His Blood: Vampire Academy
Kabanata 13
Mia's POV.
"Mia, bakit kaya kakausapin tayo ni Miss Bella?" Tanong ni Ellary.
"Ewan ko lang, pero mukhang importante dahil pinuntahan niya pa tayo" sabi ko naman.
"Hayss, sana walang nangyaring masama" sabi nito.
Pagpasok namin sa loob ng office ni Mia Bella ay ganun nalang kalaki ang gulat ko dahil andun si Laire. Tamad itong Nakaupo malapit sa desk ni Miss Bella ito. Kung titignan ay mukhang kanina pa ito nandito.
"Bestie nandito si Bruha!" Bulong sakin. Hindi ko siya pinansin at tinignan lang si Laire.
"Nandito ka na pala Laire" sabi sa kaniya ni Miss Bella.
"Yes Mom, may problema ba at pinatawag mo ko?" Tanong nito. Mukhang Hindi pa kami napapansin nitong si Laire dahil Hindi pa ito tumitingin sa gawi namin.
"Maupo na kayo Laire and Ellary" sa sinabi ni Miss Bella doon nanlaki ang mata nito.
"W-what are they doing here Mom?" Agarang tanong ni Laire.
Hindi ito pinansin ni Miss Bella, sa halip ay pumunta ito sa isang kwarto sa opisina nito, mukhang may kinuha ng gamit.
"You both, anong dahilan at nandito kayo?" Mapagmataas na sabi ni Laire.
"Ikaw bakit nandito ka?" Balik nitong tanong kay Laire.
"This is my mother's Office duh! How about you losers?" Tanong nito sabay irap.
"B-bisita kami bakit ha?!" irap din ni Ellary.
"Bisita? Hindi tinuturing bisita ang mga commoners tandaan niyo yan. Dahil sa paningin ng lahat mababang uri lang kayo!" Pang-lalait nito samin.
"Aba bwiset pala 'to eh, para sabihin ko sayo. Royal ka nga pero ang panget naman ng ugali mo wala ring silbi! Pwe!" Pabalang na sabi ng katabi ko, at kunyari pang nandiri sa kaharap nito.
Inis itong tumingin samin at maya-maya ay bigla akong nagulat dahil kumulog at kumidlat, bakit bigla naman atang umulan?
"How dare you! Pasalamat nalang kayo at bawal ko na kayong saktan" sabi nito samin, tila kami pa dapat ang matakot sa sinasabi niya. Pero gusto Kong matawa. Too childish.
"Seryoso? Nanakot kaba? Hindi kase halata promise!" Sarcastic na pagkakasabi ni Ellary.
"Hey stop it, she's not worth your time" saway ko dito.
Tumigil naman silang dalawa sa pagtatalo dahil dumating na din si Miss Bella na may hawak na mga papeles.
"Sit down both of you"sabi samin ni Miss Bella.
Kahit ayoko ay napilitan kaming maupo sa katapat na upuan ni Laire kaya magkatapat kami ngayon, inirapan pa ako nito bago ako lumingon Kay Miss Bella.
"Nandito kayo dahil sa gulong nangyari nung nakaraang araw, care to share your sides?" Tanong ni Miss Bella.
Hindi ako kumibo, bakit pa ako magpapaliwanag? Eh kalat naman na sa buong campus na ako yung gustong pumatay doon sa Prinsepe nila. Kahit naman mag paliwanag ako Hindi na mababago mga isip nun.
"Mom like I said, ginawa ko lang yun dahil kay Tim na muntikan na niyang patayin" may halong diin sa Boses nito, halatang nagsisimula na siyang mainis.
Tumango-tango naman si Miss Bella.
"And you Miss Ellary, totoo bang nagkaaway din kayo ni Laire? Bakit?" Tanong ni Miss Bella.
BINABASA MO ANG
Royal Blood: Vampire Academy
VampirePaano kung ang lahat ng alam natin tungkol sa mga bampira ay pawang kasinungalingan? Ang mga bampira ay mga espesyal na tao na kayang mabuhay ng hanggang tatlong daan na taon. Pero dahil sa inggit ng mga pangkaraniwang tao ay pinalabas nilang masama...
