Hi/Hello naaalala mo pa ba ako? Malamang hindi na. Hayaan mong ipaalala ko sayo kung sino nga ba ako sa buhay mo. Ako nga pala ang isa sa libo libong tigahanga mo, isa sa mga napapasaya mo. Isa sa nangulit sayo. Isa sa nabaliw sa'yo. Hindi ko alam kung bakit sayo ako nahulog, marahil ay dahil sa angking talento at kabaitan mo. Ikaw ang nagbigay kulay sa boring kong buhay, ikaw ang nagbigay ngiti sa aking mga labi, ikaw ang naging inspirasyon upang magawa ang aking misyon... pero lahat nang mga ngiti at saya na iyong binigay sa aking labi bigla na lang nabura... nabura nang malaman ikaw pala'y may iniibig na. Puso ko'y
nadurog nang makita kong masaya kana sa piling nya. Hindi ko alam kung anong dapat gawin, ayaw tanggapin ng aking isip na hindi ka sakin. Ano bang mali sakin? Ano bang kulang?. Ang gabi ginawa kong araw para lang iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga sakin!. Pero hindi parin pala sapat ang mga ipinakita at pinaramdam ko sayo. Oo nga pala anong laban ko sakanya?; Siya na mala Barbie doll sa ganda, samantalang ako eto mala Voodoo doll sa pagkachaka. Mahal mo siya, mahal ka nya pero mas mahal kita!. Alam kong mali... mali na ibigin ka pero anong gagawin ko? Tao lang ako. Siguro nga kailangan ko nang gumising sa Katotohanan na sa mundo mo ikaw at siya lang ang mayroon at hinding hindi magkakaroon ng Tayo. Hayaan mo titigil na ko sa pangungulit sayo, hindi na muling pupunta sa concert at mall tour mo hanggang dito na lang ako. Huling mensaheng iiwan ko sayo salamat dahil kahit sa maikling panahon napasaya mo ang tulad ko, Salamat dahil hinayaan mong maramdaman ko ang pagmamahal mobilang isa sa tigahanga mo. Salamat dahil ginising mo ako sa realidad. Para naman sa iyong kasintahan pakiusap alagaan mo siya, mahalin mo sya ng higit sa pagmamahal ko na alam kong kaya mo; sa tuwing hinahawakan mo ang kamay nya tandaan mo mundo ko ang hinahawakan mo kaya ingatan mo sya. Pahalagahan. Paalam.