KABANATA 1

1.3K 182 96
                                    

Royal Blood: Vampire Academy.

Kabanata 1.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa aming paaralan ng mapansin ko ang tila nakabibinging katahimikan sa kapaligiran.

Nahagip ng aking mata ang isang orasan, ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase sa bawat silid.

Sa sandali kong paglalakad, narating ko rin ang kwarto namin. Malakas na tawanan at asaran ang nagmumula rito.

Mukhang may ginagawa na naman silang kalokohan, sanay naman na ako sa araw-araw na palabas na nagaganap sa classroom bago magsimula ang klase.

Pumasok na ko sa kwarto at walang pake na dinaanan ang mga kaklase kong nagkakasiyahan at nagkakantyawan.

"Ang kapal naman ng mukha mo!" Malakas na sabi ni Michelle, sabay duro doon sa kaklase naming babae.

Napataas naman ang kilay ko ng makitang nakaharang ang mga ito sa dadaanan ko, Tinatamad man akong magsalita pero kailangan kong itigil panandalian ang palabas nila.

"Tabi" tipid kong sabi, natigilan silang lahat sa ginagawa nila at tinignan ako. Napilitan tuloy yung babaeng mukhang harina na gumilid pati na ang iba niyang kasama para makadaan ako.

Tinignan ko lang sila isa-isa ng masama at dumeretso na sa upuan. Pagka-upo ko ay bumalik na ulit ang ingay ng kwarto.

"Hey kinakausap kita, ano walang kibo?!" sigaw ni Harina.

"Ang kulit din no? Walang narinig? Bingi kaba? "hasik na sabi ni Harina.

Malakas ang loob nila na gumanyan dahil wala naman kaming teacher kada first subject.

Hindi naman ako madalas pumasok ng maaga, sadyang napa aga lang ng gising sakin si mama kaya no choice din ako kundi pumasok na. Wala rin naman kase akong gagawin sa bahay.

Tinignan ko naman yung babae sa gilid ko, malapit sa bintana ako naka pwesto at sa hindi inaasahan ay katabi ko pa yung babaeng lagi nilang pinag tri-tripan.

Nakayuko ito at tahimik lang dahil sa ayaw nito ng gulo. Puno ng bulungan at tawanan ang classroom dahil muli na naman pinagtri-tripan ni Harina ang Nerd ng campus namin.

Nakakainis mang sabihin pero katulad lang din ng ibang school, may Nerd din dito, may mga hearttrobs, mga queen bee at kung ano ano pang kaartehan sa school.

Maraming na nga-ngarap na sana sa ganitong paaralan sila makapasok dahil naniniwala sila sa mga kwentong mababasa mo sa mga libro. Pero ako na ang nagsasabi wala kayong mapapala dito dahil puro maaarte at walang modo ang nakakasama ko dito.

Yung babaeng maingay kanina at mukhang harina siya ang Queen bee dito sa campus kaya ganun nalang kalakas mambully dahil nga sa sikat s'ya at marami siyang alipores na ang hanap lang din naman ay kasikatan.

Isa sya sa mga hinahangaan at tinitingala dito sa campus hindi dahil sa matalino o mabait siya, bagkus humahanga sila sa ganda nito at landi narin syempre.

"Tama na p-please" garalgal na ang boses nung babaeng nerd, nag mamakaawa itong itigil na ang pamamahiyang ginagawa ng tinuturing niyang kaibigan.

"Tumigil ka nga, ito ang bagay sayo!" Sigaw ni Harina sabay tapon sa mga gamit nito.

Kahit iyak ng iyak si Bea ay sinubukan nya paring lapitan si Michelle upang kausapin.

Teka nga? bakit ba dinedetalye ko pa sa inyo ang mga ginagawa nila? Wala akong pake sa kanila, hindi nila deserve ang oras at atensyon ko.

Royal Blood: Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon