Max's POV
"ARAY!! ANO BA! DAHAN DAHAN NGA LANG!"
'Sorry po sir."
Aaaarrrghhhh!!! Di sana ako magkaka-pasa sa muka ko kung di lang ako binugbog nung babaeng yun! Pasalamat siya babae siya! Di ko na siya pinatulan! Pero pag talagang gustong makipag-away nung babaeng yun sakin, gaganti na ko! Ano ba kasing problema niya sa kantang yun?!
*Flashback*
Nandito ako ngayon sa motor ko, sinusundan si Jerwynn. Magkatabi lang motor namin. Makausap nga to. Idadagdag ko yung Nayla na yun sa mga collections ko.
"Oy Jerwynn." "Oh?" "Ano ba type ni Jenylla?" "Type? Malay ko. Playgirl yun eh." Ahh...playgirl nga siya. Sabi na nga baga eh. Pero kung playrirl siya, tapos casanova ako, ede gamitan kami? Ay teka! Max naman! Di mo pa siya nadadagdag sa mga collections mo, may mga iniisip ka na! Ulul.
"Isa ka na ba sa mga nabiktima dati ni Jenylla?" Yan na lang tatanong ko -_-
"Hindi ah! Alam mo, si Jenylla, di naman talaga yan playgirl dati eh." Ha? Ano daw? Di siya playgirl dati? SAY WHUUUUTTT-?!
"Kasi may kaibigan kami dati. Eh yung kaibigan namin, niloko lang ng isang lalaki. Kaya yun, naghihiganti siya. Astig nga eh. Kasi yung kantang "True Friends" ay theme song naming tatlo dati. Eh ngayon ayaw niya ng marinig na may nakanata nun EXCEPT ME"
"Ha? Except you?"
"Yeah. Kasama ako sa barkada dati kaya ok lang"
Ohh. Ngayon alam ko ng ang pang-asar diyan sa Nayla na yan >:) I bet she's cute pag nagagalit yun"
*End of flashback*
Akala ko magiging cute -_- CUTE GONE WRONG
P.S.
Astig noh? Nakapagusap pa kami habang naandar yung mga motor namin? XD
Nayla's POV
Umuwi na ko. Pagdating ko dun wala si Jerry. GOOD. Dumeretcho na ko sa room ko. Nagshower na ko at nagbihis ng pang-alis. Pero ngayon, ayokong katakutan ako ng mga tao. Kaya nag dress ako tapos lugay and shades. Yan. Di na ko makikilala nan. SURE AKO. Umalis na ko sa bahay gamit ang chervolet car ko. Pagdating sa mall, nagshopping ako. Namili ako ng mga damit. Nagtataka nga yung mga tao kasi puro leather jacket, hoodies, varsity jackets, ripped jeans and ripped shirts ang binibili kong damit, eh girly yung suot ko. Namili naman ako ng boots, wedge sneakers, nike, at tsaka mga jordan na sapatos. 12 shopping bags na ang meron ako pero parang gusto ko parin magshopping :P Ang sarap kaya sa pakiramdam na nakukuha mo yung mga gusto mo. Ayoko pang umuwi kaya namili naman ako sa grocery store ng mga chichirya. After kong mamili ng mga chichirya, ayoko parin umuwi. Baka kasi nandun si Jerry. Di ko pa siya kayang harapin. Tss. Bumili nalang ako ng "Midnight Memories" album ng 1D at namili din ako ng magazines, posters, at mga bagay na related sa 1D. Yeah. Directioner ako :P And guess what? Lahat ng haters ng 1D sa school KO ay pinapatalsik ko. Anyways. Since di ko nga kaya pang harapin si Jerry, pumunta muna ako sa libingan kung saan nakalibing si Mel. Pagdating ko dun, wala masyadong tao. Kinausap ko na lang muna si Mel.
"Mel! Alam mo ba, ever since nung iniwan mo ko, naging warfreak na ko! Diba dati naman mabait ako sa lahat? Dati naman diba masiyahin akong tao. Pero bakit bigla nalang akong nagbago?"
Medyo naiiyak na ko habang kinakausap ko si Mel. Totoo naman kasi eh. Simula nung mawala siya sa tabi ko, nagbago na ko.
"Pero mag kang mag-alala, Mel. Kasi may mga kaibigan parin naman ako eh. Sakanila ko pinapakita yung happy side ko! Si Vivi kahit napaka isip bata nun, ewan ko ba, kulang kami pag wala siya. Si Marje naman, kahit napaka-bobo nun- AY! Sorry for the word! Pero may pagka-bobita talaga yun eh! Pero napakahalaga niya parin sakin. Tapos si Lia, kahit minsan napaka seryoso nun kaka-aral, masaya parin siyang kasama. Akala ko nga nung iniwan mo ko, susundan na din kita! Pero narealize ko...na mas malulungkot ka lang pag ginawa ko yun..Kaya di ko na tinuloy!"
BINABASA MO ANG
How I Met My "SAID" Twin
Fanfiction"You cannot say it's 'LOVE' when you're not hurting.."