Chapter 7.3
[Yrine’s POV]
Ano ba ‘yan halos di ako nakatulog kagabi, kasi naman si Keuz, ang lakas ng tama niya! Halos di na niya ko pinatulog sa picture kong halos ikamatay ko na! Tapos ‘yung sinabi kong may picture ko siya, ang totoo niyan ay wala talaga. Gawa-gawa ko lang ‘yun para di niya i-post! Nakakainis, pag-uusapan na naman kasi ‘yun eh at kung walang magawa ang mga tao gagawan pa siguro nila ‘yun ng meme. Pagtatawanan nila ako, ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanila?
“Hoy! Ano ‘yang iniisip mo? Ayie.” Asar sa’kin ni Ayah.
“Wala!” pagalit kong sabi.
Nakakainis naman kasi eh, suspense pa ‘yung bakulaw na ‘yun! Ayaw pa sabihin kung no ‘yung dare na sinasabi niya. Habang tumatagal, kinakabahan ako! Ano ba kasi ‘yung pesteng dare na naiisip niya? Hay, sana talaga katausan na nang mundo para mwala na ko sa kalagayan kong ‘to!
“Galit?” nagtatampong tanong naman ni Shantal.
“Wala, may iniisip lang ako.” Mahinahon kong sabi at tumayo na, nandito kasi kami sa free park since may free time kami.
“Saan ka pupunta?” rinig kong tanong ni Sharmaine, kaso di ko na pinansin pa.
Rooftop.
Hindi ako nandito para magpakamatay, mahal ko pa ang buhay ko! Kailangan ko pang mayakap at makita si Song Joong Ki at Kim Soo Hyun. Magpapahangin lang ako.
Buzz...
From: Mr. Invisible
Kung anuman ang gumugulo sa isip mo, ‘wag mong hayaan ito upang maging dahilan ng stress mo. Good day by the way.
Ano daw?
Nagulat na lang ako at biglang bumukas ang pinto ng rooftop.
Walking dead? Hala, kasalanan ‘to nila Glenn, iniwan nila akong naka-posas dito. Huhu, mamamatay na ko. HELP!
/snap/
“Para ka na namang timang dyan! Haha.” Natauhan na lang ako ng bigla kong marinig ang tawa ng isang demonyo na ang haba-haba ng sungay at buntot.
“Anong ginagawa mo dito?” pagsusungit ko.
“About my dare.” Pasimula niya, tiningnan ko lang siya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. “Kailangan mong makipag-date kay Zyrelle.”
“Zyrelle?” ako.
“Di mo ba siya kilala? Well, mukha ngang hindi, siya ‘yung kaklase natin. Dati siyang nasa section B at nalipat sa section natin because he excel.”
BINABASA MO ANG
Mr. Popular vs Mr. Invisible (ON HOLD)
Novela JuvenilMeet the only one girl that make the two MR. fight for their love to her. She's Ms. Yrine Nicole Sy, the so called Ms. Popular, Ms. Witty, Ms. Perfect and more Ms. to be called. Who will win in this fight in Ms. Popular heart? Let the battle begin...