Someone's POV
Ano iyon? May naaamoy akong preskong Karne! Saan kaya iyon nangagaling!! isang dugong buhay at birhen ang sarap... akoy nagugutom na....
Pagtingin ko sa taas malapit sa mga bagong ibinasura nandoon pala sya... akin kalang.... itinadhana ka para ipsok sa tyan ko! Hahahaha!
Mary's POV
Tumayo ako para hanapin si Baste pero nasalikod ko lang pala sya. Sinabi ko na umalis na kami sapagkat hindi ko na kayang makita ang lahat ng mga taong kinakatay. Habang palakad na kami pabalik sa lagusan, bigla nalang hindi makagalaw ang paa ko! Pagtingin ko, bigli nalang akong nahila ngunit, buti nalang at nahawakan ni Baste.
Third Person's POV
1,2,3 Hila!!! Nagtataka na talaga si Mary kung sino ang humihila sa kanya. Habang tumatagal ang paghihila ni Baste kay Mary, Lalong humihigpit ang kapit ng humihila sa kanya.
Sino ba itong humihila saakin! pasigaw na sabi ni Mary.
Wala paring sinasabi si Baste at nagpatuloy lang sya sa pag hihila. Biglang dumating sa isip ni Baste na mayroon pala syang dalang kutsilyo sa bulsa nya. Agad agad nya itong kinuha at itinusok sa Octopus-like tentacles na humihila kay Mary. Agad agad namang tumayo si Mary sa pagkakahiga tapos tumakbo na sila kaagad......
Baste's POV
"Naku naman oh, pambihira talaga! Pati panaman doon maaamoy ka pa nya". Painis kong sinabi.
Habang tumatakbo kami ay naharangan pa kami ng isang Matabang higante na tao! Hindi na ako makagalaw sa takot!
"Isa ba ito sa mga Good Supporting actors sa kwentong ito oh, isa sa mga bad guys?" Pa takot na sabi ni Mary.
Sa takot naming dalawa ay unti unti ko ng naririnig ang tibok ng puso ko pati na kay Mary! Ano na kayang gagawin namin ngayon!
Mary's POV
"Nako patay! Ano na? Goodgame na ba Ito?".
Habang tinitignan ni Mary yung Matabang higante, parang may nareresemble syang mukha.... Parang pamilyar talaga sa kanya ang mukha!"Teka teka lang parang may kamukha ka" Pa kalmang kong sabi!
"Kaya mo pang magbiro sa oras na ito!" Pa galit na sabi ni Baste
sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko! pero kailangan kong magpakatatag para matupad ko ang aking mga pangarap.
"Alam ko na! Para kang si Pete yung sa Disney Junior! Pa gulat kong sabi! pagkatapos ay binigyan ko siya ng salamin!
"Huh? Sure ka ba talaga dengs! " Pa sabik na sabi ng higante!
Agad agad naman akong nag-agree. Dahan dahan kong hinila si Baste papalayo pero mas kinabahan pa ako nung sinabi nya na!
"Akala nyo ba na maloloko ninyo ako! " Pagalit na sabi ng higante. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla nalang na may malaking Butchers knife ang humarang saamin! Kitang kita ko ang mga maliliit na karneng nakidikit at ang pulang dugo na naka mantsya nito! Ito na ba ang katapusan natin!
Third Person's POV
Napatigil sina Mary at Baste sa paglalakad nang makita nila ang malaking piraso ng bakal na nakasalamin sa mga mukha nilang takot. Wala silang masyadong magawa kundi tumalikod at harapin ang higanteng nakatingin sa kanila.
Iginapos sila ng Higante sa isang poste malapit sa lagusan. Tanggap na talaga ni Mary na mamamatay na sila pero, may naisip na paraan si Baste para makatakas silang dalawa. Una, Sinigawan ni Baste si Mary at sinisi nya ito sa lahat ng mga nangyari sa kanila. Bigla namang nadala si Mary kayat para naman talaga silang nagaaway.
Baste's POV
Ok, lahat is according to plan!
"Oh Mr. Ihaw" pagalak kong sabi!
para siyang naguguluhan na kilala ko siya. Tinanong nya ako kung bakit ko raw sya kilala.
"Sikat ka kasi Mr. Ihaw! Matankad ka pa! Gwapo pa at, Bortang borta pa! (kahit hindi naman talaga) Nagalak sya sa sinabi ko. Hindi nya mapigilang maging excited! Alam ko na talaga na kumapal na talaga ang pes nya! Kayat pinakawalan na nya ako!
Nakipagsundo ako na, ibibigay ko sa kanya si Mary at papalayain na nya ako! galit na galit talaga si Mary sa pagkat akala nya na tinraydor ko sya pero ang hindi nya alam ay, lolokohin ko lang pala si Mr. Ihaw.
"Tatakpan muna natin ang mga mata mo Mr. Ihaw para ma susupresa ka sa gagawin ko kay Mary. Habang naktakip ang mata niya, Kinuha ko ang tali sa kamay at paa ni Mary. Ang hindi alam ni Mr. Ihaw na ipinosisyon ko sya sa isang direktion na patungo sa Malaking bakal na kutsilyo.
Sinimulan ko ang DRAMA!!!
"Mr. Baboy nakawala si Mary! Tumakbo sya sa hinaharap mong direkson! " Pa takot na acting kong sinabi!
Agad agad syang tumakbo ng mabilis hanggang sa narinig nalang namin ang sumisirit na dugo at ang pagkahiwa ng mga karneng nasa kanyang katawan nya!
SUCCESS!!!
Mary's POV
Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko! para bang maloloka na ako sa mga nangyayari ngayon especially na patay na yung lalaking gustong pumatay saamin!
Para na akong mababaliw! Kung makikita lang ng iba kung ano ang nakikita namin! Nakakalat ang kanyang preskong dugo! Sumirit pa saaming mga mukha ang mainit na mapulang likido na nanggaling sa higante kanina! ang mga organs nya na mapupula at mababaho ay nagkalat sa lugar! ang mga buto nyang naka kalat sa sahig! Ayo ko nang madagdagan pa ang mga. bangungot na nangyayari saamin ngayon! agad agad kong pinilit na umalis na kami sa lugar na ito pero, parang masaya si Baste na napatay nya yung halimaw!
"1 down, 99 to go" pa galak nyang sabi!
Ano kaya ang ibig sabihin ng iyon! May mga marami pang kagaya ni Mr. Ihaw sa Butchers Den! Ayoko na talaga!
Third Person's POV
pagkatapos noon ay lumabas na sina Mary at Baste pero hindi parin maalis sa isipan ni Mary kung sino o ano talaga si Mr. Ihaw.
" Sino ba si Mr. ihaw? " Pa tanong na sabi ni Mary.
Sinagot na talaga sya ni Baste kasi pagod na si Baste sa kakalihim ng mga pangyayari sa eskwelahan.
Gusto Mo Ba Talagang Malaman Mary?
Handa ka bang malaman ang LAHAT?
BINABASA MO ANG
HSELF TEFFUB
HorrorBuffet F, isang napakasikat na eskwelahan... Maraming nagnanasang makapag-apply dito pero,, gugustuhin mo pa bang mag-apply pagnalaman mo ang kanilang sikreto?