PROLOGUE

7 0 0
                                    

Minsan ako ay napaisip kung sasabihin ko ba sayo o itatago nalang ang lahat ng nararamdaman ko at patuloy na tanggihan ka. Alam ko na matagal ka nang nag hahabol sakin at matagal ka na rin may gusto sakin, gusto ko sanang sabihin sayo na may gusto rin ako sayo. Pero natatakot ako, natatakot ako na baka pag sinabi ko sayo ay layuan mo ako. Kaya heto ako patuloy na nagtatago ng nararamdaman ko. Hindi ko dapat ginagawa 'to, dapat nung una pa lang ay sinabi ko na sayo. Dapat hindi ako natakot mag tapat sayo, dahil baka isang araw ay mapagod ka na kahahabol sakin. Nung una ay hindi ko naisip na masasaktan kita dahil alam ko na sa bawat pagtatapat mo sakin at kahit paulit ulit kitang tanggihan ay hindi ka titigil sa paghahabol saakin. Pero ngayon napagtanto ko na, kailangan ko na talagang sabihin sayo dahil alam ko na nasasaktan ka na. Pero kung nung una pa lang ay sinabi ko na sayo, hindi sana magkakaganito, hindi ka dapat nasaktan ng ganito. Pasensya na kung nasaktan kita ng sobra, pinairal ko nanaman kase ang pagiging duwag ko. Sana ay maintindihan mo ako at sana malaman mo na may gusto rin ako sayo.

- James Ethan Byron

Enjoy the Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon