Nicole Part 3

82 42 2
                                    

"kalokohan!!..kung totoo yang mga pinagsasabi nyo sana nakikitat nararamdaman din namin"pabaling na pag sabi ni daddi. "Pero dadi.." -"Sarah!!..Itigil nyo na tong kalokohan na to! itigil nyo na!".."Hon tama nayan, mabuti pa at matulog na tayo..Sarah.. ate Belen.. ayoko ng makarinig ng mga ganyan simula ngayon...please!.. matulog narin kayo"

8:59 PM Pumasok na sila mami at dadi sa kwaro nila upang mag pahinga at Pumanik narin ako sa taas ng mga oras nayon..Pag pasok ko sa aking kwarto ay agad ko itong ni lock..at nag aatubiling pumunta sa aking kama..sabay talukbong ng kumot..Hindi parin nawawala sa isip ko ang mga pangyayari..pati ang takot..dahil alam ko ang nakita at narinig ko..totoo ang lahat..at naging pala isipan sa akin.. na bakit boses ni nicole ang aking narinig na tila ba ay nagbabanta sa aming buhay..kina umagahan..

5:17AM (Bagg! Bagg! Bagg!) tatlong malakas na pag katakot ang syang nag pa gising saakin..Agad akong bumangon upang buksan ang pintuan..wala akong nakitang tao.. sa aking pag bukas..(muli nanaman akong kinabahan ng mga oras na iyon)..dahan dahan akong sumilip sa kanang bahagi ng hallway...Wala akong nakita...at ng pag tingin ko sa kaliwa.."hayyst.! si nicole lang pala.."para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mga oras nayon..Pababa na sya ng hagdan ng aking makita.. bago ako bumaba ay ni linis ko muna ang aking kwarto at niligpit ang aking higaan.

5:25AM [Sobrang lakas ng ulan at hangin nung araw na iyon..]"Goodmorning..ate..Buti at nagising kana...pinagising na kita kay nicole..para sumabay kana samin mag almusal.." wika ni mami."Nga pala wala kayong pasok..Signal number 2 ang Cavite..Kaya naman..bantayan mo nalang si nicole..ate..haa..""Sige po ma..ako na pong bahala kay baby...Ahh..Ma? asan po si dadi?"..-"nauna na ang dad mo...may importanteng meeting e..""Ganun po ba..??"..

7:31AM paalis na si mami upang pumasok sa trabaho.."Bye ma..Ingat po sa pag mamaneho.."..-"Ingat rin kayo dito.. Sarah ang kapatid mo..bantayan mo...Yaya Belen.. Ikaw nang Bahala sa mga Bata..".."Yes po mam...Ingat po kayo.."..-"bye!!(bip!!bip!!)"..."tara nat pumasok na tayo..at baka kayoy sipunin pa.."Sambit ni yaya belen..

10:27AM Si yaya belen ay pupunta muna sa palengke upang mag grocery..dahil pa ubos na ang aming stack ng pagkain..dahil baka tumagal pa ang bagyo ng ilan pang mga araw.."Oh..Sarah..iiwan ko muna kayo dito ni nicole a..Hindi rin ako mag tatagal babalik agad ako"... -"Sige po ate belen.. Ingat po kayo"..Nang mga oras nayun si Nicole ay nasa sala..at nanunuod ng TV..at akin namang inihahanda ang aking mga gamit pang pa ligo..

10:45AM "Nicole Baby.. Maliligo lang ako a...Manuod kalang dyan.." Ngunit parang hindi manlang nya ako narinig..kaya muli ko syang tinawag."Baby..!?..Nicoleee.???!..Dyan kalang kako at maliligo ako".. Lumingon lang sya sa akin ng saglit at muli nang ibinaling ang mata sa TV.Napataas nalang ako ng kilay at napa bulong sa isip na.."Ang weird naman..ata ng kinikilos ni baby?..mmm..Siguro..ehh..ewan.makaligo na nga"..Hindi ko nalang binigyang pansin ang mga pangyayaring iyon..at pumasok na ako CR..

10:55 AM Nasa kalagitnaan na ako ng aking pag ligo ng mga oras nayon..At kampante naman akong hindi aalis si nicole sa harap ng TV..na rinig narinig ko pa ang sounds neto hanggang CR..(kumakanta)["hmm..hh..hmm..only foolss..rush in.. dara.lalala..falling in love with you..lala lala...nana nana.."]Sinasabon ko na aking katawan..at ang aking mukha noong mga oras na iyon..ng. biglang...(BOGGGUFFkk!!..)namatay ang ilaw..at sinabayan pa ngisang malakas na pag sabog na nagmula sa labas.."Shockss!!..Oh my God!!..oh..my..God..Oh..my..God.."..Nag madali akong buksan ang shower upang banlawan ang sabon sa aking mukha.."oh..my..God!!"..(habang humihingal).. Nang matanggal ko na ang mga bula..agad kong nilibot ang aking mata sa buong banyo..na animoy nag aadjust pa ang aking mata sa sobrang ka diliman..biglang Tumahimik ang paligid..hindi ko narin narinig ang TV mula sa sala..pag bagsak nalang ng tubig na nangagaling sa shower ang iyong maririnigsiguro nga ay tinamaan ng kidlat ang posteng malapit sa amin at nawalan ng kuryente..kaya namay minabuti ko ng bilisan ang aking pag babanlaw.. (kumakanta)["but..i.. cant.. help ..falling in..love with..youu...hmmm..hmmm..lala..lala..lala]..napahinto ako sa aking pag kanta ng biglang.."(pabulong)ate...ate..tulungan mo ko ate...(umiiyak)..ate tulungan mo ko..". ipinatay ko muna ang shower at nakiramdam...at muli ko nanaman itong narinig..na tila ba ay nanggagaling..mula sa labas ng pinto ng CR..."(pabulong na umiiyak)ate..tulungan mo ko..nandito ko..halika dito..". Napansin kong parang may naka tayo sa harap ng pinto dahil natatanaw ko mula sa ilalim neto ang isang anino..-"Nicole?!?..ikaw bayan.."dahan dahan kong kinapa ang aking tuwalya..at isinaplot sa aking katawan.. at maya maya pa ay muli ko nanaman itong narinig"(pabulong)..ate halika dito...."..dahan dahan akong Lumapit sa pintuan..at huminto upang makiramdam...nakalipas na ang dalawang minuto ngunit bigo ko na uling marinig ang mga pag bulong nayon...Ngunit kitang kita ko parinang anino sa ilalim ng pinto..pigil na pigil ang aking pag hinga ng mga oras na iyon..lumapit ako sa pinto at idinikit ang aking kaliwangtaenga....Wala akong naririnig na kahit ano mula sa labas....at matapos ay dahan dahan akong lumuhod at yumuko..upang silipin ang ilalim ng pinto..ngunit wala rin akong nakita..kahit anino manlang ng kapatid ko..Kinabahan na ko..at parang bumigat bigla ang aking pakiramdam.....nang biglang MAY HUMAWAK! SA AKING BATOK!..BIGLA AKONG NAPABALIKWAS SA AKING KINAROROONAN..NANLILISIK NA MAPUPULANG MATA ANG SAKIYTUMAMBAD..AGAD KONG BINUKSAN ANG PINTO..AT TUMAKBO PATUNGONG TAAS SA AKING KWARTO.."YAYA BELEN!...TULONNGG!!..YAYA!! BELEN!!.."PAG AKYAT KO NG TAAS..NAGMAMADALI KONG TINULAK ANG PINTUAN NG AKING KWARTO.."UMH!..SHIT! BUMUKAS KANA..PLEASE..BUMUKAS KANA!!"NGUNIT HINDI KO SYA NABUKSAN. SINUBUKAN KO SA KWARTO NI NICOLE.."UMH!..UMH!!..BUMUKAS KANA PLEASE!"..nakita kong bukas ang kwarto ni yaya...kumaripas na ko ng takbo papasok..(BLAGG!!!)Minadali kong isinara ang pinto at ni lock..Sumandal akosa pinto upang maging harang.."(habang humihingal)hhaa..hhha..hhha.."maya maya pa..ay nakarinig na ko ng mga yabag ng paa at bosesng isang batang lalake..mula sa hagdan.."pag kabilang kong tatlo na katago kana..isa...dalawa...tatlo..hihihih!"palapit na ito ng palapit..noong mga oras na iyon...pigil na pigil ang aking paghinga upang hindi ako makagawa ng ingay...maya maya pa ayhuminto ito sa pag lalakad..ng biglang..(BLAGGGG) Isang malakas na pagbukas ng pinto ang aking narinig..na sa tingin ko ay nagmula sa aking kwarto.."Huli ka..hihihi!..ate..Sarah...nandito na akooo!!..ahihihi!"...lumipas ang dalawang minuto nang makarinig nanaman ako ng pagbukas ng pinto..(BBBLLAGG!!)..Ate sarah..alam kong nasa ilalim ka ng kama ko...HULI KAA!!..hmm..hihmm.."...Halos sumabog ang dibdib ko sa takot ng mga sandaling iyon..alam kong pupunta sya sa kwartong ito..kaya naghanap na ako ng matataguan..Napansin kong nakauwang ng bahagya ang kisame sa tapat ng cabinet ni yaya belen..sumampa ako..at dahan dahan ko itong binuksan..."uhmm..dali na..umhhh..." tumapak na ako sa cabinet ni yaya..nang hindi ko sinasadyang..masipa ang vase mula doon..(ppplllaakkk!)"shit!!..nang biglang makarinig ako ng mabilis na pagtakbo papunta sa kwarto kung saan ako naroon..(BLAGG!BLAGG!BLAGG!!BLAGG!BLAGG!)..Tuloy tuloy na malalakas na pagkatakot ang sumunod na nangyari..nagmadali na akong umakyat.."ummhh..a.."pag ka akyat ko ay agad kong tinakpan ng bahagyan ang kisame..(BLAGGGGGG!!!) bumukas na ang pinto.."hihmm..huhmm..nasan kana..sarah.."nang mga oras na iyon ay tinakpan ko ang aking bibig at pinigilan ang aking pag hinga...tumahimik bigla ang paligid..na animoy..parehas kaming nagpapakiramdaman..maya maya pa..ay sinubukan kong sumilip....nanlaki ang mga mata ko nang si nicole ang aking nakita..at may hawak na kutsilyo..nang biglang.."Sarah!!.. Nicole!!.. Nandito na ko!!..."Tinig ni ate belen na nang gagaling sa baba..nakita kong iniligay ni nicole ang kutsilyo sa ilalim ng kama ni yaya belen..at parang biglang nag bago ang kanyan ikinikilos.."ohh..Nicole..baby..anong ginagawa mo dito mag isa..ayy..kawawa naman si baby..tignan mo naman yung kamay mo ang dirty dirty na...tara na at lilinisan kita sa baba.."agad naman itong sumama kaya yaya belen na parang walang nangyari..

NicoleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon