KABANATA 4

709 167 47
                                        

Royal Blood: Vampire Academy

Kabanata 4

Nandito na kami ngayon sa hapag kainan, kasabay namin ang mga Prince at Princess ng iba't ibang bayan. Sila yung naabutan namin kanina.

Nakapagusap na kami nila mama at papa kanina pero hindi rin ganun katagal, kaya iilang mga kaganapan lang ang naikwento nila at naipaalam sakin.

"Kalaki na pala nitong si Mia, parang kailan lang ay mahilig pa siyang magtanong sa akin kung maganda raw ba siya, kay bilis nga naman talaga ng panahon" natatawang sabi ni Lady Stephanie at tumingin sakin, nginitian ko nalang ito pabalik kahit medyo naiilang ako.

Ayun medyo nakakahiya ah, jusq po. Ano bang sapi nasa akin nung bata ako.

"Ilang taon kana nga pala ulit ija?"

"17 po" nakangiti kong sabi.

"Kung ganun magkakaedad lang pala ang mga anak natin Mila? "

"Oo nga ano?" sagot naman ni mama.

"Nga pala tungkol sa Grayson Academy"

"Napaasikaso ko na nga pala sa mga tauhan ko ang papeles nila Mia at Ellary, Maari na silang pumasok sa lunes"

Sa totoo lang hindi ko sila kilala lahat, hindi rin naman sila napakilala ni Mama kaya naman sinasagot ko nalang lahat ng tanong nila.

Nagkwentuhan lang silang lahat habang naghahapunan, panay din ang tukso nila kay Tito Frances dahil nga sa ngayon lang ito nagpakita sa kanila. Masaya naman pala sila ditong lahat pero bakit nanirahan parin kami sa mundo ng mga tao?

"Mia anak, magpahinga na kayo ni Ellary sa itaas" sabi ni Mama sakin.

"Paano po kayo? Hindi pa po ba kayo matutulog nila papa?" tanong ko naman.

Umiling ito sakin "Ngayon lang nila ulit nakita ang Tito Frances sigurado akong puputaktihin nila ng tanong ang lalaking yun" natatawang sabi ni mama kaya napangiti ako.

"Sandra? Pakihatid naman sila" dagdag pa ni mama at lumapit naman samin ang mistisang babae sya siguro si Sandra.

"Prinsesa Miahzabel at Prinsesa Ellary sumunod po kayo sakin" nagbow ito sa harapan namin at binigyan kami ng matamis na ngiti, Habang paakyat kami sa hagdan ay wala man lang kibuang nagaganap. Sobrang laki nitong palasyo siguradong maliligaw kami dito ni Ellary.

Sinenyasan ko si Ellary na kausapin si Ate Sandra at naintindihan naman nya ito kaya naman binilisan nya ang lakad nya upang tabihan sa paglakad si Ate Sandra at ganun din naman ang ginawa ko.

"Hi ate Sandra, Nice to meet you!" Pagbati ni Ellary sa kanya. Agad naman siyang napatigil at animo'y nagulat sa ginawa ni Ellary.

"Pasensya na po Prinsesa ngunit hindi po kami nakakaintindi ng Salitang ingles." Sabi ni Ate Sandra samin.

Huh? sandali kaming natahimik dalawa ni Ellary, hindi alam kung anong irereact namin sa sinabi ni Ate Sandra.

"Ano pong ibig sabihin nyo ate?" Tanong ni Ellary.

"Wala po prinsesa, pasensya na po" tanging sagot nito saka namadaling maglakad.

"Okay lang po ate" sabi ko naman na may ngiti sa aking mga labi habang pilit na sumasabay sa bilis ng paglalakad nito.

Ng makarating kami sa itaas ay isang mahabang pasilyo ang bumungad samin nakakamangha para kaming nasa isang hotel sa dami ng kwarto na nandito, partida dahil hindi pa kasama ang ibang pinto ay kaliwang bahagi nito.

Royal Blood: Vampire AcademyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon