isang napakatinding MUUUUUUUUSIIIIIIIIIIIIIC! Napakasakit sa tenga, napakalakas. Lahat siguro ng mga PUPIan ay nakakarelate dito. :) HIndi ba? BIyaheng Marikina ang tungo nito. Marahil ikaw na nagbabasa nito ay nagtataka kung bakit ko sinasabi ang mga walang kakwenta kwentang bagay na ito, at bakit sa dinami dami ng pwede kong pwedeng mamiss ay yung patok pa.

Ito ay sapagkat, sa loob ng isang taon kong pagsakay sa nakakalokang uri ng pampasaherong jeep na ito ay maraming masasaya, at malulungkot akong alaala at karanasan. :) Nandiyan yung mga panahong magkakasabay kami ng mga best buds ko pag-uwi, magkakatabi kami sa jeep, magkakaharap. At anong ginagawa namin? Generally, nag-uusap ng kung anong mga nakikita namin. Pero kadalasan, nagchichismisan kami. Sinasabayan ang lakas ng tugtugin, minsan pa nga, nakikipaglaban kami sa lakas ng musika para lang magkarinigan kami. Ganyan kami kaaning. :) Haha. Kaya pagbaba sa Cubao, hindi lang masakit ang lalamunan ko, pati pa ang panga, likod, katawan, at mga kamay ko dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng tsuper.

Naalala ko yung isa pang pangyayari, na pagdating sa Cubao, pinipilit ng konduktor nung jeep na bumaba na yung matandang ale sa pagkakaupo niya. Cubao na daw kasi, bumaba na daw siya. Sakto, may mga estudyante mula sa ibang unibersidad ang nakasakay din doon. HIndi ko alam kung bakit nila tinatawanan nila yung matanda, e wala naman siyang ginagawa. Pero nung bumaba na siya, natuklasan naming naka-jerbaks na pala siya sa pantalon niya kaya hindi siya makababa. Kadiri nga kung iisipin, pero ang hindi namin matanggap e yung mga estudyante na taga-ibang unibersidad ay tinatawanan yung matanda dahil lang sa nangyari. Oo, tanggap na naming maaarte nga sila, pero sana naman hindi nila inasal yung ugaling iyon, sa harap pa ng kawawang matanda. Nakakaewan.

Meron pang isa. Kasama ko noon si Jossan. Kaming dalawa lamang ang magkasabay pauwi. Sa dulo siya nakaupo, ako naman, katabi niya. Habang hinihintay namin na mapuno ng pasahero yung jeep, wala namang nangyaring kakaiba. Hanggang sa nagsimula nang umandar yung jeep. Pagliko pa lamang nito sa Sta. Mesa, sa may Police Office doon ay may mga lalaking humarang na itigil yung jeep. Lahat naman kami'y nagtaka. Hanggang sa naabutan na lamang naming yung dalawang lalaking nakaupo sa dulo sa likod ng driver at konduktor ay pilit na pinosasan ng mga lalaking nakabantay sa likod nila. Nakita ko ring may lalaking pumasok sa loob ng jeep na may dalang baril. Dahil dito ay nagsimula nang magpanic ng mga kapwa ko pasahero. Bumaba kami ng jeep. Lahat kami, at ang naiwan na lang sa loob ay yung driver at konduktor, at ang dalawang lalaking 'tila mga kriminal, mga mukhang masasamang loob, at hinuli na ng mga pulis. Yun pala'y matagal na silang pinaghahanap ng mga alagad na batas. Nagnakaw siguro ang mga loko.

Buti na lamang at hindi pa nakakalayo ang jeep ay nahuli na sila. SIguro'y balak nilang gawan ng masama yung driver at konduktor at holdapin kaming mga pasahero? Naparanoid ako nun eh. Si Jossan naman tuwang tuwa. Ganung mga eksena daw ang gusto niya, action! Naku, buti nalang talaga. Salamat sa Diyos at niligtas NIya kami sa masama. :)

Ok, ang layo na neto sa pinag-uusapan kanina. Haha. Pero ang masasabi ko lang, THE BEST ANG PATOK. It brings out the best in you. Kahit na may mga bagay mang di gaanong magandang nangyari dahil sa pagsakay sakay ko sa patok na 'yan, eh patuloy ko pa ring tatangkilikin ito. Kami ng mga best buds ko. :) Tatlong taon pa akong makakasakay dito kasama sila, at sa mga araw na iyon, titiyakin kong eenjoyin ko ang mga karanasan na mararanasan ko. Haha. Basta, matututo lang mag-ingat, at magdasal sa Kanya. :) Malayo pa ang lalakbayin!

Uy, salamat sa pagbabasa ah? Kahit na medyo walang kwenta yung mga pinagsasabi ko, e binasa mo pa rin. Haha. Maraming salamat! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Patok na Patok! (05-26-11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon