7:09 PM Lumalalim na ang gabi.. Ngunit wala parin sila mami at dadi.. "yaya..nag text na po ako kila dadi.. tinanong ko na po kung nasaan naba sila.. kasi kanina ko pa po sinusubukang tawagan ang cellphone nilang pareho..pero hindi po ma contact e.." -"Ganun ba?? naku!.. ano na kayang nangyari kila mam at sir.. mabuti pat ilagay muna naten sa ref. tong mga pagkain.. at ililigpit ko narin tong pinag kainan naten... Sarah ang kapatid mo tignan.. tignan mo.. na muna..ha..!" Si nicole ay natutulog sa sofa sa sala ng mga oras na iyon. " ahh.. sige ..ya.." Habang ako naman ay nasa kusina..at sinisilip silip lang si nicole.. maya maya pa ay.. biglang nag ring ang phone ko (kringg! Kringg! Kringg!) may tumatawag sa phone ko.. agad ko itong kinuha "Unknown..number..?" sino naman kaya to.." "Hello..?" -"Hello sarah..mami mo to.." "hello..mi nasan na po kayo..?" "mag iistay muna kami dito sa hotel ngayong gabi.." Bakit naman mi.." -"masyado ng delikado sa daan.. marami naring kalye ang hindi na pwedeng daan dahil sa baha.." "ganun po ba.." -"Oo..ate kaya ibilin mo nalang kay yaya na.. ngayon palang ay ilock na ang gate at pinto sa likod... mag iingat kayo dyan.." "kayo rin mi.. ingat po.." Nalungkot ako ng mga oras naiyon..dahil ngayon gabi lang mangyayari na hindi namin makakasama sa bahay sila mami at dadi ... "yaya hindi daw po makakauwi sila mami at dadi..ngayong gabi" -"bakit daw??" "Delikado na daw pong tahakin ang daan ngayon..kaya dun muna sila mag iistay sa hotel..."Oh bakit mukang malungkot ka..?" (pang aasar na tono ng pananalita ni yaya belen) "natatakot ka no??" -"ahh..hindi po kasi ako sanay ng ganto yaya belen..laluna sa sitwasyon ko ngayon.. hindi ko na alam ang totoo sa hindi.. mga bagay na ako lang ang nakakaramdam at nakakakita... hindi ko nga alam baka ngayon nananaginip ako e.. ang masakit pa dito walang na niniwala sakin.." "hahaha.. Sarah dimo manlang na sabi.. magaling kapala sa drama.. hahaha".. "yaya..naman..seryoso ko.." "ate..alam kong may kung ano.. dito sa bahay..pero nung sinabi mong si nicole..?? papatayin ka??..malabo..malabong mangyari yan..sarah.." pero..yaya.." "sarah tama na.. magtatalo nanaman ba tayo tungkol dito??.. "Sorry ya.. Sige po mauuna na ako.." Pag papaalam ko kay yaya belen.. "oh..dalin mo na tong kandila sa taas.." "hindi na po ate belen.. may flashlight naman po ang phone ko.." "ahh.sige..ikaw..bahala.."
7:45 PM na nang mga oras nayon..ewan ko bat parang ang lakas ng loob kong umakyat mag isa.. siguro dahil badtrip din ako ng mga oras nayon.. Binuksan ko agad ang flashlight ng phone ko..mas maliwanag ng konte.. kesa sa liwanag ng kandila.. at nagmadali na nga akong umakyat upang mag pahinga.. noong nasa hallway na ako.. Sobrang lakas ng hangin.. na akin namang pinagtataka..dahil alam ko namang..walang butas sa taas na pwedeng pasukan ng neto.. bago pa ako makarating sa tapat ng aking kwarto.. umagaw pansin na sakin ang tunog ng humahampas na kurtina.. mula sa kwarto ni nicole.. at agad ko namang itinapat ang ilaw ng phone ko.. kung saan ko narinig ang ingay.. "Shocks!.. kanina lang isinara ko na ang mga yun ah.." aking pag ka gulat ng amkita kong naka bukas nanaman ang mga bintana sa kwarto ni nicole.. agad ko naman itong tinunguhan upang isara.. "alam..ko..isinara ko na ang mga ito kanina ah.. kainis naman..nabasa nanaman tuloy ako.." Bigla akong nakaramdam ng ginaw matapos akoy maangihan..nang isinara ko ang mga bintana.. kaya naman minabuti ko nang pumanik sa aking kwarto upang mag palit... pag ka pasok ko sa aking kwarto agad akong dumiretso sa cabinet upang mag maghanap ng maisusuot... nang biglang nag off.. ang flashlight ng phone ko.. "Oh..My.. ano nangyari..bakit namatay.." nang tignan ko ang phone ko 5% nalang pala.. kaya nag Automatic syang namatay.. " Kainis.." Banggit ko..nagmadali na ako sa pagbihis matapos ay agad naman akong sumampa na sa kama para mag pahinga.
8:06 PM Mulat parin ang mga mata ko ng mga oras na iyon.. hindi ako mapakali..parabang kung minsan ay may kung ano sa ulunan ko, minsan naman parang feeling ko may kung anong naka dungaw mula sa paahan ko..kaya naman hindi ko pinalalagpas ang mga paa ko sa kama.. Kung ano ano nanaman ang pumapasok sa isipan ko... (tok! tok! tok!) "Sarah.." Tinig ni yaya belen na naggagaling sa mula sa labas .. "Ah..Bakit ..po..yaya.." Agad naman akong bumangon upang pagbuksan ng pinto si yaya..(Eeeingg...) " Oh..yaya..bakit..po?" - "Ah..naiisipan ko kasing dalhan kana ng mga kandila dito..ito..oh!." "salamat..ya.." "Nga pala ate belen..si nicole po.." "ayun natutulog na sa kwarto nya.. tinanong ko naman sya kung gusto nya bang tumabi sayo.. sabi nya naman..mamaya nalang daw.. ewan ko ba sa batang yon bat mamaya pa.. ahh sige na magpapahinga narin ako.. Oh.. ito pala panindi.." "Goodnight ya.." at akin nang isinara ang pintuan pag kaalis ni yaya.. agad na akong nag sindi nang kandila upang lumiwanag naman ng kaunti dito sa aking kwarto..ipwenesto ko ito sa tapat ng paahan ng aking kama.
8:20 PM nang dalawin na ako ng antok ..Dinig parin mula sa labas ang pabugso bugsong hangin at malakas na ulan ng mga oras na iyon.

BINABASA MO ANG
Nicole
Terror#Nicole Horror Story. -- 1. Ito yung story na mararamdam mong kasama ka sa bawat pangyayari. 2. Puro positive comments, at maraming nabibitin. 3. Unique story walang pinag gayahan. 4. At sisiguraduhin kong hindi ka makaka ihi pag gabi. 5. SIMPLE LAN...