CHARACTERS:
LEE JONG SUK as Gilbert Yohan
IU as Nicole Euson
SUZY BAE as Eliah Madrid
KIM WOO BIN as Jameson Victor Cañazares
Masaya akong naglalakad papunta sa store kung saan kami nagkikitang dalawa. Sa store na malapit sa bahay at 'di gaanong pinupuntahan ng mga tao.
Kinuha ko ang cellphone ko nang marinig ko itong tumunog. Parang lumundag ang puso ko nang mabasa ko ang pangalan niya.
"Hello?" sabi ko nang sagutin ko ang kanyang tawag, pero bigla itong namatay.
Tinignan ko ang screen ng aking phone pagkatapos ay tinext ko siya.
"Miss mo na ba ako?" biro ko sa kanya.
"Wag kang mag - alala, malapit na ako-" bigla akong napatigil sa pagtatype at paglalakad nang akitang ko yung taong tatagpuin ko na naglalakad palapit sa akin.
Kinikilig ako, 'yan ang madalas kong nararamdaman sa tuwing papalapit siya sa akin.
Pero ngayong gabi, parang winawasak ang puso ko sa kanyang bawat hakbang na ginagawa.
Kasama niya ang kaniyang girlfriend, at hindi ako 'yon.
Gusto kong magpanggap na hindi ko sila nakita. Gusto kong magtago pero wala akong mapuntahan, kaya kinuha ko ang kamay ng isang lalaking nadaanan ko. Hinila ko siya palapit sa akin pagkatapos ay hinalikan.
"Pucha! Ang sakit ng puso ko" mga salitang nasa aking isipan.
At unti- unti nabasa ang aking mukha ng mga luha.